C6

377 7 1
                                    

--Sa pagpapatuloy ng ating istorya--

--UNITED STATES OF AMERICA--

Ngayon na ang araw ng pagbabalik ni Anne sa Pilipinas. Maagang nagising si Anne para makapagayos na at isa pa, susunduin din siya ng boyfriend na si Richard.

"Oh anak, aga mong nagising ha" sabi ni Mommy Carmen sa anak tapos ay humalik ito sa kanya. "Excited umuwi?" dagdag ni Mommy Carmen. "Haha, excited? Opo kasi makikita ko na po ang anak ko" sabi ni Anne at napangiti ang mommy ni Anne. "O siya, bilisan mo na diyan at mamaya ay dadating na si Chard." sabi ni Mommy Carmen. Dali daling kumilos si Anne, naligo then nagbihis.

Habang kumakain ay nagkuwentuhan muna ang mag ina. "Anak, ano nga pala balak mo kay Chard? Sasabihin mo ba sa kanya na may anak ka na?" tanong ni Mommy Carmen sa anak. Nagisip muna saglit si Anne bago sagutin ang ina. "Opo ma, kailangan din naman malaman ni Chard." maikling sagot ni Anne. "Eh yung plano mong hiwalayan siya, anong gagawin mo dun?" tanong ni Mommy Carmen. 

Anne's POV

"Eh yung plano mong hiwalayan siya, anong gagawin mo dun?" napaisip ako sa sinabi ng mommy ko. Yun pa pala ang isa pang dapat kong asikasuhin. Ang pakikipaghiwalay ko kay Chard. Matagal ko nang balak na hiwalayan siya pero natatakot ako. Natatakot ako sa kung ano ang puwedeng mangyare kung sakaling hihiwalayan ko siya. Puwede niya akong saktan or ang pamilya ko. "Actually Ma, I don't know what to do. I don't know what words to utter para hindi siya masaktan." sabi ko sa Mommy ko. "Anak, bakit kasi pinatagal mo pa an relasyon mo kay Chard. Nagtagal kayo ng two years pero hindi mo pala siya mahal. Masasaktan nga yung tao." sabi sa akin ni Mommy. "Eh bakit ba kasi hindi mo siya kayang mahalin? Dahil ba sa kanya. Si Vhong na ba ang laman ng puso mo? Mahal mo na ba siya?" grabe sunod sunod ang mga tanong niya. Mahal? Imposible. "Ma, hinding hindi mangyayare yon. Hindi ko siya mahal, diba ma ginamit ko nga lang siya para makuha ang lahat ng ito sa pamilya nila. Besides, hindi pa nga ako tapos sa paghihiganti ko.  Kulang pa ang narararanasan nila kung ikukumpara sa kung paano tayo inalipusta ng pamilya Navarro lalong lalo na si Ramon Navarro

--FLASHBACK--

Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. "CARMEN!!" rinig kong sigaw ni Don Ramon habang hinahanap ang nanay ko. "MGA MAGNANAKAW KAYO!!!" tapos ay sinampal niya ng malakas ang mama ko dahilan para ito ay mapaupo sa saahig. BIgla akong tumakbo para alalayan ang nanay ko, "Don Ramon, wala po kaming ginagawang masama. Wala po kaming kinukuha mula sa inyo." sabi ng mama ko kay Don Ramon. "Anong wala? nawala ang 5,000,000 pesos dun sa safe box ko sa opisina ko. Kayo lang dalawa ang huling pumasok sa opisina ko. Sa tingin niyo maniniwala ako sa sinasabi mo?" tanong ni Don Ramon. Kitang kita sa mga mata ng mama ko ang takot. Hindi magagawa ng mama ko ang magnakaw. Oo mahirap lang kami, pero ma dignidad parin kami. "Mahirp lang po kami Don Ramon pero may dangal kami at hinding hindi namin magagawa ang binibintang niyo sa amin." sagot ko kay Don Ramon. "Aba at sumasagot ka pa" tapos ay hinila niya ang buhok ko papuntang bodega. "Don Ramon, tama na po, wag po ang anak ko" sabi ni Mama habang inaawat parin niya si Don Ramon. "Bata ka palang pero an sungay mo nakalabas na, dapat sayo pinuputulan ng sungay. Ayan diyan ka hanggang bukas! Hindi ka kakain hapunan!" tapos ay tinulak niya ako sa bodega tapos ay kinandado niya ang pinto. Nasa loob ako pero rinig ko parin ang sigaw ng nanay ko habang kinakaladkad niya an mama ko palayo.

Gutom na gutom na ako, pakiramdam ko ay konting minuto nalang ay bibigay na talaga ako. Iyak ako ng iyak, ramdam na ramdam ko ang lubos na pangaapi ni Don Ramon sa amin. Tinatapakan niya kami na para ba kaming basahan. Ang tumatakbo nalang sa isip ko ay kailangan naming makaalis dito sa impyernong kinalalagyan amin. Kailangan kong iligtas si mama at ako bago pa kami tuluyang matuluyang mamatay sa puder ni Don Ramon.

A Second ChanceWhere stories live. Discover now