February 9

53 8 0
                                    


Katie Montero

Hindi pa rin ako mapakali dahil sa nangyayari noong mga nag-daan na  araw. Pilit ko ring kinakalimutan iyon. Matapos niya ring ipasa sa akin ang litrato na 'yon ay hindi na siya nag-paramdam pa.

Natatakot na ako. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin. Baka madamay pa ang mga kaibigan ko, at saka si Lucas.

Bumuntong hininga ako, saka ako tumayo at nag-sipilyo. Habang nagsisipilyo ako ay napa-titig ako sa mukha ko nang biglang kumalabog ang pinto na siyang ikinagulat ko.

Kaagad akong nag-mumog at lumabas habang patuloy pa rin sa pag-kalampag ang pinto at patuloy pa rin ang pag-kabog ng dibdib ko.

"S-sino 'yan?" tanong ko ngunit isang kalabog lamang ang sinagot nito. Dahan-dahan akong sumilip sa silipan sa pinto, at nakitang babae ito, kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at saka ako naka-hinga ng maluwag nang malamang isang pizza delivery lang pala ang kumakatok. Maaari naman niyang gamitin ang doorbell, hays. Kinabahan tuloy ako.

"Salamat po!" sambit ko nang matapos mag-bayad at nang ibinigay niya sa akin ang isang box ng pizza.

Kaagad akong bumalik sa sala at saka binuksan ang TV at saka ko kinain ang pizza. Nanood lang ako hanggang sa mag-flash ang isang balita na walang pasok hanggang sa February 13! Sabi ko na nga ba.

Napa-ngiti ako sa narinig, kasabay ng pag-tawag ni Anne-Marie dahil pupunta raw siya rito at aalis kami.

Ilang oras ang lumipas ay dumating nga siya at nag-tungo kami sa mall. Wala naman kaming ibang ginawa kung hindi ay ang manood lang ng sine, kumain, at saka mag-shopping.

"Woooh! Kapagod naman. Buong araw tayong gumala," sambit ko, habang naka-upo kasi sa isang bench.

"Sinabi mo pa. At saka, oo nga pala. Umalis si kuya ngayon kaya hindi mo siya makikita sa araw na ito," sabi niya sa akin. Nag-taka naman ako, ngunit tumango na lang rin.

Bakit kaya umalis si Lucas?

Napa-iling na lamang ako at saka nag-liwaliw kami ni Anne-Marie. Kung saan-saan pa kami pumupunta.

Hanggang sa sumapit na ang hapon at napag-pasyahan na namin na umuwi.

Naglalakad kaming dalawa sa kalsada,  habang nag-aabang ng taxi. Nag-commute lang kasi kami sa ngayon. And, okay lang naman. Libre naman ni Anne-Marie.

Habang naglalakad kami ay kuwento lang ng kuwento si Anne-Marie, hanggang sa nauna na siyang naka-sakay sa akin.

Napa-yakap ako sa sarili ko habang naglalakad. Lumalamig na rin, at dumidilim na ang kalsada.

Nag-madali akong mag-lakad patungo sa may waiting shed at doon umupo. Natatakot na rin ako dahil pakiramdam ko ay may tumitingin sa akin.

Umabot ang ala-sais ngunit hindi pa rin ako nakaka-sakay, hanggang sa bumuhos na lang bigla ang malakas na ulan.

"Miss," biglang sambit ng taga-maneho ng taxi na huminto sa harapan ko.

"Manong, sasakay po. Hanggang doon lang sa village," sambit ko. Tumango naman ito kaya mabilis akong sumakay. Hindi ko matanaw ang mukha ng taga-maneho dahil naka-takip ang kalahati ng mukha nito, ngunit base sa kalaahati ng hitsura niya ay binata pa siya.

"Bakit ka nga pala naroon sa ganitong oras?" tanong niya sa akin, saka ako sinulyapan sa salamin. Tumikhim naman ako bago ako sumagot sa kanya.

"Wala po kasing nagpapasakay sa akin, at saka konti na lang ang dumadaang mga sasakyan roon," sagot ko sa kanya. Hindi na kami muling nag-salita, hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa village kaya naka-hinga ako ng malalim.

Kaagad akong bumaba sa taxi at saka ako nag-bayad at nag-pasalamat sa kanya, bago ako namulsa at nag-simulang mag-lakad paloob.

Nang makarating ako sa bahay ay kaagad akong tumungo sa kuwarto at pumasok sa banyo, saka ako naligo.

Matapos kong maligo ay kaagad akong nag-bihis ng maluwag na damit at pajama. Nag-luto na rin ako ng makakain ko para ngayong gabi, at saka ko in-on ang TV. Habang kumakain ako ng kanin ay nanonood lang ako ng TV. hanggang sa 'yong bagong palabas na ang lumabas. Ang The Killer Bride.  Gusto ko kasi thrilling yung story at saka si Janella at Maja pa gumanap. Hmm.

Busy lamang ako sa panonood hanggang sa biglang nag-text si Lucas sa phone ko't kinamusta ako. At ayun nga, nag-kamustahan at konting usap lang kami. Late night talk, kumbaga. Masaya naman siyang kausap. Hindi boring, eh.

Nang sumapit ang alas diyes ng gabi ay nag-simula na kaming mag-video call.

"Matulog ka na!" sambit niya ng pasigaw. Umirap naman ako.

"Ikaw ang matulog na," sagot ko pa.

"Teka. Sino ba ang kasama mo diyan? Isara mo ang mga pinto at bintana," paalala niya pa, at buti nga'y pinaalala niya kaya mabilis kong isinara ang mga kandado ng mga bintana't pintong naiwang bukas.

"Tapos na po. Kumain ka na ba? Nasaan ka ba?" tanong kong muli sa kanya. Bigla naman siyang napa-tigil sa itinanong ko kaya nag-taka ako.

"Oh? Bakit ka napa-tigil?" tanong ko pa, ngunit umiling lang siya.

"Wala. Nasa probinsya ako at mayroong inaasikaso. Oo nga pala. Papunta na riyan ang kapatid ko dahil baka mapahamak ka diyan lalo na at mag-isa ka lamang riyan," sambit ni Lucas, kasabay ng malakas na tili ng kanyang kapatid sa labas at katok ng pinto.

"Teka! Nandito na siya. Bye na muna!" sambit ko saka in-off ang video call, saka ako lumapit sa pinto. Binuksan ko ang pinto at saka bumungad sa akin si Anne-Marie na may malaking ngisi sa mukha.

"Hi! Hehe. Kinulit ako ni kuya sa text. Bantayan raw kita," sabi niya nang maka-pasok na kami. Tumango naman ako sa kanya. Sira-ulo talaga 'yong Lucas na iyon. Sinagabal niya pa si Anne-Marie.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Anne-Marie. Ngumiti naman siya sa akin.

"Buti pinaalala mo. Hindi pa eh," sagot niya pa, at ayun nga. Bumagsak kami sa kusina, at talaga g na g siya! Like, gutom na gutom. Naubos pa yung ulam ko sa refrigerator.

Napa+pikit ako at saka napa-facepalm, saka ko kinuha ang pinag-kainan niya nang matapos siyang kumain upang hugasan ang mga iyon.

Habang naghuhugas ako ng mga pinag-kainan ay tumungo na muna siya sa Cr upang mag-bihis, mag-sipilyo, at mag-linis. Ang arte rin kase nung babaeng yun.

Matapos kong mag-hugas ay pumasok na ako sa kuwarto, at saka naman sumunod sa akin si Anne-Marie.

"Woooh! Feeling fresh na ako," sambit niya pa at may pa-spread arms pang nalalaman bago siya bumagsak sa kama ko.

"Matulog ka na nga! Ang ingay mo," saway ko pa sa kanya, ngunit ngumuso lamang siya at saka tumawa kaya hindi ko na lamang siya pinansin at nag-patuloy na lang sa drama ko.

Ngunit bigla akong napa-isip...

Sino ba iyong nananakot sa akin? Bakit niya ito ginagawa?

Valentine TragedyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon