Chapter Thirty-five: Tears

615 30 0
                                    

AKELAH POV'S

Matahimik kaming umalis sa teritoryo ni Ziko, ang bigat sa pakiramdam na hindi namin nakuha si Fayre sa kamay niya.

"Ang sakit-sakit na hindi natin nakuha si Fayre." Marahang sambit ni Shastrid.

Ang tahimik nilang lahat hanggang sa makauwi kami sa palasyo ni Iowa, pasamantala dito muna kami kasi panatag ang kalooban naming ligtas kami rito.

"Hello, ladies..."

Bigla kaming napalayo sa isa't-isa at damang-dama ko ang malakas niyang aura, hindi makakailang malakas siya.

"Batid kung hindi niyo nakuha si Fayre at isang surprisa ang ipapakita ko ngayon... Pasok!"

"YASHA!"

"TANGINA ANONG GINAWA MO?!"

"NO YASHA!"

Walang malay si Yasha at puro ito sugat-sugat kahit saang parte ng katawan mo tingnan.

"Kailangan ko muna siyang ilayo. Hihintayin ko isa sa inyo ang sumuko at palayain ang prensisang ito."

Bago pa namin awatin ay bigla itong nawala kasama si Yasha.

Naging mabigat ang kalooban namin at isa-isa kaming dinudurog dahil wala kaming nagawa para iligtas si Yasha.

Una si Fayre.
Pangalawa si Yasha.

Hindi ko alam, hindi ko alam na wala pala akong kwentang reyna dahil hindi ko man lang nagawang lumaban para iligtas si Yasha kahit siya lang.

XYRUS POV'S

Ang tahimik, sobrang tahimik. Napagisipan kung umalis muna para lumamig ulo ko.

Napahinto ako at napatitig nalang tsaka ko kinusot-kusot ang dalawa kung mata para masabi sa sarili ko na totoo ngang nakikita ko ngayon.

"Zendie?"

Lumingon siya pero iba ang nakita ko sa kanya ngayon.

"Xyrus. . ."

Hindi ko alam pero nag kusa akong lumapit sa kanya para ibigay ang panyo ko sa kanya.

"Why are you crying?"

Hindi ko mapigilan mang usisa sa kanya dahil ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang ganto.

This is not the Zendie, i've meet. I know, hindi ko siya gaano kilala pero siya yung tipikal na babae mahilig mang inis at napakadelikadong banggain o hamonin man lang.

"N-nothing."

"Go on, share with me. Think of me as a stranger right now."

"You're a stranger to me, Xyrus."

Napakamot nalang ako sa ulo ko tsaka umiling nalamang.

"Okay, it's alright if you won't tell me, Zendie."

"Actually, ang laki talaga ng problema ko right now."

"Then, go on. I'm all ears to you right now."

"Merong lalake, kumuha sa dalawang kaibigan ko. Anong gagawin ko? Miski ako ay hindi ko kayang sagipin sila."

"Pag planohan mong maigi ang gagawin mo, Zendie. Mahirap na baka malagay ka sa peligro."

"Simulang pinanganak ako, naging mapanganib na ang buhay ko, Xyrus."

"Oh, that means..."

"Yeah, stay away from me, Xyrus."

Muli niyang pinahid ang luha niya tsaka umalis pero nakuha niya pang ibigay sa'kin ang panyo ko.

Hindi ko maintindihan sila, mas lalong wala akong maintindihan sa sinasabi niya kanina.

𝐻𝑒𝑟 𝑅𝑒𝑣𝑒𝑛𝑔𝑒Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon