MVMH: Three

68.2K 1.4K 28
                                    

XENON

Flashback

Pagkatapos sumunod ng babaeng to sakin na matulog na sya , nagdrive na ko papuntang quarters namin. Ang lakas lang ng loob ng babaeng to na holdapin ako! Di nya ba ko kilala? Tsk, taong bundok ata to.  Hindi nya kilala ang leader ng Most Terrifying Gang?

Ako nga pala ang leader ng Dark Republic Gang or DRG, I'm Xenon Alexander Roccer. Sabi nila, I'm terrifying and also womanizer, well inaamin ko naman ang pagiging malandi ko, but surely dear, hindi naman ako ang nalapit ng nalapit sa kanila, the truth is sila pa ang lumalapit sakin.

"Ang hangin" biglang sinabi ng babaeng ito

Nagpaparinig ba sya? Teka baka naman ang aircon dito sa kotse ang mahangin. Hininaan ko ito para di na sya lamigin. Nandito na pala kami.

Ang Main Quarters ng Gang, bahay na namin to be exact.

Bumusina ako para mabuksan na nila ang letcheng gate na yan.
Agad namang nabuksan ito ng isa sa aming gang. Nagpark ako ng kotse ko at bumaba na. Binuksan ko ang other side para mabuhat ang babaeng ito.

"Woah! Xen nag-uuwi ka na pala ng babae dito ngayon, kala ko off limits dito ah.”  Sabi nya habang manghang mangha sa nadala kong babae .

Napangisi ako, “Sorry Bren, alam mo namang gwapo eh.”

Napatawa sya, “Iba na nga ang hangin dito bossing, intense” sabi nya at nagpatuloy sa pagtawa.

“Gago! Oo nga pala, nasaan na sila?" tanong ko sakanya. Tinatanong ko ang ibang gang mates namin.

"Nasa sala boss, nanunuod ng alam mo na.” Sabi nya at kumamot sa batok

"Di nalang sila nanood sa sariling kwarto nila, mga gago talaga. Hala sige halika na " Sabi ko

Pagpasok namin sa loob…

“Woah!!!" Sabay sabay pa nilang sabi

"Mamaya na ang satsat, patayin nyo muna yan at pumunta sa conference room dalian nyo." Pamumutol ko sa pagkagulat nila.

Napakamot sila ng ulo,  "Bossing naman ehh! Ang ganda na ohh" sagot sakin ni Lex

Dinilatan ko sya ng mata "Patay o Patay?" Mapanakot kong sabi "Buhay bossing, tang'na Craven patayin mo na yan bilis!” Sabi ni Lex kay Craven na isa pang myembro ng grupo.

Nagsipagtayuan na ang mga ito at dumiretso sa conference room. Buti nalang hindi pa nagigising ang babaeng to.

Isinama ko sya sa conference room, hiniga ko muna sya sa isang sofa.

"Grabe bossing, chicks yan ahh" Pabirong sabi ni Crete.

Sa kabuuan nga pala, labing dalawa kami sa grupo. Unahin na natin syempre ako, uulitin ko na ako ang leader nila, I'm Xenon.

Sumunod si Kyle, tapos si Lex, sya yung kausap ko kanina. Sumunod si Craven, Sy, Crete, Bren, Dyo, Sky, Dark, Lesly (lalaki parin ito), at ang pang huli si Kim.

"Anong pangalan ng babaeng yan boss?" Tanong ni Dark or Darkus.

“Sa totoo lang wala pa akong alam sa katauhan ng babaeng dala ko, naramdaman ko lang yung urge na dalhin sya ngayon, dito sa mansyon.”

Bigla bigla ay nagsalita si Kyle, “May naisip ako, di kaya sya ang ibinigay sa atin upang maging sagot at solusyon sanating problema Xen?”

Problema?

“Anong problema yan Kyle, bakit parang di namin alam?” Tanong naman ni Dyo.

“Mga ulupong, yung pera at mansyon na matagal ng hinihingi ni Xen kay Senior Symon!” Sagot naman ng Kyle na syang naalaala ko at naming lahat.

My Vampire Mafia Husband (Chase&Hide) ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora