MVMH: One

95.8K 1.8K 90
                                    

NICKAELLA

"BOSS kahit 25 thousand lang po. Kailangan ko lang po ng ganong kalaking pera. Baka meron po kayo dyan." Pagmamakaawa ko sa boss ko dito sa bar na pinagtratrabahuhan ko. Waitress kasi ako dito.

"Aba naman ineng. Limang sweldo mo na din yun. Malulugi ako sayo."

"Bossing naman eh. Maawa ka naman sakin." Pagmamakaawa ko. Syempre di naman pwedeng wala aking pang tuition. Makakatigil ako na syang ayoko.

"Sa totoo lang. Kaya mong kitain yan sa loob ng isang gabi lang. You have the looks and the body. Maraming magtitip sayo ng malaki. Baka nga di pa 25 thousand ang makuha mo eh."

Napalaki ang mata ko atsaka walng sabi sabing sinampal ko sya. Naahawak naman sya sa kanyang pisngi atsaka tumingin sakin na galit na galit.

Tsaka ko lang na realize na boss ko sya at ako ay trabahador nya. Na maaari nya kong tanggalin kahit anong oras.

"Bossing..."

"TANGGAL KA NA!" Dumadagundong ang boses nya sa opisina nya. Galit na galit ang mukha nya na parang bpss ng isang yakuza.

"Ikaw na nga ang tinutulungan ko ikaw ang may ganang manaki! Umalis ka na dito at wag ng babalik pa naiintindihan mo?!"

"Bossing naman. Matagal na ko dito, maawa ka naman sakin. Sorry"

"HINDI! Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang inakamagandang waitress dito WALA. AKONG. PAKIALAM."

May pinalidad ang kanyang boses at masasabi mong seryoso sya. Pero anong karapatan nya para bastusin ako? Tutal naman tanggal na ko, mas mabuti kung sulitin ko na din.

Sinapak ko ulit sya. Na syang kinagulat nya pero ikinangisi ko.

"Alam mo panot. Matagal na kong nagtitimpi sayo, bwisit ka! Isinusumpa ko, mamalasin ka hanggang pluto to back! Magsasara din tong pangit mong bar na puro tanders lang ang napunta! Pwe."

And with that, umalis na ko with poise. Bwisit na yun. Pano naman kaya ang trabaho at pan tuition ko nito? Arggh! Babalik nanaman ba ko sa dati?

-

KALALABAS ko lang sa isang pribadong online store. Kanina kasi habang nalalakad nakita ko to at nabasa kong in need sila ng isang computer analyzer. Yun naman pala, ang totoo kailangan nila ng hacker.

Buti nalang at isa yun sa mga inaral kong gawin, ang mag hack.

Car racer din ako. Yung sa illegal nga lang na drug race.

Carjacker? Oo yan din

Isang impostor, ako din yan.

At ang last isa akong Carnaper at Holdaper na syang kinakarir ko.

Sa ngayon diretso na ko sa apartment ko para magbihis at magtrabaho na. Kailangan ko na talaga ng pera at kung matinong trabaho ang hahanapin ko, baka wala na kong makuha pang pera dahil bukas na ang bayaran ko sa tuition fee.

Pagkarating ko sa apartment ay nakita ko na si Aling Trudis na nagpapaypay sa harapan ng apartment ko. Halatang bwisit na bwisit na sa kaaantay sakin. Bwisit, maniningil nanama to sa renta!

"Hoy Nick! Walangya ka talagang bata ka! Ang bayad sa renta nasan na? Puro ka nalang bukas bukas!"

Blablabla! Whatever, dumiretso nalang ako sa apartment ko. Pagkabukas ko ng pinto ay pumasok na agad ako, pagkapasok ko ay sumilip lang ako ng kaunti sa may pinto.

"Bukas ho."

At isinara ko na agad ang pinto. Eto na talaga ang buhay ko. Araw araw puro pera ang problema.

My Vampire Mafia Husband (Chase&Hide) ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora