Chapter 1

653 15 0
                                    

"MAMAAAAAA TARA NA PO" excited na sabi ng anak ni jackie na si jace,nag-iimpake kase sya ng mga damit nila ni jace,ganito na ang nakagawian nilang mag-ina,palipat lipat sila ng bansa ng anak nya.

"Baby wait mo si mama,inaayos ko lang yung mga things na dadalhin natin" sabi ni jackie sa anak.

"Mama maganda po ba sa Philippines?" Tanong ng anak nya

"Oo anak,actually dun ako pinanganak,dun din si mama lumaki" sagot nya sa anak sabay ngiti.

"Bakit po di ako dun pinanganak mama?" Tanong uli ng anak nya at bakas sa muka nito ang kalungkutan

"Anak,diba inexplain naman nani mama sayo?,na maraming bad guys na gusto kumuha kay mama kaya palipat lipat tayo ng bansa." Sagot nito sa anak sabay ngiti

"Opo mama,i understand naman po" sabi ng kanyang anak at sabay ngiti

"Mama,makikita po ba natin dun si papa?" Tanong ng anak

"Amm,anak diba napag-usapan na din natin yan na hindi ko alam kung asan ang papa mo?,tyaka sigurado naman na masaya sya kung asan sya" sagot nya sa anak sabay pilit ngiting sabi.

After mag-impake ni jackie,agad silang syang nagmaneho papuntang airport,wala syang sinayang na panahon dahil alam nyang anytime andyan yung mga taong sumusunod sa kanila ng anak nya,hindi sya mapapakali hanggat hindi nya nalalaman kung sino at ano ang pakay nito sa kanya.

Pagdating sa airport ay ginising nya ang anak

"Baby,were here na" ani jackie

"Mama,can i sleep pa po?" Sagot ng anak habang kinukusot ang mata
"Kase po mama,hindi po ako nakatulog kagabi dahil excited po ako pumunta sa Philippines ehh" dugtong ng anak

"Pero baby,malelate tayo sa flight,bahala ka iiwan tayo ng airplane tapos di ka na makakapunta sa Philippines" pananakot nya sa anak

"No mama,gigising na po ako" sabi ng anak na parang takot maiwan ng eroplano

Natatawang bumaba si jackie ng kotse nila na iiwan nila sa airport.

Alam ni jackie na sobrang gusto ng anak nya sa pilipinsa dahil lagi nyang ikinukwento rito ang mga bagay na ginagawa nya sa pilipinas,sa katunayan ayaw nyang pumunta sa pilipinas pero dahil hindi nya kayang tanggihan ang anak ganun na lamang ang pagpayag nya na pumunta sa pilipinas.Ang ikinakatakot ni jackie ay baka magkita ang anak nya at ang ama nito.

"MARCO PLEASE MAGPABOOK KA NG FLIGHT NATIN AS SOON AS POSIBLE" sabi ni vice sa isa sa mga tauhan nya at galit na galit

Gusto na umuwi ni vice sa pilipinas dahil ang kanyang ina ay malubha ang kalagayan,kahit na sobrang dami nyang ginagawa rito sa singapore dahil sa concert nya,alam nyang importante ito pero mas importante ang ina nya kahit sa anong bagay.

"Pero ma'am vice hindi po kakayanin" sagot ni marco sa kanya

"GUSTO KONG UMUWI!,TANGINA GAWIN MO ANG LAHAT MAKAHANAP KA LANG NG FLIGHT!" Sabi nito at sobrang galit na talaga sya

"Sige po gagawa po ako ng paraan" anito ni marco

Tango lamang ang naisagot nya at minamasahe ang sentido

"Ma'am makakauwi po kayo ngayon,10 am daw po ang flight,may isang pasahero daw po kaseng kinancel ang flight nya,pwede raw po kayo dun,isa lang po ang vacant na flight kaya sa inyo na po yun" sagot nito

Kaya agad na bumalik si vice sa hotel nila na tinutuluyan at agad na kinuha ang mga gamit,

Pagkatapos makuha ang mga gamit,agad syang nagmaneho papuntang airport,halos paliparin nya ang kotse nakarating lang agad sa airport,malapit lang ang airport kaya naman agad syang nakarating roon.Around 8 am sya nakarating sa airport.
Pagkababa ng kotse agad nyang ipinakita ang passport.

Possessive Vice SeriesWhere stories live. Discover now