Kabanata 1 ( Ulila )

194 77 25
                                    

Ulila


     Hindi pa rin ako maka paniwala na sa isang iglap magiging ganito na ang kahi hinatnan ng buhay ko o namin ng kapatid ko. Isang taon pa lang sya at ako 16 taon gulang pa lang. Nag aaral pa ako.


"Ikinalulungkot namin ang nangyare sa magulang nyo, pero dead on arrival na sila nang  isugod sa ospital." Anang isang rescuer na rumesponde sa pinangyarihan ng aksidente.


May malaking tipak ng bato galing sa taas ng bundok at dumiretso sa jeep na naging dahilan ng pagkaka ipit ng jeep na ikina sawi ng lahat ng pasahero.


     Halos wala ako sa sarili ng dumating ako sa ospital at datnan ko ang bankay ng aking magulang na mga wala ng buhay. Walang nakaligtas sa pampasaherong jeep kung saan nakasakay ang mga magulang ko, namalenke lang sila ng pang tanghalian namin, dahil linggo ngayon at walang pasok. Maaga sila mama at papa na lumalabas, naka gawian na nila na pagkatapos mag simba ay di diresto sa palenke para bumili ng tanghalian namin. Hindi kasi kami sabay sabay mag simba, sila mama at papa ay sa umaga minsan  kasama nila si Guilla ang kapatid kong isang taon gulang, pero nakakapagtaka at di nila kasama ito ngayon, dahil bigla itong nilagnat kaninang madaling araw  buti na lang salamat sa Diyos.


     Pero paano na kami ng kapatid ko? Dayo lang kami dito sa Baguio City mag i isang taon pa lang ang nakakalipas. Dito kasi na destino si papa para maging supervisor ng isang mining company. Pero nagkaroon ng pag guho noong nakaraang linggo nang magkaroon ng malakas na bagyo kaya pinatigil muna ang operasyon sa mining.


"Mama" iyak ko, walang tigil ang pag tawag ko, sana naririnig ako ni mama, panaginip lang ito. Pilit ko siya niyugyog.


"Papa" . Hinawan ko sya sa kamay


"Gumising na kayo nagugutom na kami anong oras na, si bunso di pa kumakain.Walang gana dahil sa lagnat nya."  Di pa rin ako makapaniwala. Totoo ba ito?  Kung panaginip lang ito gusto ko na magising.


"Iha" May lumapit na doctor sa akin.

"Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya, pero sa lugar pa lang na pinangyarihan ng aksidente binawian na sila ng buhay at kahit mas napa aga pa ang pag dala sa kanila dito wala na rin pag asa na maliligtas pa sila dahil sa tinamo nilang pinsala sa buong katawan lalo na sa kanilang mga ulo."


" Naiintindihan ko po" medyo natigil ako, pero di pa rin matanggap ang nangyayari.


" Kailangan nyo na ayusin ang bankay ng magulang mo. May mga kasama ka ba sa pag a ayos sa burol nila? " tanong ng doktor.


"Wala po, mag isang taon pa lang po kami dito sa Baguio at wala po akong kilalang mga kamag-anak yun mga ka officemate ni papa lang ang kilala ko." pagpapaliwanag ko sa doktor.


"Ok, iha kung gusto mo sila tawagan , para may katulong sa pag a asikaso sa burol." sabi ng doktor.

"Maraming salamat po doc."  pagpapasalamat ko sa doktor.


Di ko inakala na sa isang aksidente mag i iba ang buhay namin ng kapatid ko. Ang dating masaya, buo at nagmamahalan , ngayon sa isang iglap magiging ulila na kami ng kapatid ko.


Abangan


A/N : Bitin ulit ito, sana may nag ba basa ehehe, pa like po. I will give you a chance to suggest paano tatakbo ang story na ito.

SOMEDAY ( TAGLISH ) [ONGOING ]Where stories live. Discover now