CHAPTER 4

32 21 19
                                    

MALALIM ang tulog ng apat na dalaga nang marinig nila ang nag papanick na boses ni Kyte.

"Oh my gosh! Guys! Gising! We are about to be late!" Tumakbo ang dalaga at marahas silang tinapik tapik.

"Come on guys! Damn it! 5:35 na! Monday ngayon!" Sa sinabi nito ay napa baligwas sila ng bangon, hindi dahil sa lakas ng boses nito kundi sa sinabi nito.

"Oh f*ck, shit shit shit." Nagmamadaling bumangon si Andrea at sa biglang pag tayo nito ay umikot ang paningin niya.

Mabilis ang kilos na pumasok ang lima sa banyo at pinadaanan lang ng sabon ang katawan nila.

Matapos maligo, kung ligo ngang matatawag ang five minutes ay nag mamadaling binuksan nila ang kaniya kaniya nilang closet at kinuha ang pangalawang pares ng uniform nila, sa kadahilanang nakalimutan nila itong labahan, kaya mabuti na lang at dalawang pares ng uniporme ang binigay sa kanila ng eskwelahan.

Matapos suotin ang uniform ay kinuha ng mga ito ang mga bag nila at saka nag mamadaling lumabas ng kwarto, at hindi namalayan ni Andrea na maling bag pala ang nahila niya. Tumutulo pa ang mga buhok but they are in hurry to even care about it.

Habang papalabas ay nag lalagay pa ng cetaphil si Kyte sa mukha nito, habang si Crizandrea naman ay pinipiga ang mahaba nitong buhok para kahit papaano ay matuyo at hindi ito mabigatan at para rin hindi mabasa ang suot.

At nang makalabas sa building ay tumakbo ang mga ito, at kahit na nag mamadali ay sumaglit ang mga ito ng yakap sa isa't isa saka tumakbo papalayo sa mag kakaibang direksyon.

Hinihingal na tinahak ni Andrea ang Water Building at nang marinig ang bell na hudyat na mag sisimula na ang klase ay sunod sunod na napa mura ang dalaga.

Nang maka pasok sa water building ay dinalawang hakbang lang ng dalaga ang baitang ng mga hagdanan at nang marinig ang pangalawang tunog ng bell ay halos liparin niya ang pangalawang palapag kung saan naroon ang room niya.

Nang makarating sa tapat ng kwarto ay nag mamadaling pinihit niya ang door knob at nang makitang kaka pasok lang nang teacher niya na si Sir. Stevan ay naka hinga siya ng maluwag. Kaya naman ng mapatingin ito sa kanya ay yumuko lang siya at saka nag tuloy tuloy sa mesa niya at nang maka upo ay kaagad siyang binati ng kaklase niya.

"Hi Andrea!"

"Hello Clara." At kaway pa niya rito.

"Okay class, good morning." Pag bati ni Sir. Stevan at kaagad namang tumayo ang mga estudyante at saka sabay sabay itong binati pabalik, "good morning Sir. Stevan."

"Okay, you may now sit." Kaagad namang umupo ang mga ito saka nag simula ng mag discuss ang guro.

Nang makita na may mga kailangan siyang tandaan ay kinuha niya ang bag niya at saka ito binuksan para sana kunin ang notebook at makapag take ng notes, pero ganun na lamang ang gulat niya ng makita na puro yaoi comics ang laman ng bag na yun.

Bahagyang inilayo ni Andrea ang bag at nang makita na ang bag na bigay ni Ralzen ang nadala niya ay napa face palm na lamang siya.

'Tangahan mo pa self.' At napa iling iling pa siya, pero kaagad naman siyang napa balik sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Clara.

"Ui Andrea, kelan mo binili yang bag mo?" Tanong rito ni Clara at kaagad naman niyang isinara ang bag para hindi nito makita ang lama nun.

"Ha? Ah, bigay lang sa akin." At napa tango naman ang dalaga sa sagot niya.

"Nice, versace." Komento pa nito at tanging naiilang na ngiti lang ang isinagot niya rito.

Lumipas ang kalahati ng araw at nang tanghali na ay dismisal na nila, kaagad naman niyang kinuha ang bag saka nag paalam kay Clara at ngumiti at tumango lang ang dalaga sa kanya.

Elementalia Academy 1: Half Dead Where stories live. Discover now