eighteen

104 6 0
                                    


olivia:

The issue just died down after a week, since palapit na palapit na nga ang Pasko, mas may iba nang pinagkakaabalahan ang mga tao sa social media. Napakalma ko na rin si Mommy, napigilan ko sila ni Ninang Ces na huwag nalang pumatol, magsasayang lang sila ng oras. And just like that, Marigold once again became irrelevant to me and to the squad.

   On a positive note, the kids that Lance and I treated in Cebu during our honeymoon sent me a video message. Naasikaso na sila ng foundation ng mga Romero, tuwa'ng tuwa ang mga bata sa mga maaga'ng pamasko na natanggap nila. Sinabihan din ako ng head ng Cebu chapter na nabigyan na ng livelihood ang parents nila at inaayos na rin ang iba pa'ng requirements para tuluyan nang maging part ng scholarship program ang mga bata. Para sa'kin, it's a good Christmas gift that I have given to myself.

   Lance and I spent the next weekend with the oldies sa nursing home. Christmas party na ulit at for two nights straight ay abala kami'ng mag-asawa sa paghahanda. We still volunteer every Sunday, hindi naman nawala 'yun at isa nga ang bagay na'to sa kinatutuwa ko. Masaya ako na ang lalaki'ng pinakasalan ko ay kasabay ko sa pagvo-volunteer nang mga ganito'ng charity events. 

   Barrio Fiesta ang theme ng Christmas Party for that year, and for the first time ay nakumpleto kami'ng magpapamilya. Himala na nagka-time si Daddy for that night. Mula sa mga kakanin, mga palaro'ng Pinoy, mga bandiritas at makukulay na parol, para kami'ng nasa probinsiya at halos lahat ng mga matanda sa nursing home ay naging emosyonal kasi pakiramdam nila bumabalik ang kabataan nila.

   May production numbers pa rin na nakahanda, sa taon na 'yun kami na ni Lance ang magkapartner, kasama namin si Maru at girlfriend niya at isa pa'ng couple volunteers. Sumayaw kami ng itik-itik to entertain the oldies.

   Pero ang hindi ko makakalimutan sa gabi'ng 'yun ay ang mga kanta. May ni-hire na acoustic band sina Mommy at Ninang Bree para kumanta ng mga classic OPM songs, I got hit by nostalgia when the band started singing Kanlungan. Lahat nakisabay sa kanta, alam ko na pareho kami'ng lahat nang iniisip; childhood. Nang sulyapan ko si Mommy ay naluluha na ito, at nang mapatingin naman ako kay Lance na katabi ko sa pagkakataon na 'yun, kumakanta rin ito kasabay ang banda. Bigla ko'ng naisip na maswerte ako at naging parte siya ng childhood ko. Kaya siguro ramdam na ramdam ko ang bawat linya ng kanta. Kasi alam ko, na ganun ang naging storya namin.

   From that nostalgic song, sumunod naman'g kinanta ng banda ang isa pa'ng classic. Lahat ng couples na nandun, mapaano'ng edad man ay talaga'ng kinilig nang kantahin na ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Iba rin talaga ang dating ng kanta na 'yun, napaka-hopeful, ang romantic din.

     "Ang nakalipas ay ibabalik natin, ohh..." Lance was singing along and looked at me. Nangiti ako, he's too cute, "Ipapaala ko sa'yo, ang aking pangako na ang pag-ibig ko'y lagi sa'yo..." and even poke my cheek, "Kahit maputi na ang buhok ko."

   I rolled my orbs with my cheeks burning. Napaakbay siya sa'kin habang sumasabay pa rin sa pagkanta. Bigla ako'ng natawa nang mapansin ko si Mommy na hinihila patayo si Dad, kinukulit na pumunta sa harapan. Wala na rin'g nagawa ang tatay ko, he ended up slowdancing with Mom in front of the crowd. They've always been that cute couple.

Christmas Eve, nasa bahay kami ng parents ni Lance. Totoo nga na isa sa magiging problema kapag kinasal ka na ay kung sino'ng pamilya ang una'ng pupuntahan mo sa Pasko. Naging tradisyon na namin ng pamilya ko na salubungin ang Pasko nang magkakasama, at ganun din sina Lance. Talaga'ng nahirapan kami kung papano namin ilulusot 'to. Until we both decided na unahin ang pamilya niya, tapos sa family ko naman ang sa mismo'ng 25th.

BOOK 8: When You Keep Her (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon