Chapter 42 Killer Bride

748 16 1
                                    

RIN POV

Hawak hawak ko ngayon ang Palda ng gown ko at tinignan ang mga lalaking kasama ko ngayon sa tent.



Inikot ko ang paningin ko nagbabakasakaling May Bagay akong pwedeng ipang depensa sa kanila.




Maya maya ay nagpalabas sila ng kanya kanyang patalim. Seryoso ba talaga sila na dito nila ako sa Campus susugurin??.




"Goodbye Blood" sabi ng isang lalaki na nasa harap ko tapos ay mabilis na inatake ako!




Nung una hindi pa ako makagalaw ng maayos ilag lang ako ng ilag sobrang hirap kumilos lalo na at naka long gown ako!



Nang makahanap ako ng tyempo ay tinadyakan ko ang lalaking umaatake saken sobrang lakas nun kaya naman ay nabitiwan niya ang patalim niya agad ko iyong pinulot at tinabas ang ibabang parte ng gown ko.





"You made a wrong choice fellas" Ngiting sabi ko sa kanila nang nakuntinto na ako sa ikli ng Palda ko ay ako na mismo ang umatake sa ka nila.





Sobrang hirap! Sobrang bigat ng pakiramdam ko! Kung noon ko palang sana alam lumaban ede sana buhay pa ang ate ko!






Wala akong pinapatay sa kanila tinatamaan ko lang ang mga vital organ nila para hindi na sila makakilos pa! Puno na din ng dugo ang gown ko.






Nang napabagsak ko na sila lahat ay agad akong lumabas ng tent.






Pagliko ko sa pasilyo ay nabigla ako na nasa harap ko na ang ginawa naming booth.





Sila Dash, Heiro at Rogue lamang ang nandun. Nabigla sila ng makita nila ako.





Sino ba naman ang hindi mabibigla pag May Nakita kang naka wedding gown nga puno naman ng dugo!





"Queen! What happen?!" Tumakbo agad sila saken.






"Ang Scorpio ba ang gumawa niyan sayo?? Ayos ka lang ba??" Tanong din saken ni Dash.





"Hey" tinignan ko si Rogue at naka tuxedo sya. Wait?????? Siya ba ang dapat na partner ko sa kunwari wedding?






"Kailangan naten lumayo dito, ako ang pakay ng Scorpio" sabi ko sa kanila at nauna nang tumakbo.






Habang papunta kami sa parking lot ay May grupo na naman ng mga lalaki ang naroon . Pero hindi na patalim ang hawak nila kundi mga baril na!





*bannngg!!!!!





*banggg!!!





Agad akong napayuko buti nalang at hinawakan ako ni—— Rogue.





"Queen!!" Sigaw ni Heiro saken at itinapon saken ang isang baril.





Nagtataka man pero agad ko itong nasalo at pinaputukan ang mga lalaki at tumakbo sa kanila.





"Wait!" Hinawakan ni Rogue ang kamay ko.





Hindi ko alam pero nakaramdam uli ako ng takot lalo na at dumadami na ang kalaban namin. Nakita ko sina Dash at Heiro na busy din sa pakikipag laban napasigaw ako ng biglang natamaan si Heiro!





"Where are you going?!" Mas hinawakan pa ni Rogue ang kamay ko.





"K-kailangan nila ako R-Rogue" umiling lang si Rogue. At hinawakan ang kamay ko.






My twin sister is a Legendary GangsterWhere stories live. Discover now