CHAPTER 11: They're Back

2K 100 0
                                    

Iana POV

After 3 years..

Ngayon ang Araw nang pagpunta Namin sa Kaharian ng Crystal kingdom. Ang kaharian Namin.

"Tayo na at malayo pa ang lalakbayin natin"ang sabi ni skylia. Kami ay tumango lamang at sumakay sa Isang pegasus. Yes pegasus exist in this world. Amazing right?

Lumipad na kami, ano kaya ang hitsura ng lightreia?? Ng crystal kingdom?

***

Wow! Wow talaga, grabe pepol ang Ganda ng lightreia, though nakakalungkot dahil dahan-dahang nasisira ang ibang bahagi. Darkinian. Sila ang may dahilan ng lahat. Bakit ba Kasi kailangan pa nilang maging kontrabida Diba? Arghh.. hindi ko talaga gusto ang mga kontrabida eh, nakakagusot lamang sila ng mga buhay!.

"Ano na namang iniisip mo at  parang gigil na gigil ka?"keia, ngumiti lamang ako, ngiting maloko.

"Iniisip ko kung bakit may nabubuhay na kontrabida sa Mundo, bakit hindi nalang sila sigpuin ng panginoon? Grrr"gigil na Saad ko na ikinatawa nya na ikina roll eye ko.

Sa loob ng 3 taon na pananatili Namin sa sky kingdom, sa kaharian ni skylia ay marami ang nag-iba. Katulad nalang ng mga buhok at mata Namin, ganoon din sa mga ugali Namin.

We are matured enough para isipin ang ikabubuti Namin. Kami? Mas Lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Siguro ang bond nang kapatid ang humihila sa Amin.

"We're here" napatingin ako sa unahan, malaking palasyo. Isa iyong malaking palasyo na gawa sa dyamante. Grabe! Makapang dikwat nga Minsan heheheh.

Nakasuot kami ng cloak kaya hindi nila makita ang Mukha Namin. Bumaba kami sa harapan ng gate. Ang taas ng pader. Grabe Naman, paano kaya tu ginawa?

"Skylia of Sky Kingdom"sabi ni skylia, nagbow agad yung nagbantay sa gate at pinagbuksan kami ng pinto.

"Grabe, ang lakas talaga ng pangalan mo skylia"natatawa kong sabi.

Umiling-iling lng sya, well wla siguro sa mood magsalita ang ferson.

Isang tunnel ang nilakaran Namin, infairness mahaba ang tunnel na ito huh.

"Welcome to your kingdom, crystal kingdom"sabi ni skylia pagkalusot Namin ng tunnel. Isa lang ang masasabi ko. Ang Ganda.

Ywan POV

Ito na nga yun. Ang buhay na naghihintay sa Amin ng ilang taon.

Ang Ganda nga ng crystal kingdom, mas maganda ito kaysa sa larawan na pinapakita sa Amin ni skylia nuon.

"Tayo na at dumiretso sa throne room upang makita ninyo ang inyong mga magulang" sumunod lamang kami kay skylia. Pagpasok Namin sa palasyo ay may sumalubong sa Amin na mga katulong, ginayak nila kami papunta sa throne room kung saan naroroon ang hari't Reyna.

Binuksan nung gwardya ang malaking dalawang pinto at sumalubong saamin ang malawak na throne room. May red carpet sa gitna at sa dulo nun ay nakaupo ang hari't Reyna.

"Magbigay pugay sa hari at Reyna"sabi nung gwardya, nagbow Naman kaminpati na si skylia.

"Skylia! Mabuti't napadalaw ka"masayang bati ng Reyna kay skylia. Sya na ba ang Ina Namin? Ang Reyna ng lightreia?

"Ikinagagalak ko ding makita kang muli isxa"sabi ni skylia. Isxa, yun ang pangalan ng Ina Namin. Ang inang nahiwalay sa Amin ng ilang taon.

"Skylia"ang bati ng hari, ngumiti Naman si skylia Dito.

Ang hari at reyna, ang Ina't ama Namin. Ang nagsakripisisyo para mabuhay kami.

Gusto ko silang yakapin, umiyak habang yakap sila. Gusto ko silang makasama, maka kwentuhan.

"May mga Kasama ako"skylia, lumingon sya sa Amin, hudyat na tanggalin ang mga balabal na suot namin.

Dahan-dahan naming tinanggal ang cloak upang makita ang Mukha Namin. Kasabay ng pagbagsak ng cloak ay ang pagsinghap ng hari't reyna.

"Mga anak ko"napaluha ako at agad yumakap sa reyna na Ina Namin.

Yumakap din ang hari hanggang nagyakapan kami habang umiiyak.

Ramdam ko ang higpit ng yakap nila, ang pagmamahal at pangungulila, ramdam ko sa yakap na iyon.

Humiwalay na kami sa yakap.

"Masaya ako at maayos kayo, Masaya akong makita kayong muli mga anak ko"Saad ng Reyna.

"Ikinagagalak rin ho naming makita kayo, Ina"sabi ko at niyakap sya ulit.

Nagtawag ng katulong ang hari.

"Maghanda ng pagkain, maraming pagkain"utos ng hari sa katulong.

"Masusunod kamahalan"sabi ng katulong at agad na umalis.

Nagpunta kaming library. Alam ko dahil pinakilala na sa Amin ni skylia ang buong palasyo.

"Paano kayo napunta Dito mga anak?"tanong ni Ina pagka-upo Namin.

Kaya ikinwento Namin ang mga pinagdadaanan Namin hanggang dumating kaminsa sky kingdom.

"Maraming salamat skylia, I owe you this"sabi ni Ina, ngumiti si skylia.

"Wlang anuman isxa, tungkulin ko din iyon bilang Isang dyosa"

Masaya ako, pero iniisip ko din ang mga magulang na nagpalaki sa akin.

"Ayos ka lng ba ywan?"napatingin ako kay Ina.

"Ayos lang po, may iniisip lang.. excuse me po, maghahanap po muna ako ng libro" sabi ko at umalis sa lamesang iyon.

Ano na kaya ang mangyayari bukas? Sa susunod na Araw?

Someone POV

"Ano?!" umalingawngaw ang malakas na sigaw.

"Ang sabi po ay, may nagdala sa kanila sa lightreia tatlong taon na ang nakaraan"

Nagngitngit ang bagang nito.

"P*tang*na!! Ibig nyong Sabihin, matagal nang naninirahan ang mga prinsesang iyon sa mundong ito?!"

"Opo, kamahalan"

"Hanapin niyo sila, ngayon din! Huwag kayong babalik hangga't hindi nyo sila nahuhuli!"

"Masusunod kamahalan" agad na umalis ang taong inutusan.

"Nagbalik na Pala kayo, pagsisisihan nyong nabuhay pa kayo!" Ang sabi nito at humalakhak ng napakalakas.



________

Okay na mga ferson?? Enjoy reading=)

𝐒𝐀𝐏𝐏𝐇𝐈𝐑𝐄 𝐀𝐂𝐀𝐃𝐄𝐌𝐘:The Long Lost Princesses[UNDER REVISION]Where stories live. Discover now