Chapter nineteen

89.5K 1.8K 97
                                    

Chapter nineteen
Lilian

Sa kailaliman ng gabi ay nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Hingal na hingal ang paghinga ko at namamawis ako mula sa aking panaginip. Isang masamang pangitain na kinatakot ko ng sobra. Hindi sana magkatotoo itong panaginip ko dahil hindi ko kakayanin at mamamatay ako. Napawahak ako sa kwintas na nasa leeg ko. Ito iyong kwintas ni Nicholas na suot niya. Nagulat nalang ako nung magising ako kinabukasan na suot ko na itong kwintas niya. 

Nakaramdam naman ako ng pagkauhaw kaya inayos ko muna ang sarili bago lumabas ng silid na pinagamit sakin ni Ate Irish.

Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng tubig at uminom. Apat din na basong tubig ang nainom ko bago binalik sa ref ang pitsel. Habang naghuhugas ako ng baso ay biglang may yumakap sakin mula sa likod ko.

Sisigaw na sana ako nang takpan niya ang bibig ko sabay subsob niya sa leeg ko. Naamoy ko ang pabangong iyon kaya alam ko na kung sino ang nakayakap sakin ngayon.

"N-nicholas.."

"I miss you so much, Baby.." Bumilis na naman itong puso ko nang marinig ang malalim niyang boses. Ako man ay namimis ko din siya. Buong araw ay hindi ko siya nakita, ngayong gabi palang.

"A-anong ginagawa mo dito?" Mahina kong bulong baka marinig ni Ate Irish ang boses ko.

Hindi siya sumagot pero nakasubsob parin siya sa leeg ko at hinahalikan pa niya kaya lalo akong hindi nakagalaw sa mainit niyang hininga at sa nararamdaman ko ngayon.

Ilang minuto kami sa ganoong ayos bago niya ako pinaharap sa kanya at malalim na tinitigan. Ako man ay tumitig din sa kanya. Nakita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata na pamilyar sakin pero hindi ko masabi kung ano iyon.

Isang araw kong hindi siya nakita ay parang nalungkot ang puso ko. Para bang may kulang at hindi kompleto ang araw ko. Ngayon naman nandito siya at kaharap ko ay lumukso sa saya itong puso ko. Parang nabuhayan ng lakas ang katawan ko.

Napabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang kanyang labi sa bibig ko. Napasabay ako sa galaw ng kanyang labi na gumagalugad sa bibig ko. Pinangko niya ako paupo sa lababo kaya magkatapat ngayon ang aming mukha.

Napayakap na ako sa kanyang leeg para mahalikan ko siya ng maigi. Siya naman ay napapangiti sa tuwing hinahabol ko ang kanyang labi. Parang bumaliktad ang sitwasyon. Dahil noon ay siya ang humahabol sa labi ko kung iiwas ako pero ngayon ay ako naman. Umiinit ang mukha ko sa hiya pero hindi ko na pinansin iyon.

Matagal ang pinagsaluhan naming halik nang kusa na akong bumitaw para makalanghap ng hangin. Habol ko ang aking hininga habang siya ay parang wala lang sa kanya at nginingitian lang ako.

"Sasanayin kita sa paghalik para masabayan mo ako." Napaawang ang bibig ko dahil sa kanyang sinabi. Pero umiwas din agad ng balak pa niyang halikan akong muli sa labi na kinatawa niya ng mahina.

"B-bakit ka nandito? At bakit alam mo ang bahay ni Ate Irish? B-baka hanapin ka dun ni Maam Selena." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Siguro alam mo nang dati ko siyang asawa. Pero wala na kami ng babaeng iyon at may mahal na akong iba. Siya ngayon ang mas mahalaga sakin." Hindi ko kayang marinig iyon mula sa kanya na may mahal na daw siyang iba pero bakit niya ako hinalikan at nagpahalik na naman ako. Ito na naman ako at nagpapagamit na naman sa kanya.

Bumaba ako ng lababo dahil hindi ko kayang tingnan ang mga mata niyang kumikislap para sa mahal niyang binanggit niya. At hindi ko gusto na makita niyang nagdurusa ako sa sakit.

Mabilis akong naglakad pabalik sa silid ko at isasara ko na sana ang pinto ng may isang kamay ang pumigil doon. Pumasok siya ng walang pahintulot ko at siya pa ang sumirado ng pinto.

Mafia Affair Series #:1- The Obsess Mafia LordWhere stories live. Discover now