chapter twenty nine

2.6K 99 11
                                    

Brett

Ilang sandali pa akong nakatayo kahit wala na ang sasakyan sa paningin ko saka ko pa naramdamang may humawak sa balikat ko.

"wala na sila kaya umalis na rin tayo." balewalang sabi ni Rodrigo.

"umalis ka mag-isa mo." minsan gusto ko ring gulpihin ang lalaking to. Hindi marunong makiramdam.

Pumwesto ito sa harap ko na nakataas ang kilay. "ano ayaw mo silang sundan?"

Napakurap ako. Oo nga noh?

Sinapak ko ito sa braso. "bat ngayon mo lang naisip? Pano kung hindi na natin sila masundan?" at nagmartsa pabalik sa kotse nito.

"oh you're welcome dahil ako lang naman ang nakaisip na sundan sila!" sarkastikong sagot nito at mabilis na sumunod sakin.

"dahil nag-eemote pa ako! Eh ikaw anong ginagawa mo? Wala!"

"grabe! Ang sama ng ugali mo kaya hiniwalayan ka eh!" ganti nito. Kung hindi lang ito nagda-drive binatukan ko na ito.

"oh talaga? Pero deep inside masaya ka kasi akala mo may chance ka na sakin!"

"what?!" painosente pero huling huli ko ang pamumula ng pisngi nito, pati tenga.

"wat mo mukha mo."

"eh di sana hindi kita tinulungan ngayon." palusot pa nito.

"kasi alam mong may dahilan sya,"

"psssh whatever. Panalo ka na."

"naman." satisfied na sagot ko at tumingin sa unahan. "nasan na sila?" sa dami ng itim na kotse, hindi ko na makilala ang sinakyan ni Stef.

"I got them. Don't worry." kumindat ito sakin sa rearview mirror.

"sure ka? Baka pinatripan mo lang ako!"

"ingay! Oo nga eh! Gusto mo lalapit pa tayo para malaman nilang sinundan natin sila?"

"ano naman? Jowa ko yung sinundan natin! May problema ba dun!?"

Saglit itong sumulyap sakin. At nagdadalawang isip pa kung sasagot o hindi.

"actually meron. Hiniwalayan ka na ngayon lang. Yun ang problema."

Pinanlakihan ko ito ng mata kahit di ito nakatingin sakin. "umayos ka, Rodrigo! Alam mong hindi totoo yan!"

Baka umiyak na nga yun pagkatalikod pa lang nila eh. Alam ko kung gaano kalabag sa kalooban nya yung sinabi nya kaya hindi ako makakapayag na ganun ganun lang nya tatapusin ang mahigit apat na taon namin pinagsamahan.

" ays! Whatever again, Brett. "

"ikaw whatever! Tumahimik ka na lang kasi."

"ito na po tatahimik na po! Tumahimik ka na rin baka mabangga pa tayo." ramdam ko na ang inis nito kaya tumahimik narin lang ako.

Ilang sandali lang ay sa wakas huminto narin kami. Siguro huminto na ang sinundan namin. Nagkandahaba ang leeg ko sa pagsilip kung nasan sila Stef pero wala akong nakita.

" sigurado kang----

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Rodrigo ang mukha ko kasunod ng paglapat ng mainit na bagay sa labi ko. Sa pagkagulat ay wala akong reaksyon kundi ang lumaki ang mga mata ko at maging tuod sa kinaupuan.

Madiing nakalapat lang ang labi nito sakin na hindi gumagalaw. Saka pa ako natauhan. I feel disgusted. Agad ko itong tinulak.

"was that necessary!?" asik ko dito at madiing pinahid ang labi ko sa likod ng palad ko kahit wala namang laway. Nandidiri parin ako.

First Love Vs True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon