Epilogue (1 of 3)

986 28 3
                                    




T I A N A ' S

"Bye, bye, Tabi..."

Napasimangot nanaman ako matapos magpaalam ni Tram kay Talia. Like a routine, he would just kiss the top of my head, at aalis na para tumungong opisina.

I made a funny face for Talia after her daddy left, and grinned at her when she giggled.

"My Tabi, tabi-ching-ching, taba-taba-ching-ching," panggigigil ko sa aking anak. "My baby Tabi, so taba. Mataba!"

Sabay kaming humagikhik na dalawa. Kinuha ko siya mula sa high-chair at marahang tinapik-tapik ang kanyang likod, helping her burp. How my days start, basically.

Pa-laro kaming nag-aagawan ng teether ni Talia nang mag-ring ang aking phone.

"Jerrod," sagot ko, nangingiti sa aking anak. "Hi..."

"Hi..." anito sa kabilang linya, sounding hesitant. "May I visit?"

"Oo naman,"

"Jana is not with me, though."

"No problem," I laughed at him. "Ito naman, parang others. Bring food din? I miss your pasta."

"Alright. I'm on my way,"

Hindi pa umabot ang isang oras ay kasama na namin siya ni Talia sa loob ng playpen. Palagay ko nga ay nahihilo na 'yong anak ko sa amin. Parehong pinag-aagawan ang kanyang mumunting atensyon. Damay-damay pa naman kapag napapagod ito.

Hindi ko na napansin na nakatulog na pala kami sa floor mat, hanggang sa naalimpungatan nalang ako sa mga kalabog mula sa kung-saan. My eyes immediately searched for Talia, who was—thank goodness—still sleeping soundly on the chest of an also sleeping Jerrod.

Sinigurado ko munang maayos 'yong pagkakahiga ng anak ko, before I quietly crept out of the play fence, at tinungo kaagad ang kwarto namin. Alas-singko impunto na. My husband must be home.

"Hi?" bati ko kay Tram, pagkapasok ko ng kwarto namin.

Naabutan ko naman ito na humihikab habang nagbibihis ng pambahay. Tinanguan niya ako.

"Nag-dinner ka na ba? Jerrod brought Marinara..." ako.

Umiwas ito ng tingin.

"Mamaya na siguro," anito, at tumungo na sa kama, his back to me. "I'm tired, mauuna na akong matulog, if you don't mind..."

Napaawang nalang ako. This was what's making me frown in the morning. Panay niya akong inuunahang matulog. Tapos, ang lamig niya pa sa umaga! but I can't verbally complain. That would be selfish.

Tram's corporate employee now. Work must've piled up for him to come home this exhausted. I should be more understanding... was what I would like to say, but I'm honestly bothered. Honestly!

Buti nalang at parating may bumibisita sa amin ni Talia, kaya hindi ako gaanong nabibigyang tyansang maghimutok. But I guess I just cannot help but sulk a bit whenever I get the chance.

"Puntahan mo na kasi," Camille nudged me one afternoon, matapos mapansing maya't maya'y natutulala ako.

I shook my head.

"I cannot leave Talia alone," sabi ko, smiling absentmindedly as I caught a glimpse of my daughter, giggling.

"What are we? Ducks?" my cousin frowned. "Look around. Kumpleto kami. Maraming magbabantay."

Napalingon ako sa tatlong tao na nasa loob na rin ngayon noong play pen.

Kaya pinagawa kong halos isang buong living room ang play yard simula noong natututo nang makipag-laro si Tabi. Nagkukumahog na kasi iyong mga ninong at ninang niya. Tantyado ko nang magsisiksikan talaga sila.

The Thirdwheel (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang