9

14.3K 413 23
                                    

🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆🎆

NAGISING SI YUKA na tumingin sa paligid. Tahimik at wala si William sa tabi niya. Bumangon siya kahit nanlalata. Napahikab siya at nakasimangot na bumangon habang bitbit si Lily at 'yung barbie.

"Lalala.." masayang tumalon-talon siya palabas ng kwarto, pero napahinto ng may maalala. Napatakip siya ng bibig at napatingin sa tiyan, "Ay! Oo nga pala, mayroon baby sa tummy ko. Hihihi.." humawak siya sa tiyan, "Pero wala naman. Hmm, baka tulog pa siya kaya dapat 'wag akong malikot."

Tumango-tango siya na humakbang ng paisa-isa. Nasa hagdan na siya ng makita niya si William na paakyat at nakita siya.

"O, gising ka na pala. Gigisingin talaga kita dahil malapit nang lumitaw ang fire works."

"Bakit iwan mo ako?" nakasimangot niyang sabi rito. Malapit na niyang isipin na baliw si William dahil pinagtatawanan siya tuwing sisimangot siya.

"Sandali lang naman, ito naman."

Lumapit ito at hinawakan siya sa baywang..

"Karga! Ayaw ko lakad." aniya habang nagtatalon at humawak sa balikat nito.

"Okay, okay. 'Wag kang talon ng talon at baka malaglag si baby."

"Ay! Oo nga pala. Sorry, baby." aniya at humawak sa tiyan niya.

"Very good." sabi ni William at binuhat siya.

"Anong gawin natin labas? Paputok tayo gaya ibang bata?"

Umiling si William, "Hindi, bawal ka makalanghap ng usok. May mag-o-operate no'n sa malayo kaya sa langit mo lang masasaksihan ang fire works."

"Hindi pwede? Kahit loses lang?"

"Hindi. Kung noon pwede, ngayon bawal, maliwanag?"

"Bakit kasi bawal?"

Napahinga ng malalim si William at binaba siya. Hinarap siya nito at tinignan mabuti.

"Kapag nakalanghap ng usok si baby ay maaari kayo magkaroon ng komplikasyon."

"Komplikasyon?" napaisip si Yuka kung ano 'yon.

"Basta bawal. Kapag bawal 'wag nang makulit."

"Bakit noon pwede? Daya!" nagdadabog niyang sabi.

"Kasi nga may baby ka na."

Lalo siyang sumimangot, "Bakit kasi ako may baby?"

Natutuwa naman si William sa patutunguhan ng usapan nila.

"E, kasi binuntis kita."

Napakuno't ang noo ni Yuka, "Bakit mo ako binuntis?"

Natawa na si William at humawak sa pader na nasa likod ni Yuka.

"Para may anak tayo."

"Paano nangyari magkakaanak tayo? Hindi ko alam bakit magkakaanak tayo?"

Ngumisi si William habang titig sa mga mata ni Yuka na puno ng kuryosidad.

"Gusto mo bang malaman?" tumango ito kaya lalo siyang ngumisi, "naalala mo ang nangyayari sa kama natin kapag hubad tayo?"

Napaisip ito at biglang namula ang mukha.

"G-ganoon 'yon?"

Tumango siya kaya hindi mapinta ang expression nito na kinatawa niya.

"Kaya alam mo na kapag gusto ko nang baby sa 'yo. Gagawa tayo ng marami para marami kang kalaro."

UNTIL TOGETHER Part 2 ( COMPLETED)Where stories live. Discover now