Ni: RRJ*
Sa kauna-unahang pasok sa eskwela,
May nadaramang hiya sa bawat isa,
Mga kapwa ay unti-unting kinikilala,
Pawang kinakapa,panibagong sistema.
Ngayo'y tila lumawig ang pagsasama,
Binalot ng 'di malilimutang ala-ala,
Mas higit na tumatag at nagkaisa,
At d'yan nabuo pagtuturingang pamilya.
Mga pangyayaring ating pinagsaluhan,
Ay nalalapit na nating maiwanan,
Sa silid na nagsilbi nating tahanan,
Dahil sa pagtatapos na nais makamtan.
Sa sampung buwan tayo ay nabuo,
Ang pagsasama tila dito na hihinto,
Mga ala-ala, sana'y manatili sa puso,
Sa ating pagtatapos binabati ko kayo.
YOU ARE READING
Ang Paaralan Ko
PoetryFarewell ko lang ito dahil malapit na kaming grumaduate nung ginagawa ko ito Pero now naka-graduate na ako