|Chapt.1|

371K 1.1K 7
                                    

Loisa POV

Kasalukuyan akong naglalakad, dahil kakatapos lang ng klase at pauwi na ako

Lakad

Lakad

Lakad

nakalipas ang ilang minutong paglalakad

"Hays , sa wakas naka uwi na rin"

agad akong umakyat papuntang kwarto. walang anu-ano hinagis ko ang bag ko sa kama

*TOK*TOK*TOK*

tsk, heto na naman tayo

"ELOISA !"

hindi ko nalang sya pinansin, agad kong kinuha ang cellphone ko tsaka nag patugtog.

"ELOISA ! KAUSAPIN MO AKO ! WALA KANG UTANG NA LOOB!"

gezzzz, may padabog dabog pa sya. eh may susi naman pala

"Anong kailangan mo?"

walang lingon-lingon na tanong ko sa kanya

"SABI NG TEACHER MO, NAG CUTTING KA DAW ! ANO BA NAMAN ELOISA ! HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO SAYO- - - "

"Pabayaan niyo na ako , pwede ba? tsk"

tumalikod na ako para itago ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"HINDI KA NA BA NAAAWA SA AKIN?"

naaawa na ako tita, subrang naaawa na. kaya nga gusto ko sumuko na kayo - hindi ko masabi ang lahat ng yan dahil ayukong isipin niya na mahina ako.

naramdaman kong lumapit sya sa akin.

"Iha, tulungan mo ako, tulungan mo ang sarili mo"

medyo malumanay na pagkasabi niya, kaya lumingon ako sa kanya tsaka humarap

"Sabihin niyo sakin tita, paano? paano ako mag-uumpisa? sirang-sira na ako sa lahat alam niyo yan!- - -"

natigilan ako ng bigla akong yakapin ng tita ko, sa di ko na mapigilan humagulgol na ako ng iyak

"Hindi ko na alam tita *sob* subrang nahihirapan na ako*sob* nahihiya na ako *sob*"

naramdaman ko ang paghaplos ni tita sa likod ko

"Iha, may tiwala ka naman sakin diba?"

pagkatapos niyang itanong iyon, bumitaw na sya sa pagkayakap tsaka seryusong tinitigan ako.

"Ito na ang oras para malaman mo"

bahagyang napakunot ang noo ko

"Anong ibig mong sabihin tita?"

bago siya magsalita, huminga muna siya ng malalim.

"Buhay pa ang mga magulang mo Eloisa"

si tita lang tumatawag saking eloisa, ayukong may ibang tumatawag sakin sa ganoong pangalan.

"P-po? buhay pa sila? pero s-sabi niyo- - - "

napatigil ako ng biglang umiyak si tita emay

"Sorry eloisa, *sob* gusto ka lang protektahan ng iyong ina"

protektahan ? saan?

hindi ko pa man natanong sa kanya pero sinagot na niya sa pamamagitan ng maikling kwento niya.

na kaya ako pinaalaga ng aking ina kay tita emay ay dahil may gusto daw pumatay sa akin, at ang alam ng ama ko ay patay na ako.

naiyak ako, hindi dahil sa galit. naiyak ako sa subrang saya.

may mga magulang pa pala ako, hindi ako nag-iisa.

niyakap ko si tita emay sa subrang saya

"Tita, gusto ko silang makilala"

sabi ko kay tita

"Sige, sabihan agad kita kung na contact ko na ang mga magulang mo. pero may kundisyon"

napatigil naman ako.

"Kundisyon?"

"Oo, yun ay ang magkaroon ng mataas na marka, iwasan mo na ang pakikipag basag ulo. ka babaeng tao eh. tsaka yang pag-iinom. naiintindihan mo?"

napangiti naman ako, napaka over protective talaga tung si tita

"Opo"

niyakap muli ako ni tita.

The Daddy's Girl (SHORT SPG STORY COMPLETED)✨Where stories live. Discover now