CHAPTER 4: Laro

6.5K 222 61
                                    

CHAPTER 4: Laro

"Puso natin ay patintero sa ulan

Pagsasama natin ay tagu-taguan

Langit ka, ako naman ay nasa lupa."

- Laro by Autotelic


PAST

Huling araw na ngayon ng classes namin pero meron pa akong last exam sa isa kong subject. Ito pa naman ang pinaka-ayaw kong subject sa lahat at natatakot ako na ito ang maging dahilan para bumaba ang GWA ko this sem dahil dito.

Alam ko namang hindi ako matatanggal sa scholarship program ni Don Eric, siya ang aking boss at mentor. Pag mamay-ari niya ang Hacienda Arcangel kung saan din nakatira at nagta-trabaho ang buong pamilya ko.

Pero magbabago na ito dahil kailangan ko nang tumira sa Casa Arcangel. Darating na kasi rito sa Hermosa ang fiance ni Don Eric na si Ma'am Elvira pati na rin ang babaeng anak nito.

Nag-aalala ito na mababagot dito sa probinsya ang soon-to-be step daughter niya dahil wala itong kaibigan dito. Naisipan niyang patirahin ako sa Casa para may dali-daling may makakasama ang stepdaughter niya kung gusto nitong lumibot ng Hermosa o kung gusto lang nito na magkaroon ng kaibigan.

Ang hilong ko lang ay hindi sana niya maldita o sakit ng ulo.

Kahit napakabait na tao ni Don Eric, ayokong bigyan siya ng dahilan na masisante sa trabaho at mawalan ng scholarship.

Kaya kahit sobrang hate ko ng Economic, kailangan kong ipasa or at least magkaroon ng grade na hindi makakasira ng GWA ko.

"Leila?"

Napahinto ako sa pagbabasa at tinignan kung sino ang tumawag sa akin. "Sir Ysmael," bati ko sa kanya habang pinapanood siyang umupo sa harap ko, in-invade ang table na inukupo ko sa likuran ng library.

Ngumiti siya sa akin. "Diba sabi ko huwag mo na akong tawagin na 'sir'? Hindi naman ako ang nagpapa-sweldo sa'yo."

"Sorry, nasanay lang po."

Napailing siya, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Oh, ayan ka na naman sa pag po at opo mo. Hindi mo naman ako kailangang galangin."

Kumindat pa ito.

"Okay..." na lang ang naisagot ko, hindi sigurado sa kung anong trip nitong nasa harap ko.

"What are you studying there?" tanong nito matapos tumango sa binabasa kong libro. "Wait. Why are you still studying? Last day of classes na, diba?"

"May last make-up class tsaka retake din ng isang exam."

"For what subject?"

"Economics."

Biglang lumiwanag ang mukha nito. "You need some help?"

Agad akong umiling. No way. Sigurado akong hindi ako makakapag-concetrate lalo sa pagbabasa at pag-aaral kung tutulungan niya ako. "Hindi na. Kaya ko na 'to."

Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "You want me to leave you alone?"

"Uhh..." Hindi ako kaagad makasahot dahil sa pagkadismaya niya.

"I won't make any noise. It will be like I'm not even here at all."

Asa pa. Sa lakas ng star power niya at pagiging sikat sa Hermosa bilang pinaka-sikat na homegrown talent nito, imposibleng hindi ko siya mapapansin. Pati na rin nang mga schoolmates namin na kanina pa nagpapanggap na nag-aaral simula nang umupo siya sa harap ko.

His Forever GirlWhere stories live. Discover now