Chapter 5

3 0 0
                                    

Nagpatuloy ang routine ko for about a month - work - bar - landi kay Warren. Nagiging hobby niya na yata ang pagtambay sa condo ko. Oo, aaminin ko. Medyo nagkakagusto na ko sa kanya. Take note, MEDYO. Pano ba naman kasi, lagi nya kong niyayayang maglunch, di kaya magmovie marathon. Feeling ko nga wala tong trabaho, makapag-aya parang walang bukas. Himala nga at sya na lang ang kafling ko. Ika nga niya "Kung makikipagfling ka rin lang naman, available ako." Oh diba? Possessive na kafling.

"Hoy, Warren. Wala ka bang trabaho?"

Kasalukuyang nasa mall kami, weekend ngayon at as usual, niyaya nya akong maglunch.

"Meron naman, tinatamad lang ako." 

"Owws? Eh bakit parang araw araw kitang nakikita tapos wala kaman lang kastress stress?" 

"Ah, yun ba? Tagapagmana ako, kaya yun!" 

"Weh? Dapat pinapakita mo na worth ka talagang pamanahan, di yung tipong waldas ka nang waldas."

Pero imbis na makinig, tinawanan nya lang akko. OKAAAAY? 

"Nga pala Kat, papakilala sana kita sa mga friends ko. " 

"Kelan ba yan?" 

"Next week sana. Magleave ka nang next week. Pupunta tayo sa Camsur. May-ari ng isang resort dun ang kaibigan ko." 

"Okay!"

Dahil sa super excited akong magvacation, maaga akong nagfile ng leave. Nagdecide rin akong bumili ng summer outfit, mga 10 siguro or 20, ewan, 

Pumasok ako ng isang botique nang makita ko si JC na may kasamang babae.

"Oh, JC! Long time no see!" 

"Oy Kat. Nga pala, kapatid ko, si Lia." 

"Oh, nice to meet you.!" 

"OMG! Kirstine Torres?" 

"Uhmm, yea. Have we met before?" 

"Ohmygod. Shunga lang ang hindi makakakilala sayo. Magna Cum Laude, beterena ng mga beauty contest sa school at super raming suitors!" 

"Haha, di naman ganun karami." 

Pagkatapos ng batian namin ni JC, umalis na rin sila ni Lia. Parang familiar nga yung Lia, di ko lang matandaan.

Pagkatapos kong magshopping, may nakita akong lalaking hindi ko dapat makita. Ang lalaking kinamumuhian ko, ang walang kwentang ex ko, si Matthew.

"Oy Lois! Oh wait, babe pala. Musta na?" 

"Don't you ever call me with that name you mother fcking asshole!" 

"Chill, chill. Kinakamusta ko lang naman ang ex ko eh. Balita ko iisa na lang ang fling natin ngayon ah!" 

"Paki mo ba? tsaka hindi kita boyfriend kaya wala kang karapatang pagsabihan ako!" 

"Ang harsh. Parang kelan lang tayo nagbreak tapos kapag makapagsalita ka sakin parang di mo ko kilala. At last time I checked, girlfriend parin kita cause we didn't have a formal breakup." 

"Oh I'm sorry kasi last time I also checked, you dumped me because of your bitch kafling. Kaya wag kang feeling." 

"Pero mahal pa rin kita Lois." 

"Is love even enough to make me stay? Goodbye Matt. And I hope I won't see you again."

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Sheeet naman oh. Naka move on nako eh. Bwisit bwisit. I hate it. I hate him. I hate my life. I hate myself. I hate myself gor loving him so much. Damn much.

Dali dali kong pinaandar ang sasakyan ko at umuwi.

Ayokong maalala ang lahat. Pero after what happened, parang sariwa pa rin ang sakit. Siya. Siya ang dahilan kung bakit tinawag akong heartbreaker. Naging manhater ako since then, kaya sinumpa ko sa sarili ko na paglalaruan ko rin ang damdamin ng mga lalaki. Paglalaruan, it means kailangan ko ring paglaruan si Warren. Pare pareho lang silang lalaki, walang awa kung magpaiyak ng mga babae.

Di to dapat magyari. HINDI. Bakit pa kasi siya ang naging first love ko, not to mention ang first date, first holding hands, first kiss. AAAAAHH erase memories, erase.

Kung tutuusin, wala siyang karapatang makipagbreak sakin. Ang dating nerd naging machong hunk na playboy. Oo, dati siyang nerd at ako ang nakapagpabago nun. Pero nung first anniversary namin, nakita ko siyang may kas*x sa ladies cr. Grabe ang laswa. Hindi dahil sa nakita kong scene, kundi dahil sa lalaking sobrang minahal ko ay niloko ako.

Sa gitna ng pag-iyak ko, biglang tumawag si Warren.

"Hello Kat?" 

"Uhmm *sniff* hello Warren." 

"Umiiyak ka ba? Sinong nagpaiyak sayo at papatayin ko?" 

"OA masyado. Ano lang to, ano sipon. Tama sipon." 

"Ganun ba, sige. Papaalala ko lang na sa Sabado na ang alis natin at Linggo naman ang uwi natin. So 1 week tayo dun to be exact." 

"" Okay. Naayos ko naman yung sched ko. Ahh sige Warren ha. Masama kasing pakiramdam ko. Matutulog nako ha." 

"Sige, good night. Kapag kailangan mo ng kausap, andito lang ako. ILOVEYOU."

Pinatay niya agad ang phone. Siguro guni guni ko lang nag huling katagang narinig ko. Pero kung tutuusin, si Warren ang kaisa-isang kafling ko na hindi ko pa nahahalikan. Oo, hinalikan niya ako, pero hindi ko kinoconsider na ako yung humalik. Siguro nakamove on na ko kahit papano, pero parang hindi ako sigurado. Nakatulog na ko sa kakaiyak ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The HeartbreakersWhere stories live. Discover now