The Talk

3.1K 77 14
                                    

Dedicated kay HaveYouSeenThisGirL / Ate Denny <3

Eto na. Sorry ah? Sabi ko kasi kahapon kaso walang internet. Huhu. Eto na po! =))

____________________________________________________________

The Talk...

Kinakabahang lumapit si Sena sa lalaking nakatalikod sa kanya. Nasa Park siya ngayon at ala-sais na ng gabi. Dito kasi naisipan ni Allen na makipag-usap. 

Nung una ay parang ayaw niya na pero dahil sa pilit ni Trey napapayag din siya... 

Naramdaman niyang humigpit ang hawak ng boyfriend niya kaya napatingin siya. Humalik ito sa noo niya at sinabing, "Babalikan kita ah?" Sinamahan siya ng boyfriend niya dahil nagpumilit ito kaya pumayag nalang siya.

Sabay lumakad ito papalayo. Pinanood niyang maglakad lumayo ang boyfriend at nang tuluyang maglaho na ito sa paningin niya ay tinawag niya na ang lalaking nakatalikod sa kanya...

"A-allen..." nauutal na banggit ni Sena sa pangalan ng ex. Humarap naman ito at ngumiti sa kanya...

God. I miss you... Naisip ni Allen.

Wala itong pinagbago. Maganda parin ito. Gusto niyang yakapin ang ex-girlfriend pero pinipigilan niya lang ang sarili... dahil iba na talaga ngayon.

She was speechless. After all, this guy infront of her, he's the guy she used to love... Napansin niyang namayat ito pero nevertheless, gwapo parin... Aminin niya man o hindi pero may parte sa utak at puso niyang nagsasabing...

Namiss niya si Allen. 

Ngumiti si Allen sabay umupo, tinapik niya ang swing na katabing nagpapahiwatig na tumabi ito sa kanya. Umupo naman si Sena.

"A-anong pag-uusapan natin?" panimula ni Sena. She wants to get straight to the point.

May binigay naman ito sa kanyang post-it note. Binasa niya ito...

"1 Way to Befriend with Your Ex... Talk to him/her?" tanong ni Sena. Napatawa siya ng mapait.

"I'm sorry..." sabi ni Allen.

"Allen, I'm already over you. Wala na akong ibang nararamdaman sa iyo. Hindi na ako galit or bitter or whatsoever. Pero may isang tanong lang talaga ako sayo? Gusto ko lang talaga itanong ito sayo..." tanong ni Sena. Lumingon naman si Allen.

"W-why? Why did you fell out of love?" tanong ni Sena. 

"I-I was sick..." nanlaki ang mata ni Sena at napalingon ito kay Allen... Nagtama naman ang mata nila.

"H-ha?" 

"I had this severe heart disease that anytime I get an attack, it might lead to death..." sabi ni Allen ng diretsong nakatingin kay Sena. Hindi makapaniwala si Sena sa narinig niya.

Hindi naman alam ni Sena kung ano ang sasabihin... She was trying to hold back her that hot liquid in her eyes so she looked up...

"I-I th-thought y-you...loved someone else?" nahihirapan siyang magsalita dahil pinipigilan niya ang mainit na luhang, nagbabadyang tumulo...

"You're wrong... I never loved someone else... except you, Sena..." 

"THEN WHY? WHY DIDN'T YOU TELL ME ALL OF THIS?" napasigaw na si Sena at kasabay noon... 

Ay ang pagtulo ng luha niyang kanina pang nagbabadya... 

"I was so scared. Na kapag mas lumalim pa ang nararamdaman mo sa akin ay mas lalo kitang masaktan! At 'yun ang ayaw kong mangyari!" 

1 Way to Befriend With your Ex [FanFiction]Where stories live. Discover now