Chapter 2

4.4K 220 9
                                    

Jennifer's POV

Ewan ko ba kung ano ang mayroon ako na wala kayo. At, alam ko na, ang mahiwaga kong boses! Haha! Kung sa tingin n'yo ay mas magaling kayong kumanta kaysa sa akin, p'wes! Tama kayo sapagkat hindi ako biniyayaan ng talent sa pagkanta pero sa pagpapatawa, oo!

Sa boses ko pa lang, talbog na kayong lahat. Boses matanda ba naman ako, kahit sino ay hindi matutuwa. Daig pa ng boses ko ang boses na mula sa ilalim ng lupa. Oo, alam kong masagwa lalo pa't sa ganda kong ito? Pauleen Luna ang peg dahil sa panira kong boses, binabansagan ako nila Christine ng Pauleen Tuta. Hay! Kapal, a!

Speaking of beautiful, ako iyon! Ang dyosa ng kasiyahan ay nandito sa inyong harapan. Facial expressions ko pa lang, nakakatuya na. Paano pa kaya kung marinig n'yo pa ang halimaw kong boses? Epic!

Siguro ay talent ko ang magpatawa at p'wede rin akong magkomedyante. Kaso lang, hindi pa bumubuka ang bibig ko, nagtatawanan na sila. At least, napasaya ko sila, o 'di ba? Ako na siguro ang dyosa na katawa-tawa.

Marami na akong ginamit na pampalubag loob sa aking lalamunan para gumanda ang aking boses kaso, hindi effective, e. Para pa rin akong rocker! Kaasar! At least, maganda ako.

At dahil sa kalokohan ko, nakakapagsulat ako ng mga nakakatuyang pangyayari sa preyo. Humor writer po ako. Pinanindigan ko na ang mga sinasabi nila sa akin. Sabi nila, nice raw. Ang ganda raw ng mga sinusulat ko, pagpalubag-loob at pampatanggal daw ng stress.

Ang aking akda na Pasintabi ay tungkol sa mga katatawanan ng isang tao. May pagka-LALA po ako. Laitera madalas kaya pasensya na sa mga nasasaktan ko, totoo naman ang mga sinasabi ko kagaya ng pangit, e. Sorry ulit!

Mas maganda kung ang gawa mo ay nakalibro hindi ba? Kaya isa rin ako sa mga nangangarap na balang araw ay makakapagpalimbag din ako ng libro. Walang kahit na sino man ang makakahadlang sa pangarap kong ito.

Lilybeth's POV

Gusto n'yo bang mapunta sa mundo ng anime? 'Yung puro powers, labanan na maaksyon na may halong romance? P'wes, basahin n'yo na ang gawa ko! Ang Elemental Series. Fire, air, water, and earth. Pawer!

Ako ang dyosa ng kaastigan! Hindi ako sossy kasi nga, astig ako! Mas astig pa ako sa mga crush ko. Kung ang inaakala n'yo ay t-boom ako, p'wes, mali kayo! Dyosa nga hindi ba? Tanga lang?

Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay mayabang na, maangas pa! Like a gangster? Huh, feeler! Mahilig ako sa anime kaya malakas ang imahinasyon ko, influence na rin ng mga pinapanood ko. Otaku ba kamo? Yup! Tama kayo!

Sa mga preyo writer, si DaydreamerYassi ang paborito ko. Ang ganda kasi ng story niyang Lizard's Tale. Pakiramdam ko, ako 'yung bida.

Kung may dyosa5, may ugly5! Haha! Sa totoo niyan, mas unang nabuo ang grupo namin kaysa sa grupo ni Christine na tinatawag na The Princesses. Prinsesa raw sila sa school na ito kaya walang sino man ang maaaring guluhin, pakialaman, at hawakan sila. Mga makakapal ang mukha! Pero sorry sila, hindi sila uurungan ng dyosa5.

Sila ay mga writer din sa wattpad at pawang nakikipagpaligsahan sa amin. The nerves! Masyado silang nagmamagaling kaya nakakapag-init ng dugo! Sarap kalbuhin isa-isa.

Pero aaminin ko, nakakaadik talaga ang preyo lalo pa't hinihintay mo sa bawat post mo ng update ang mga komento ng iyong readers kaya nakakatuwa lang at mas gaganahan ka pang magsulat. Maswerte ka kapag nadiskubre ka sa preyo, instant sikat agad-agad! Kaya I hope na makapagpalimbag din ako someday.

LimbagWhere stories live. Discover now