52nd Chained

119K 2K 227
                                    

Chained
-PrfctlyStbbrn

This chapter is dedicated to Ashley Gail Capistrano. Belated happy birthday! Wishing you all the best in life and happy reading!
------------

Pearl Farm Beach Resort

Hindi ko mabilang kung nakailan kami sa gabing iyon pero ang malinaw lamang sa akin ay ramdam ko ang panghahapdi ng gitna ko noong gumising na ako. Sayang nga at hindi namin naabutan ang buffet sa kanilang Restaurant eh ang aga rin kasi. Nagpadeliver nalang si Ken ng pagkain sa aming kuwarta at sabay pa kaming naligo lalo na't may bathtub rin ang malaking room na kinuha niya.

Sa araw na iyon ay nagtungo kami sa Woodridge Subdivision para may magamit siyang kotse lalo na't dederitso rin kami sa Samal Island. Malalaki ang mga bahay roon at halatang sobrang higpit ng bantay. May nadaanan pa kaming Clubhouse.

Ang napansin ko sa Davao City ay sobrang linis ng paligid. Hindi masyadong traffic at parang ang safe ng paligid. Siguro kung matutuloy man ang paglilipat namin, dito ko pipiliing tumira. Pero alam ko namang ang gusto rin ni Mama ay sa probinsya raw. O baka nga hindi na matuloy eh...

Malaki ang pinuntahan naming bahay sa Woodridge Subdivision. Nalaglag nalang ang aking panga at napaisip kung balak ba noong pinsan niyang magtayo na ng pamilya lalo na't sobrang laki rin noon. May malawak na garage, 3storey, mala mansyon na ang datingan at hindi ako makapaniwalang mag-isa lang ang pinsan niya roon. May caretaker naman ang bahay kaya namamaintain rin ang kalinisan.

"Saan ang bahay noong babae niya?" tanong ko nang buksan na ni Ken ang pinto noong itim na kotse.

"I'm not sure where..." aniya. "Baka iyang sa harap," wala sa sarili niyang sagot lalo na't gumagala ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kotse, tila chinicheck iyon.

Tumigil ako sa pang-uusisa at pinagmasdan nalang si Ken sa kanyang ginagawa. Pinasok niya sa likuran ang aming mga gamit at binuksan rin ang front seat para sa akin.

May lumabas pang aso galing sa bahay. Napaatras ako lalo na't tumahol iyon at masyadong hyper na tumakbo patungo kay Ken. Nawala ang atensyon ni Ken sa kotse at ngumisi sa aso. Yumuko siya at hinawakan ang ulo noon.

"Namimiss mo ba ang amo mo?" tanong niya sa aso na tumingkayad pa at dinidilaan ang kanyang mukha.

Ken chuckled while playing with the dog. Kinarga niya pa iyon saka siya nagtungo sa akin. Umiling agad ako at gusto pang umatras kaso sa aking likuran ay ang malapad nang gate.

"Hindi ako dog lover!" sabi ko. "Natatakot ako!"

Ken just laughed with my reaction.

"Come on. Hindi ka niya kakagatin." Mas lalo pang lumapit si Ken sa akin habang nakanganga naman iyong aso at tila humihingal. Anong breed ba nyan? Mukhang cute kaso baka mangagat rin.

I stop from moving. Pumikit ang aking isang mata nang ilapit iyon lalo ni Ken sa aking mukha, halos magkalebel na kami. Naitago ko ang aking mga kamay sa aking likod at kinagat ko pa ang aking labi hanggang sa dinilaan ako noong aso sa aking pisngi.

"Bad dog! You licked my girl..." Inilayo niya agad sa akin iyong aso at tila kinakausap na ito ng seryoso.

"She's mine, 'kay?" seryoso niyang sabi sa aso na dinilaan lang rin siya.

Tumawa ako at hinaplos ang kanyang balahibo.

"Akin na..." sabi ko kay Ken na nakikipagtitigan na sa aso.

Ibinigay niya rin naman iyon sa akin. Medyo may kabigatan pero naaaliw ako sa mabalahibo niyang katawan at kulay brown pa.

"Hi..." Lumiit ang aking boses habang kinakausap ang aso.

C H A I N E D (NGS #3)Where stories live. Discover now