Kabanata XLVIII
Ang Talinhaga
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang hindi pinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip.
