PARANOIA

67 11 20
                                    


Kasalukuyan akong naglalakad sa loob ng library at naghahanap ng librong babasahin ko. Kanina pa akong palipat-lipat ng bookshelf kasi wala naman akong nagugustuhang libro na naroon. Hanggang sa nakarating ako sa dulo ng pasilyo. Nahagip ng mga mata ko ang isang librong itim na nakabuklat at halatang nahulog sa kinalalagyan nito. Aakmang pupulutin ko sana ito nang may marinig akong boses na tinatawag ang pangalan ko. Palinga-linga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang tao. Kinalabutan ako bigla kaya agad kong pinulot ang libro ngunit natigilan ako nang mabasa ko ang pamagat ng libro.

"Retaliate"

Naging interesado ako sa pamagat ng libro kaya imbes na ibalik ito sa bookshelf, kinuha ko na lang ito. Paalis na sana ako sa bookshelf na iyon nang may maramdaman akong bagay na tumama sa aking ulo. Umangat ako ng tingin ngunit wala naman kung sino ang nandoon.Umiling-iling nalang dahil baka napaparanoid lang ako at tumakbo nalang palayo sa pasilyong iyon.

...

"Retaliate is to do something bad to someone who has hurt you or treated you badly" basa ko sa kahulugan ng pamagat ng libro sa diksiyonaryo. Kinuha ko sa loob ng aking bag ang libro. Isa itong maliit na librong itim na medyo may kalumaan na, kunot-kunot na ang mga pahina nito at inaalikabok pa. Bakit kaya may ganitong libro sa library kunggayon hindi naman ito magagamit sa paaralan.Weird.

Matapos ang ilang minutong pagmamasid ko sa libro bigla akong napatalon sa gulat nang may tumapik sa balikat ko.

"Oh my God, Cassie! Nakakagulat ka!" bulyaw ko sa kanya.

"Hahahaha! sorry na , bakit ka ba kasi nandito? Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng tambayan dito pa talaga malapit sa haunted forest?" tanong ni Cassie sa akin na may halo pang tawa.

"Ahh wala lang, gusto ko lang tumambay dito" sagot ko na lamang sa mga tanong niya at tiningan siya ng masama dahil sa ginawa niyang pangugulat kanina.

Dito ko naman naisipang tumambay malapit sa haunted forest daw kuno dahil walang estudyante ang pumupunta sa lugar na ito. Ayaw ko lang talaga sa mga mataong lugar dito sa school lalo na kapag nandoon nanaman iyong mga nambubully sa akin at pagtripan nanaman ako. Kinatatakutan din kasi ng mga studyante ang gubat na ito dahil may mga kwento-kwento na may isang estudyanteng napatay na daw dito.

"Ano naman yang hawak mo?" tanong niya ulit sa akin at tinutukoy iyong librong nakuha ko kahapon sa library. Itinago ko agad sa likuran ko ang librong iyon.

"A-ahh w-ala ito, isang libro lang na binabasa ko" sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Ahh sige, so tara na? bumalik na tayo."aniya

"Tara" pagsang-ayon ko sa kaniya at naglakad na kami patungo sa aming building.

Ilang sandali pa nakarating na kami sa tapat nga aming building. Kanina ko pa napapansing nakasimangot si Cassie kaya hindi ko na maiwasang magtanong.

"Oh anong nangyari sayo? Ba't ka nakasimangot?"

"Ikaw kasi eh nakakainis! Sumama ka na kasi" sambit niya na parang isang batang nagmamakaawa sa magulang.
Heto na naman siya, kukulitin niya nanaman ako para sumama. May gaganapin kasing camp bukas dito sa school at tatlong araw kaming mananatili dito. Ilang beses na niya ako niyayang sumama pero tinatanggihan ko dahil hindi naman ako interesado sa mga ganyan.

"Ayoko." Maikling sagot ko sa kaniya.
Mas lalong sumimangot ang mukha niya at iniwasan ako ng tingin. Nagtatampo na yata.

"Hay, mag bestfriend ba talaga tayo? Please sumama kana Diana! Hindi ako papayagan ni papa kung hindi ka rin sasama." malunkot niyang sabi sa akin. Sabi ko na eh, magdrarama nanaman. Wala na talaga akong magagawa kundi ang pumayag na lamang.

━ ParanoiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon