Simula

8 2 0
                                    

Warning: Grammatical Errors Ahead

--
Isa lang akong babaeng naghahangad ng kalayaan mula sa aking mga magulang. Gusto kong maranasan maging normal na teenager. Gusto kong maranasan na nagagawa kahit ilan lang sa mga gusto ko. Gusto kong maranasan na hindi dinidiktahan ng mga magulang.

Gusto kong makalaya mula sa hawla ng aking mga magulang.

January 2017; 7:16 am.

"Ma, alis na ho ako" paalam ko kay mama habang inaayos pa ang aking buhok.

"Hana anak, sumabay ka nalang sa papa mo pauwi ha?" pahabol ni mama

Tango na lamang ang aking naging tugon.

-

"Hana, nagawa mo na yung homework mo?" tanong ni Louise.

O_O

"Ha?! May homework? Fvck, nakalimutan ko." natatarantang anya ko.

Napangisi na lamang siya at saka tumawa. "Hay nako, Hana. Nawiwili ka na masyado sa pagbabasa mo" sabay tapik sa mga balikat ko. "Ano ngayon yung idadahilan mo sa Teacher?" dagdag na tanong pa niya

"Ayun na nga eh, hindi ko din alam" napayuko na lamang ako at napakamot ng ulo.

"ANDYAN NA SI TEACHERRRR" sigaw na isa naming kaklase kaya dali dali akong umupo sa pwesto ko.

"Goodmorning!" bati ni Mrs. Delos Reyes at saka ibinaba ang libro.

Si Mrs. Delos Reyes yung tipo ng teacher na mas gusto sa manila paper or sa board ng lelecture. Ayaw niya sa Powerpoint, wanna know why? Di ko din alam. Haha. Siya ang pinaka-mahigpit at masungit naming teacher.

"Let me see your homework" paktay eto naaaa.

Nagsisilabasan na sila ng mga notebooks habang ako ay hindi alam kung anong gagawin.

"Ms. Rillera where is your homework?"  nakataas na kilay at mataray na tanong niya sakin.

Nanatili akong nakayuko, nararamdaman ko ang mga mata ng mga kaklase kong deretsong nakatingin sa akin. Grabe nakakahiya tong araw na to!

"Okay remain standing." at saka tumalikod sa akin.

Fuck, this can't be happening. Hindi ako sanay na mapahiya ng ganito.

"Teacher, may homework po si Hana." pigil ni Kairo kay Mrs. Delos Reyes.

"What do you mean?" mataray niyang tiningnan si Kairo

"Kinuha ko po sa kanya yung homework niya, kaya akala niya siguro nawawala." O_O paliwanag ni Kairo na siyang ikinataka ko "Teacher ako ho yung walang homework" dagdag niya pa na mas lalo kong ikinataka.

Tiningnan ko sya at nilakihan ng mata, ngumiti sya sakin at napayuko ako. Nakakahiya na talaga. Ang alam ko ay si Kairo ang may homework at ako ang wala, bakit kaya niya ginawa yon?

"Thank you!" nakangiting pasalamat ko sa kanya ng pabulong. Muli syang ngumiti bilang tugon at saka na ako pinaupo.

Habang nagdidiscuss si Mrs. Delos Reyes, hindi ko mapigilang makonsensya, kung di dahil sakin ay hindi sana tatayo ng buong discussion si Kairo. Napapatingin ako sa kanya at tila bang parang walang nangyari, nahuli nya kong nakatingin sa kaniya at saka nya ako nginitian. Ang cute ng smile niya grr!

"Hala Jenina may ka-RS ka na? Hala hala hala! Shems sana ako din"

"Aalis na ata ako sa RPW bakit ganon? Wala naman atang nakakapansin sakin"

"Ah basta ako mag i stay ako roon"

"Bakit?"

"Dahil doon lang ako nagiging malaya"

Nagpantig ang mga tenga ko nung narinig ko ang salitang "malaya". Biglaang bumaling sa aking likuran ang aking mukha at tinanong ko sila.

"Nagiging malaya?" tanong ko sa kanila

"Oo, dun lang Hana. Dun lang talaga" madiin na sabi ni Chalsie sakin.

Nagtaka naman ako at napakunot ng noo. Saan yung tinutukoy nila?

"Saan?" fvck sabihin niyo kahit saan pa yan. Pupuntahan ko, just to be free.

"Sa RPW" rpw? Where is that?

"RPW?" takang tanong ko sa kanila.

"Role Playing World, dude wanna join us?" nakangiting anya ni Jenina

"S-Saan ba yon?" ewan pero parang umatras yung utak ko nung sinabing Role Playing World. Another world? Nagiging malaya? Role playing? Gulong gulo na ko.

"Sa internet. Gagawa ka lang ng account and then choose your character. Tapos yon, promise it will be really exciting and fun." pumapalakpak na sagot ni Jenina

"GIRLS AT THE BACK! STAND UPPPP!"  paktay tayo neto nakita ata kami ni Mrs. Delos Reyes dito.

Dahan dahan akong tumayo at saka tiningnan si Teacher.

-
At yon pinatayo kaming apat, with Kairo buong discussion. Bakit napakamalas ng araw ko ngayon, gosh, lutang na nga wala sa mood, tapos nakakairita pa. Bakit ganooonnn?! 

Palabas na ko ng classroom ng bigla akong hinarang ni Kairo.

"Uhm, Hana. Sabay na tayo?" tanong niya habang nakatingin sa akin ng deretso.

Hindi ko alam kung bakit dali dali akong napatango bilang pagtugon. Hinayaan kong sabayan niya ko sa paglalakad, hindi ko maipaliwanag yung tibok ng puso ko ngayon, ano to? Hana, ano yang nararamdaman mo?

Biglang pumasok sakin yung lugar kung saan may kalayaan, lugar kung saan ako lalaya. Masaya kaya don? Sasaya kaya ako doon?

Wag nalang, dapat akong makuntento sa kung anong meron sa totoong mundo. Hindi. Hindi ako pupunta roon.

"Hana, are you alright?" takang tanong ni Kairo sa akin.

"Uhm, o-oo naman" sagot ko at napangiti

"Sure ka?" saad niya pa at saka parang napatawa.

"O-Oo naman" gosh bat nauutal ako.

"ay oo nga. okay na okay ka" saad nya at saka tumawa. Nang-aasar ba itong isang ito? Wtfff?!

Ewan ko kung bakit ganito ako kabahan? wala namang nakakaba sa pagkakaalam ko. Hindi kay--? Sht sht hindi ganon yonnn. Hindi pwede.

"Oh, Hana bat napapailing ka?" fvck napansin niya?

"H-Ha?" namumula na ata ako, nanginginig ako shttt.

"Oh itatanggi mo?" anya "Wag masyadong pahalata ah, kinikilig ako eh" what?? anong--? Shtttt.

Pagkasabi niya non ay naglakad na sya palayo sa akin samantalang ako ay napako na sa aking kinatatayuan.

-

"Ma, nakauwi na ho ako." bati ko kay mama habang ibinababa ang bag sa sofa. "Uhm ma, bukas po pala pupunta ako kila Chalsie, may aasikasuhin lang po kami" dagdag ko.

"Hindi pwede. Hana, tapos ang usapan hindi ka aalis ng bahay bukas" deretsong sagot ni mama sakin.

"Pero ma, importante yon" pangangatwiran ko

"Kahit na, ang sabihin mo nalang sa kanila ay may gagawin ka bukas" anya at saka ako tinalikuran.

Gosh, eto nanaman tayo. Kelan ba ko magiging katulad ng ibang teenager na di na kailangang magpaalam, kailan ko magagwang maging malaya?

Wala na akong nagawa at umakyat nalang papunta sa kwarto, ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at saka huminga ng malalim.

"Kailangan mong masanay Hana, kailangan mo silang sundin" bulong ko sa sarili ko.

Teka..

RPW? Lugar kung saan pwede akong lumaya? Walang magbabantay sa kilos at salita ko? Walang magdidikta kung anong gagawin ko? Hayst, ano bang naiisip ko?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Goodnight and GoodbyeWhere stories live. Discover now