Chapter 13: His bike

5.1K 336 28
                                    

Darren as Gunter

Gunter's POVHindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Lance

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.


Gunter's POV

Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganun na lang ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Lance. Nalagpasan ko na to dati pero bakit parang nanunumbalik na naman ang ganitong pakiramdam. Hinding hindi ako magkakagusto sa lalaki dahil alam kong babae ang gusto ko at hinding hindi magbabago yun. Pero kakaiba talaga ang kaba na nadarama ko sa tuwing magkasama kaming dalawa. Para bang hindi ako mapalagay na para bang naiilang ako sa tuwing tititigan niya ako kahit alam kong minsan ay nagbibiro lang siya. Ilang gabi rin akong nananaginip na may nangyayari sa aming kakaiba. Alam kong panaginip lamang yun pero sa tuwing gigising ako ay pakiramdam ko ay totoo ang lahat ng mga nangyayari. Pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kaniya pero para siyang linta na laging nakadikit saan man ako magpunta.

Matagal-tagal din bago natigil ang mga bangungot na nararansana ko gabi-gabi. Nang tumigil ang mga panaginip ko nay un ay unti-unting nanumbalik ang dating ako. Hindi na ako masyadong naiilang sa kaniya dahil habang lumilipas ang panahon ay nakakalimutan ko ang masamang panaginip na yun. May pustahan kami kahapon na kung sino man ang manalo sa custom game namin sa mobile legends ay siyang manlilibre sa break time. Alam kong magaling siyang maglaro pero hindi ko inaasahang ganun siya kabihasa para mabilis niya akong matalo. Kaya ngayon para akong utusan niya na nakapila ngayon sa cafeteria para bumili ng pagkain na aming kakainin.

Nang makabili ng pagkain para sa aming dalawa ay mabilis akong naglakad dahil halos 15 minutes na ang nauubos sa break time namin. Sarap buhay ni gago at mag-aantay na lang siya ng pagkain tapos gastos ko pa lahat. Hindi man lang niya nagawang mag-abot kahit magkano para sa mga pagkaing hiniling niya. Katumbas na to ng apat na araw kong baon. Kinakailangang kong magtipid sa mga susunod na araw dahil wala paubos na agad ang pera ko. Kasalukuyang naglalakad ako ngayon pabalik sa aming building para kitain si Lance sa rooftop kung saan namin napagpasiyahang kumain. Hindi daw siya sanay kumain sa cafeteria dahil maraming tao at saka baka dumugin lang daw siya ng mga babae dun. Sobrang arte at sobrang hangin talaga.

Aakyat na sana ako sa hagdan nang marinig ko ang boses ni Lance. Maraming tao rin ang naririnig kong nagsisigawan sa likod ng building. Hindi ko ugaling makialam sa problema ng iba pero mukhang seryoso ang nagaganap sa likod ng building kaya mabilis kong pinuntahan ito para silipin kong ano ang nagaganap doon. Pagkarating ko ay hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko si Lance na may binubugbog na estudyante. Nagulat ako nang makita kong itulak niya ang PE teacher namin na umaawat sa kaniya. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Lance. Iba na ang lagay ng estudyante dahil kitang kita ko kung pano ito sumuka ng dugo. Mabilis kong binitawan ang mga dalang pagkain para awatin siya. Inakap ko ang magkabilang braso niya para hindi siya makapiglas kaagad. Hindi ko inaasahang mabilis ko siyang mahihila palayo sa estudyante pero laking gulat ko nang humarap siya sa akin at muntik na niya akong masapak.

"Sige sapakin mo din ako!" nasabi ko dahil nagulat ako sa kaniyang balak gawin. Tumigil siya sa kaniyang balak pero nanatili pa rin sa ere ang kaniyang kamao at hindi pa rin nawawala sa kaniyang mukha ang labis na galit. Sobra akong nadismaya sa kaniyang inasal kaya nagawa ko siyang itulak palayo sa akin. Alam kong mahina lang ang pagkakatulak ko sa kaniya pero hindi ko alam kung bakit napaupo siya nang gawin ko yun. Sa sobrang inis at pagkadismaya ko ay umalis ako at hinayaan siyang harapin ang gulong pinasok niya.

Bumalik ako sa classroom na walang laman ang tiyan. Ramdam na ramdam ko ang pagkalam ng aking sikmura pero wala akong ganang kumain ng kahit ano. Inaasahan ko nang hindi kaagad makakabalik si Lance sa klase dahil malamang ay nasa prinicipal's office siya ngayon. Sa sumunod na klase ay pumasok siya sa classroom at napako kaagad ang atensyon ng aming mga kaklase sa kaniya. Ang lalaking hinahangaan ng karamihan hindi lang dahil sa kagwapuhan nito dahil kilala rin siya bilang malinis sa katawan at maayos na pananamit. Habang naglalakad siya papasok ay kapansin-pansin ang dumi at mga gusot sa kaniyang uniform na bakas ng gulong kaniyang pinasok. Hindi ko alam kung bakit simula pagpasok niya ay sa akin nakatuon ang kaniyang tingin. Umiwas ako nang tingin at nagkunwaring may sinusulat sa aking notebook.

Nang makaupo siya sa aking tabi ay nanatili lamang siyang tahimik. Kahit isa sa aming mga kaklase ay hindi naglakas loob na magtanong kung ano ba ang nangyari. May iilang nakakaalam pero siguro piniling manahimik na lang dahil natatakot na madamay sa galit ni Lance. Habang nagkaklase ay hindi ko pa rin siya kinakausap at ganun din naman siya sa akin. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko na lang ito pinansin. Nakaugalian kong magsulat habang nagtuturo ang aming guro. Mas mabilis ko kasing natutunan ang tinuturo sa akin kapag sinasabayan ko ng pagsulat. Habang ako ay nagsusulat ay bigla na lang dumulas ang ballpen sa aking kamay. Nalaglag ito sa bandang paanan ko kaya yumuko ako para abutin ito. Hindi ko inaasahang balak ding damputin ito ni Lance pero bago niya pa magawa ito ay nagawa ko siyang unahan. Saka ko lang napansin na may benda pala ang kanang kamay niya at napansin kong may namumuong dugo sa benda niya na ibig sabihin ay patuloy parin ang pagdurugo nito.

Kahit nag-aalala ako sa kalagayan nya ay wala pa rin akong lakas ng loob para makipag-usap sa kaniya. Marahil masama pa rin ang loob ko dahil pakiramdam ko ay wala siyang sinasanto kapag uminit ang kaniyang ulo. Oo nga pala nakalimutan kong si Lance nga pala ito. Wala nga talagang sinasanto ito kapag siya ay nagagalit. Nakakadismaya lang dahil ang buong akala ko ay nagbago na siya. Sa tagal naming nagsama ay marami akong nakitang pagbabago sa kaniya pero hindi ko inaasahang na magagwa niya pa rin ang ganitong bagay dahil tinuturing ko na siyang matalik na kaibigan na kahit minsan ay ginagago niya lang ako.

Natapos ang aming klase na hindi kami nag-uusap. Wala naman akong dapat sabihin sa kaniya kaya hinayaan ko na lamang siyang mapag-isa sa classroom habang isa-isa kaming nagsisilabasan. Hindi ko alam kung bakit parang may nagtutulak sa aking bumalik sa loob ng classroom para kausapin si Lance. Bago pa man ako makalabas ng gate ay naisipan kong bumalik sa classroom para kausapin siya. Siguro may malaking dahilan kong bakit niya nagawa yun. Siguro kailangan ko siyang kausapin para lubusan kong maintindihan ang mga nagawa niya. Dapat siguro hindi ko siya hinayaang mag-isa sa oras na kailangan niya ako.

Nang makabalik ako sa classroom ay wala na akong naabutan ni isa sa mga kaklase namin. Wala na si Lance. Hindi ko man lang siya nakasalubong kanina nang bumalik ako. Saka ko lang naalala dahil hindi pala siya dadaan sa main gate dahil may sarili siyang sasakyan. Kaagad kong tinakbo ang parking lot at nagbaka sakaling maabutan siya ngunit kagaya ng nangyari sa classroom ay nabigo ako dahil wala na rin ang kaniyang sasakyan nang makarating ako dun. Bigla akong nakonsensya sa aking inasal kanina. Ilang beses siyang nagpakita ng motibo na nais niya akong kausapin pero hindi ko siya pinapansin. Ngayon kung kailan wala na siya ay saka ko siya hinahanap.

Dinala ako ng aking mga paa pauwi sa bahay. Dala-dala ko ang sama ng loob nang makauwi ako. Alam kong mali ang inasal ni Lance kanina pero hindi ko man lang siya tinanong kung ano ang nangyari kanina. Pagkarating ko sa loob ng bahay ay kaagad akong dumapa sa ibabaw ng couch habang suot-suot ko pa ang aking bag sa aking likuran. Naisipan kong tawagan siya sa kaniyang cellphone pero nakailang tawag na ako sa kaniya pero hindi niya pa rin sinasagot ang tawag ko. Siguro masama rin ang loob niya dahil pakiramdam niya ay iniwan ko siya sa ere kanina. Napabalikwas ako nang marinig kong bumukas ang pinto at nadismaya ako nang makita ko si Ate Pritz.

"Ohh bat ganyan ang hitsura mo?" tanong niya. Napansin niya siguro ang pagkadismaya ko nang malaman kong hindi siya ang inaasahan kong pumasok sa bahay.

"Wala po" matipid kong sagot at inayos ang sarili.

"Magsaing kana para makapaghain na ako ng hapunan" sabi niya habang papasok ako sa loob ng aking kwarto. Hindi ako sumagot at pumasok na ako sa loob ng aking kwarto. Narinig ko pang sumigaw siya para itanong kung dito ba maghahapunan si Lance. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya dahil alam kong uusisain niya ako kaya nanatili lang akong tahimik at nagkunwaring walang narinig.

Kaagad akong nagpalit ng pambahay na damit bago magsaing. Halos kalahating oras na nang tumawag ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot sa akin kahit sa text man lang. Nang makapagsalang ako ng sinaing ay kaagad akong pumuwesto sa sala para manood ng tv. Ilang minuto ang lumipas pero hindi ko malaman kung ano ba ang panonoorin ko. Hindi ako makapagfocus sa aking pinapanood dahil iba ang tumatakbo sa aking isipan.

"Ano bang nangyayari sayong bata ka?" usisa ni Ate Pritz at nilapag sa harapan ko ang maliit na planggana na naglalaman ng dahon ng malunggay. Umiling lang ako bilang pagtugon sa kaniya at sinimulang pitasin ang mga dahon ng malunggay.

"Kanina pa kita tinatanong kung dito ba si Lance kakain pero hindi ka sumasagot" dugtong niya at inagaw sa akin ang remote para ilipat sa ibang istasyon.

"Hindi ko po alam" ang naisagot ko at muling tinuon ang paningin sa mga malunggay.

"Nag-away ba kayo ni Lance?" tanong niya pa at napakamot ulo sa pangungulit niya.

"Mukha po ba akong palaaway? At kung mag-aaway man kami siya ang magsisimula nun!" hindi ko namalayang napataas ang boses ko kaya nang lingunin ko si ate pritz para humingi ng tawad ay bigla niya na lang hinatak ang tenga ko.

"At sinong nagsabi sayong may karapatan kang taasana ako ng boses ha?" Sabi niya habang hatak-hatak niya ang aking tenga.

"Sorry-sorry na ate!!" pagmamakaawa ko sa kaniya. Mukhang mapipigtas ang aking tenga sa lakas ng paghatak niya dito.

"Tapusin mo yang ginagawa mo!" sabi niya nang bitawan niya ang aking tenga. Bumalik kaagad siya sa kusina para ipagpatuloy ang niluluto niya habang ako ay hinihimas ang tenga ko na tila namamaga sa kaniyang ginawa. Nilipat ko ang istasyon ng tv para manood ng ibang palabas pero sumigaw si Ate Pritz na ibalik sa dating istasyon. Pano kaya siya makakanood ng tv kung nasa kusina siya?

Nang matapos magluto si ate Pritz ay kaagad kong inayos ang mesa para makapaghain ng aming hapunan. Hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang mag-alala para kay Lance. Alam kong sila ang nagmamay-ari ng school pero mukhang malabong hindi siya patawan ng suspension sa ginawa niya kanina. Sa pagkakaalam ko ay mayamang estudyante din ang binugbog niya kanina. Ayun kay Lance ay hindi maganda ang relasyon nila ng kaniyang ama at hindi naman sila ganun ka close ng kaniyang pinsan. Malamang wala siyang kakampi ngayon sa kanilang bahay kapag pinagalitan siya ng kaniyang ama.

"Darating si Lance?" tanong ni Ate Pritz. Hindi ko maiwasang mapakunot noo dahil halos bukambibig na ni ate si Lance.

"Hindi po" sagot ko at iniwasang magtaas ng boses dahil baka mapigtas na ang tenga ko kapag muli niya pa itong hatakin.

"Eh bakit naghanda ka para sa tatlong tao?" sabi niya at pagtingin ko sa mesa ay saka ko lang napansin na nakapaghain pala ako para sa tatlong tao. Nakapaglapag ako ng tatlong pinggan na may mga kutsara at tinidor sa ibabaw. Nakapaglagay din ako ng ulam sa tatlong bowl na katabi ng mga pinggan. Pati rin pala baso ay nagawa kong maglagay para sa tatlong tao.

"Ah eh para sa akin yan ate kasi gutom talaga ako" pagsisinungaling ko habang nagkakamot ng ulo.

"Ehh bat ang layo sayo at saka bakit ka pa kumuha ng isang pinggan kong tayo lang naman ang kakain?" dugtong pa niya at napakamot ako lalo dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Nilapit ko na lang ang isa pang ulam sa akin habang nakatingin pa rin sa akin si Ate Pritz na may halong pagdududa.

Wala talaga akong ganang kumain ngayon pero napasubo ako dahil sa ginawa ko. Siguro dahil napapadalas ang pamamalagi ni Lance dito sa bahay kaya nasanay ako na maghain para sa tatlong tao. Busog na busog na ako pero kinailangan kong ubusin ang aking kinakain dahil bawat pagsubo ko ay nakatingin sa akin si ate na para bang nag-aantay na gumawa ako ng mali. Grabe ang pagkawirdo niya ngayon. Nang matapos akong kumain at nagsimulang maghugas ng pinggan ay hindi pa rin natapos ang pagtatanong niya sa akin tungkol kay Lance. Napilitan tuloy akong magsinungaling at sinabi kong pinapauwi siya sa kanila dahil may mahalaga silang pag-uusapan ng daddy niya. Mabilis namang naniwala si ate pritz kasi nasa office nila kanina ang daddy ni Lance. Bihira lang daw ito magpakita gawa ng maraming negosyo at trabahong inaasikaso. Kung nasa bahay nga nila ito ngayon ay malamang malilintikan talaga si Lance.

Naupo ako sa kabilang dulo ng couch habang nasa kabilang dulo naman si ate at hook na hook sa Korean drama na kaniyang sinusubaybayan. Tapos na ako sa mga gawaing bahay na dapat kong asikasuhin kaya malaya na ako para humilata. Sinubukan kong magfacebook at bumungad kaagad sa newsfeed ko ang mga nangyari kanina sa school. Usap-usapan na nambugbog daw si Lance ng tanungin siya tungkol sa kaniyang kasarian. Binibiro lamang daw siya ng kaniyang mga tropa pero bigla na lamang daw siyang nanuntok. Marami ang nagcomment sa comment section at hindi ako nakaligtas sa usap-usapan. May iba na ako ang sinisisi kung bakit ganun ang nagiging asal ni Lance. Ang dating sisiga-siga ay nagiging lambutin na daw simula nang makasama ako. Gusto ko sanang magreply at pagmumurahin ang mga siraulong nagcomment pero wala ring namang magbabago sa pananaw nila kapag pinatulan ko sila. Nag-off na lang ako ng phone dahil may iilang nangungulit sa akin sa messenger tungkol sa nangyari kay Lance. Ilang beses din akong natag at namention sa post na hindi ko na binigyan ng pansin.

Pumasok ako sa aking kwarto para matulog ng maaga dahil wala rin naman akong mapapanood na magandang palabas kapag si ate pritz na ang nakatutok sa tv. Hindi ko rin magawang magbukas ng Nintendo switch ko dahil pinagbabawalan ako ni ate gamitin ito kapag may pasok kinabukasan dahil napupuyat daw ako at gusto niya ring makatipid sa kuryente. Wala akong ginawa kundi ang magpagulong gulong sa ibabaw ng aking kama at pinipilit ang sarili na matulog. Hindi ko namalayang ilang oras na pala akong nagmumunimuni sa ibabaw ng aking kama. Sa tingin ko ay malapit na maghating gabi kasi kadalasang pinapatay ni ate pritz ang mga ilaw kapag natapos na ang mga dramang sinusubaybayan niya. Mas lalong dumilim ang aking kwarto sa pagpatay ni ate pritz ng ilaw sa sala. Muli kong pinikit ang aking mata at nagbaka sakaling antukin.

Ilang sandali ang lumipas pero hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Kanina pa ako palipat lipat ng pwesto ng paghiga pero hindi pa rin ako makatulog. Kinapakapa ko ang aking kama para hanapin ang aking cellphone at nang mahanap ko ito ay may narinig akong yabag na papalapit sa aking kwarto. Muli akong nahiga at nagkunwaring tulog. Baka kasi si ate pritz to at may iutos pa sa akin kaya nagpanggap ako. Hindi nagtagal at biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Habang nakapikit ay nakikiramdam ako sa pagpasok ni ate pritz sa aking kwarto. Ang pinagtataka ko lang ay hindi pa rin siya nagsasalita. Mukhang ilaw pa ng cellphone ang gamit niya. Nagulat ako nang bigla siyang pumatong sa ibabaw ko. Dinilat ko kaagad ang aking mata dahil sa ginawa nya. Laking gulat ko nang makita ko si Lance na nakahiga sa aking ibabaw.

"Anong ginagawa mo dito?" ang tanging nasabi ko. Hindi ko man lang nagawang magpanggap na kakagising ko lang kasi hindi ko naman inaasahan na papasok siya sa bahay namin ng hating gabi. At papano nga pala siya nakapasok dito?

"Pwede bang dito muna ako? Pwede bang kahit ngayon ay huwag ka munang magalit sa akin? Ikaw na lang kasi ang kakampi ko. Kahit sana ngayong gabi lang ay mapagbigyan mo ako" nagulat ako nang sabihin niya yun. Ramdam na ramdam ko sa kaniyang boses ang panginginig na tila pinipigilan ang sariling emosyon. Base sa kinikilos niya ay marahil nagtalo sila ng kaniyang ama. Hindi ko naman mapigilang makaramdam ng awa sa kaniya dahil alam kong marami sa mga tao ngayon ay kinamumuhian siya sa kaniyang ginawa.

Hinaplos ko ang kaniyang ulo habang ito ay nakahiga sa ibabaw ng aking dibdib. Ang kaniyang malalim na paghinga kanina ay unti-unting naging mahinahon. Habang tumatagal pa ay nararamdaman kong humihigpit ang kaniyang pagyakap sa akin. Ramdam ko ang buong kabigatan niya sa aking katawan pero hindi ko alam kung bakit sobrang komportable pa rin ng aking pakiramdam kahit nasa ibabaw ko na siya. Habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo ay unti-unti akong nakakaramdam ng antok.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ