Chapter 17: Bati bati din

483K 7.7K 610
                                    

Si Ethan (ung nasa multimedia) =))

Chapter 17: I’m sorry

Pagkaalis ni Carlo ay nagsimula ng maginuman ang mga babae. Ganun din sila Ethan at si Bryan ay mukhang may amats na. Pagkatapos ng ilang minuto napagpasyahan nila Fretzie na sumayaw sa dance floor maliban kay Lexi na medyo nahihilo dala ng dami ng nainom. Si Ethan naman kakagaling lang sa CR ng mapansing si Fretzie na may kasayawang isang lalaki, Sinadya nitong banggain si Fretzie.

“OUCH!!” Sigaw ni Fretzie.

“S-Sorry miss----Uy! Walk out Girl!” Nakangising bati ni Ethan kay Fretzie.

“Haaay! Panira ng araw!” Asar na sabi ni Fretzie at aakmang aalis na.

“Wait, sorry about kahapon”

“Sorry-hin mo mukha mo! Ang sama mo! Nakakainis ka! >_< Lagi mo kong pinagtitripan!” Naguguluhang umalis yung kasayaw ni Fretzie kanina.

“Nagsosorry na nga yung tao, ikaw pa tong maarte!” Tila nag-init bigla yung ulo fretzie at lalong nagalit ito.

“KUNG MAGSOSORRY KA DAPAT YUNG SINCERE! MUKHANG IKAW PA TONG MAS GALIT EH!” Sigaw ni Fetzie. Nagulat naman siya nang biglang lumuhod si Ethan sa harap niya kaya naman pinagtitinginan na sila ng ibang tao. Si Ethan naman, wala ng maisip na paraan upang mapatawad siya ni Fretzie kundi gawin ito. Alam niyang mali ang kanyang mga ginawa kaya gusto niyang makipag-ayos rito.

“Oh ano na namang trip yan ha?” Sabi ni Fretzie. Huminga ng malalim si Ethan at nagsalita...

“Eto na... Sorry. Sorry kase wala na kong ibang ginawa kundi pagtripan ka. Sorry kung palagi kitang inaasar. Ewan ko din kung bakit pero....” Nahinto siya kasi naghiyawan yung mga tao “Nakakatawa ka lang talagang pikunin, Ang cute mo kasi” Tapos nun, hiyang-hiya si Ethan na tumayo mula sa pagkakaluhod at aakmang aalis na nang magsalita si Fretzie.

“Siraulo ka pala eh! Ang kapal mong...” Tumahimik ang lahat at nagaabang sa sasabihin ni Fretzie “...S-Sabihan ako ng cute! Hindi kaya ako cute! >___< Kase maganda ako! MAGANDA! Kuha mo?!” Natawa naman yung mga tao, maski si Fretzie natawa sa sinabi niya. Hindi rin nito alam kung bakit niya sinabi ang mga bagay na iyon pero hindi maitatanggi sa dalaga na natuwa ito sa ginawa ni Ethan. ABA! Bihira lang yung mga lalaking gagawa nun lalo na kung hindi nito ganun kakilala yung taong nagawan mo ng mali.

Napangiti naman si Ethan, alam niyang kahit papaano ay hindi na galit si Fretzie sa kanya.

“Pano, okay na tayo?” Tanong ni Ethan. Ngumisi naman si Fretzie...

“Sa isang kundisyon ^______^”

“Anakng! Wag na! Bahala ka diyan!” Kunot-noong sabi ni Ethan. Napakalaking bagay na nga ng pagluhod niya tapos ‘tong isang ‘to, abuso!

“Magpapasama lang naman ako eh!”

“Saan?”

“Sa room ko may naiwan kasi ako eh.”

“Psh. Yun lang pala, tara!” Hinatak na ni Ethan si Fretzie at pumunta na sila sa room ni Fretzie.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora