Chapter 4 (Reese?)

19 3 0
                                    

Reese POV

Hi. I'm Reese Salvador, 21 years old. I still couldn't figure out why Jessie can't recognize me. I mean, we were friends back then but something happened na nakakapaghiwalay ng friendship namin and I think that was all about Marie's fault. Pumasok siya sa eksina, kaya nagkaaway-away kami noon ni Jessie. Jessie is one of my favorite friend, she listens, advices and talks with sense. I envy her sometimes kasi parang lahat nalang ng lalaki nagkakagusto sa kanya. What can I say? She's gorgeous and hot as f***. Pero di niya pinapansin ang mga papuri sa kanya noon kasi para sa kanya, aral, pamilya at kaibigan muna bago landi. That's why I like her, she knows what she's doing. But something's off last night. Akala ko makikilala niya ako, I even invited my other friends to join Marie's party. Pero ang mas nakakagulat, eh yung time na pinakilala ni Marie si Jessie samin na para bang hindi niya talaga kami kilala? Pero syempre mapagkunwari ang lola niyo eh, kaya I gave them my famous 'I don't give a sh*t-look' but sa kaloob-looban ko, gustong gusto ko siyang tanungin, gusto ko siyang kausapin. Pero parang nagmamadali yung isa kong kaibigan. Totoo namin kasi, tumakas lang kami nung gabi na yun.

Bakit ganun? Pati si Marie pinakilala niya samin si Jessie eh magkakakilala na naman kaming tatlo ah pwera lang dun sa mga kasama ko, ndi pa nila kilala si Jessie. Si Marie lang ang kilala nila kasi sikat ang gagang yun, kahit saan talaga pupunta yun makikilala talaga siya. Hindi naman siya artista, sadyang mayaman at may beauty rin naman talaga tong si Marie. Whereas si Jessie, lowkey-type lang siya pero ang lakas ng dating, minsan nga kahit jeans at tshirt with a pair of rubber shoes eh matatabunan na niya si Marie, di lang niya alam kong gaano siya ka charismatic.

Si Jessie Dela Cuesta, pinakamayaman sa aming magkakaibigan. Pero siya yung tipong akala mo namumulubi sa sobrang kuripot. hahaha. Matipid lalo na pag may bibilhan kami. She's not a material type of girl, kung titingnan mo napakasimple lang niya. Walang ka arte-arte ang bakla. Pero saming magkakaibigan, siya yung pinaka understanding, makulit, jamming kasama, palabiro tsaka parang clown kung magpatawa. Kasi kahit sobrang down na kami, siya yung nagsisilbing kulay ng mood namin. Ang gaan lang niya kasama. Hanggang nag transfer si Marie Louise Yves sa school namin. Alam na naming sikat na siya, since birth na yan. Mayaman din ang pamilya ni Marie. Sa sobrang yaman na halos ini-spoil na nila si Marie. Lahat gustong makuha, hanggang tuluyan na niyang nakuha si Jessie sa amin. Naging magkaibigan sila, siya lang yung kinaibigan ni Marie hanggang sa isang iglap nagbago si Jessie, andun parin ang pagiging low-key type niya pero she entertained boys na. Si Marie din ang nagturo sa kanya kung paano mag shine. Nung panahon na yun nainggit ako kay Jessie. Minsan kasi gusto ko din na may kaibigan akong katulad ni Marie. Hanggang sa umabot sa punto na nakilala ko si Suncias Miguel Fuego or Sun in short. He was my everything, crush ko siya dati pa. Alam ni Sun na may gusto ako sa kanya pero dedma lang siya. Okay lang sakin yun, hangga't wala siyang pinopormahan, di rin ako mag-aalala. Pero nung time na nakilala niya si Marie, sobra akong nagalit. Wala akong karapatang magselos pero nakita ko kung paano hinalikan ni Marie si Sun sa loob ng cafeteria namin. Gulat at galit ang naramdaman ko noon kay Marie. Ito namang si Sun, parang walang pake, okay lang sa kanya na may humalik. tsk nakakainis! Nagtrending lang naman sila sa social media at dun natapos ang pag-asa ko na magkakami ni Sun. Halos isang linggo akong absent dahil sa eksinang yun. I was heartbroken yet no one even want to comfort me. Hinintay ko si Jessie na pumunta sa bahay ko pero wala parin. Dun ko napatunayan na wala talagang nag sstay. Nag away kami nun ni Jessie ng dahil kay Marie, I know Marie did something to make us fight. Tuluyang nasira ang friendship namin ni Jessie. Mga ilang years na din kaming di nagkikita kasi busy na din ako sa buhay ko. Kagabi ko pa nga lang siya ulit nakita eh.

So today pupunta ako sa isa sa pinakamalapit na tao sa buhay ko. I'm very excited to meet him, may niluto din ako para sa kanya. Alam kong magugustuhan niya to kasi paborito niya to eh. I drove my car papunta sa hotel niya. Yes, he owned a hotel. I hope andun siya sa condo niya, minsan kasi wala siya dun. Busy lagi sa work.

INTROWhere stories live. Discover now