Sarili

4 0 0
                                    

Sarili
@prettilay®
08.21.2019

Ito na siguro yung panahon na kukunin at aakuin kong muli ang buhay ko...
Ang buhay na napabayaan dahil sayo lang uminog ang mundo ko ng matagal na panahon..
Panahon na dapat sana ay iginugol ko sa sarili na nakaligtaan ko na palang alagaan...
Kasi akala ko ay mas magiging masaya kung kasama ka kahit ako ay iyong binalewala...
Sinayang mo lang ang panahon na inalay ko sa iyo nang buong puso...
Trinato mo akong parang basahan na iiwan mo nalang kung saan-saan kapag ka hindi mo na kailangan...
Maraming beses kitang hinayaan sa pag-aakalang matutunan mo rin akong pahalagahan.

Ngayon ay naiintindihan ko na ako muna dapat bago yung iba kasi kailangan buo ako...
Buo ako at may pagpapahalaga sa sarili...
Iipunin ko ang bawat basag na piraso ng puso ko...
Pagdidikit-dikitin ko ito hanggang sa magiging buo ulit ako...
Hindi magiging madali ngunit pagsisikapan ko...
At kapag buo na ulit ako, hindi na kita hahayaang punitin ulit ako.
Ako muna... Sarili ko muna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hugot ni PrettilayWhere stories live. Discover now