Pakilig.

2 0 0
                                    

Di 'ko mawari kung bakit ganito

Ang mga babae ba eh dapat niloloko?

O  kaya kung minsan, gusto kong magtampo 

Pero sa mundo ngayon, ipinagbabawal ito.


Ako'y isang bata na maagang namulat sa mundo 

Iniwan ng Ina at pinabayaan ng tatay ko

Nagpumilit mamuhay para may mapatunayan 

Sa mundong kinalakhan na punong puno ng sumbatan. 


Sabi ng Ina ko ako daw ay walang kwenta, 

Sapagkat 'di nakapagtapos at nabuntis pa ng barkada. 

Mga salitang tumagos sa utak at puso kong mura

Na hanggang ngayon ay nakatatak sa aking alaala.


Pinilit kong ayusin, alam ng Ama yan

Ang buhay kong patapon, walang patutunguhan 

Sumama kung kani kanino para hanapin ang sarili 

At ng maranasan ko ang maging payapa muli. 


At dun nakilala kita, sa gitna ng pighati. 

Lahat ng pangako ng langit nasa 'yong mga ngiti

Na para bang sinasabi ng mga anghel sa akin

"Eto na ang premyo mo, iyo ng angkinin!"


Inangkin ko, inalagaan ko at pinagdamot ko 

Ang mumunting kayamanan na meron ang puso mo 

Binago ko lahat at aking kinalimutan 

Mga gawing gusto ko pero iyong kinasuklaman. 


At eto na nga nagbunga ang pagmamahalan, 

Nagbunga din ng sama ng loob sa inyong tahanan

Ako'y nangamba, 'di mapakali at balisa

'Pagkat nakikita kong ako ngayo'y wala ng halaga. 


Kinimkim ko ang mga napapansin ko, 

Iniisip ko na baka naprapraning lang ako. 

Hanggang unti-unting kulay mo'y lumalabas

Ako pala'y isinantabi at malapit ng ikalas. 


Napapanood ko sa tv, sa sine at pelikula, 

Ang mga dilag daw ay dapat na sinasamba. 

Pero bakit ako na nagmamakaawa sa'yo. 

Ni minsan hindi mo pinakinggan ang luha ko. 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How I see YOU.Where stories live. Discover now