Chapter 2

14 0 0
                                    


Makalipas ang ilang buwan.....

Alice's PoV
"Happy birthday RD! Happy birthday RD!" March 24, 1994 ngayon at kinakanta ko ang happy birthday habang hawak hawak itong maliit na tinapay, nabili ko ito sa bakery kanina kasama narin ang isang munting kandila. Psh buti nalang binigyan ako ni nanay ng sampung piso kanina hahaha pangkain ko dapat iyon pero naalala ko na birthday pala ni RD ngayon at hindi pwedeng hindi ko icelebrate ang isa sa maliligayang araw niya! "Lord sana po alagaan niyo ng mabuti si RD sa maynila, sana po gumaling na ang daddy niya para po makauwi na siya agad dito at makapaglaro na kami. Amen." Hiling ko para sa kaarawan ni RD, hinipan ko na rin ang kandila dahil wala naman siya rito. Kamusta na kaya si RD? Sayang di kasi uso ang cellphone dito sa probinsya, kaya ayon ni isang balita wala akong naririnig tungkol sa kanya. Sana nasa maayos lang ang kalagayan niya.

Naghahanda na ako papasok sa eskwela, at nasa ika-anim na baitang ako ngayon ng pagaaral sa elementarya. Nakasanayan ko na magasikaso magisa, iniiwanan nalang ako ni nanay ng sampung piso araw-araw bago siya umalis. Minsan may nadaratnan akong almusal pagkagising at kadalasan naman ay wala. Nakatira lamang kami sa isang maliit na kubo dito sa probinsya at pagtitinda lamang ng uling ang pinagkakakitaan ni inay, maliit lang ang kinikita niya dahil iyong mga uling ay hindi naman amin. Simula pagkabata'y hindi ko man lang nakilala ang aking ama, minsan nagtatanong ako kay inay kung nasaan siya lagi niya lang sagot ay nasa malayo ito. Wala akong alam ni isang deskripsyon patungkol sa aking ama maski ang kanyang buong pangalan. Magkaibigan na kami ni RD simula noong 6 years old pa lamang kami, nakilala ko siya dahil nagsilbing katulong si inay ng kanilang tahanan at lagi niya akong sinasama. Oo mayaman ang angkan nila RD, minsan nga naiinggit ako sa mga laruan niya dahil sobrang gagara ng mga ito. Umabot ng dalawang taon ang pagsisilbi ni inay sa kanila, nawala lamang iyon ng may isang katulong na nagnakaw ng pera. Lahat sila ay tinanggal at pinalitan ng bago kaya ayon bumalik nalang si ina sa pagtitinda ng uling.

Patungo nako ngayon sa aming paaralan, ni minsan hindi ako nahuli sa klase. Sabi kasi ni inay, kailangan ko daw mag-aral ng mabuti para magkaroon din kami ng bahay tulad ng kila RD. "Uy ate Alice! sabay na tayo." pagaaya ng pinsan kong si Kate. Parehas kami ng eskwelahan ni Kate ngunit magkaiba kami ng baitang siya ay nasa ika-lima pa lamang.

Nang makarating kami ni Kate sa paaralan, nagpaalam na ako sa kanya at agad na nagtungo sa aming silid. Naalala ko na ngayon rin pala ang bigayan ng aming card kaya iilan lamang ang pumasok.

Makalipas ang dalawang oras, marami nang magulang ang nasa labas ng aming silid. Hindi ko na inaasahang pupunta ang aking ina dahil alam kong pagod na rin siya sa pagtitinda. Hihintayin ko na lang ang resulta dahil alam kong isa itong magandang regalo para kay RD.

"At ang 1st honor ng klase para sa ikaapat na markahan ay si Alice Kaye Guevarra! Palakpakan." Narinig ko ang palakpakan nilang lahat, sanay na ako sa ganitong uri ng anunsyo ngunit ang saya parin sa pakiramdam. Isinuot ni Ma'am Fernandez ang medalya sa akin. "Nasaan ang iyong ina Alice?" pagtatanong ni ma'am sa akin. "Hindi po siya makakarating binibini dahil alam kong pagod po siya sa pagtitinda." sambit ko at lumakad na pabalik sa aking upuan. Kahit wala si nanay at hindi siya ang nagsuot ng medalya sa akin, masaya parin ako dahil kahit papaano ay matatanggal nitong munting medalya ko ang pagod na kaniyang nararamdaman.

Pauwi na ako ngayon at excited ipakita kay inay ang medalya. "Nayyyy! Narito na po ako." masayang pagbati ko ng makarating ako sa pintuan ng bahay, pero walang sumagot. "Nayyyyyy?" anong oras na ha, dapat narito na si inay. Halo-halong emosyon ang bumalot sa akin at agad na tinungo ang loob ng bahay.

Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko si nanay na mahimbing ang tulog. Siguro sobra siyang napagod ngayong araw. Naisipan kong ipaghanda ng almusal si nanay bukas, kasabay na rin ng pagbabalita sa kanya na ako ang nangunguna sa klase. Sigurado akong matutuwa siya!

KababataWhere stories live. Discover now