Kabanata 1

16 2 0
                                    


Unibersidad De Eunoia

Sinimulan na namin ang paghahanap sa nawawalang sing-sing ni Axcelle. Gaya nga ng sabi ni papa dati, wag itong tatanggalin dahil hindi namin alam ang panganib na pwede naming makamtan.

"ano ba kasing sinabi ko sayo, Axcelle?" naiistress na si papa, nakahawak na ito sa kanyang ulo. Tinignan ko naman si Axce, nakatungo lang sya at namumutla na. Pinainom sya Kuya Rome ng tubig. "Pasensya na po, tito. Hindi ko po alam na ganito"

"asan ka ba huling pumunta?" tanong ni papa

"sa bastketbol court po" sagot nya habang nakatungo padin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, napaka-cute.

Idineretsyo kami ni papa sa basketbol-an. Agad kaming naghiwa-hiwalay at sinimulang hanapin ang sing sing.

Medyo mahirap ito hanapin dahil gabi na, itim pa naman ang kulay non.

"Papa" napalingon kaming lahat kay Raj, sumesenyas sya na tumungo kung nasaan sya. Dali dali naman kaming lumapit sakanya.

Nang nakalapit na kami ay may isang lalaki na natutulog sa gilid, payat ito at maitim. Agad kong tinaasan ng kilay ang kapatid. Anong kinalaman nyan sa sing-sing?

"Sino bayan?" tanong ko

"Ang alam ko binabantayan nya ang basketbol court ate, baka nakita nya o baka makatulong sya saatin" sagot ng kapatid ko, tinignan naman namin si papa na nakakunot ang noo "wag na nating istorbohin, tulog ang tao. simulan nyo nalang hana-"

"ayos lang haha" napahinto kaming lahat ng bigla itong magsalita. Ang creepy!

"hinahanap nyo ba yung sing-sing na itim?" tanong nito na nagpakunot ng noo naming lahat. tumawa ito ng malakas.

"Kaya ko kayong tulungan."

"P-paano?"

Habang lahat sila ay lumalapit, ako naman ay pilit na lumalayo. Tangna!

"Isa akong mangkukulam. At nakita ko pala yung sing-sing kanina habang naglilinis ako. May kaibigan akong kayang magtanggal ng sumpang yan..." tumayo sya at inabot kay Axcelle.. ay wait Kuya Axcelle ang sing-sing. agad naman nya itong sinuot at medyo kumalma ang itsura nito.

"Saan namin matatanggpuan to?" walang prenong tanong ni papa.

"Sa dulo ng Unibersidad De Eunoia." tumingin ito saakin at ngumiti na creepy. Err! "Sa dulo nung paaralan na yun may matatagpuan kayong kagubatan. Madaming puno doon, hanapin nyo ang puno na ginto, mahahanap nyo ang kaibigan kong nagtatanggal ng sumpa. Pero magiingat kayo... Baka maabutan kayo ni Amor" tumingin ito sa kaliwa't kanan nya at biglang nawala. Like boogsh!

agad na tumawa ang Kuya ko, napatingin kaming lahat sakanya. Nagtataka. Kaming lahat ay natatakot tapos sya ganyan??

"Ang papanget nyo! yung mga mukha nyo hahaha sarap picturan" nakahawan pa sya sa kanyang tyan.

"Halina't umuwi na tayo. Axcelle, doon ka muna matulog sa bahay." sabi ni papa, sumunod naman kami lahat at tumungo na sa bahay.

Kinaumagahan ay nadatnan kong naguusap ang lahat sa hapag. As always, late nanaman akong nagising. Pumunta ako doon at kumuha ng isang pandesal.

"Anong meron?" tanong ko sabay kagat sa pandesal

"Papagaralin namin kayo sa Eunoia."

"HA?" sigaw ko. Bukod sa madami akong kaaway sa school na yon, ayokong pumasok sa private. Lahat ng nandoon ay pera, pera, pera.

"Anak alam naming ayaw mo per kailangan" sabi ni mama, tinignan ko ang dalawa kong kapatid. "What?! Bat kayo agree?"

"Gusto naming mawala yung sumpa, Ate"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unibersidad De Eunoia: The Chamber of RingsWhere stories live. Discover now