Ikalabing-isa

46 2 0
                                    

"May pagsisisi, na 'di ko nasabi sa'yong, mahal kita - mahal na mahal kita."

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

"Ang Liham Para Kay Lola"

Isang kahig isang tuka't buhay ay talagang maituturing na maralita,
Salot kung ituring ng ilan at tila may sakit na nakakahawa kung iwasan pa nga.
Ni sariling pamilya't kadugo ay tila bulag at isinasawalang bahala,
Ngunit dahil sakaniya'y kinakaya kong lahat at patuloy na nagdarasal at nananampalataya.

Lumaki akong ang katuwang lamang ay ang aking butihing lola,
Mula bata'y siya na ang nag-alaga't saakin ay umaruga.
Masasabi kong ni kailan man ay hindi ko naranasan ang buhay ng karangyaan,
Ngunit ni kailan man din ay hindi ako nakaramdam ng kakulangan.

Sa lahat ng aspeto ay masasabi kong salat kami ng aking lola,
Ngunit hindi sa pagmamahal niya na dulot ay puro at totoong ligaya.
Nararanasang magutom pagka't may mga araw na walang panggastos at pera,
Pero awtomatiko't parang mahika na pag-alis niya't pagbalik ay may pagkain siyang dala.

Nabuhay akong walang pitaka't butas ang bulsa,
Nabuhay akong pansulat at papel ay hinihingi ko pa.
Naranasang maapi sa lahat ng tao pagka't ako raw ay isang hampas lupa,
At tila mundo na rin ang nagsasabing sumuko nako pagka't ito ang tama.

Ngunit sa kabila ng lahat ay mayroong isang taong hindi ako iniwan,
Mula sa simula't maging sa pinakamasalimuot ko ay hindi ako kailanman tinalikuran.
Napagtanto kong nabubuhay ako at dapat akong mabuhay para sa kaniya,
Na lahat ng pagod at pangarap ay inaalay ko sa nag-iisa kong lola.

Ngunit darating ang panahon na ang nagbibigay lakas sa'yo ay siya na ring makararamdam ng hina,
Isang araw na patuloy mong iniiwasan ngunit sabi nga nakatakda ang tadhana.
Araw-araw na pinagdarasal na ang sakit sana'y makayanan niya,
Pagka't hindi ko maatim na sa kwarto't higaang 'yon ay titigan siya.

Kinausap kami ng doktor at dinurog ang puso ko sa mga tinuran niya,
Pagka't hindi na raw kaya't ang sagot nalang ay ang palayain siya.
Pilit akong kumalma sa mga narinig kong mga salita,
Ngunit tunay ngang anumang gawin ko'y wala ng bisa at magagawa.

Puno ng pagsisi at pagdaramdam ang aking kalooban,
Tila ako'y sinasaksak sa bawat hakbang tungo sa kaniyang huling hantungan.
Puno ng sana ang isipan na sana'y naiparamdam kong gaano ko siyang kamahal,
Pagka't sa buhay ko'y walang ibang makapapantay kung gaano siya saking kaespesyal.

Lumipas ang mga panahon at patuloy akong lumaban,
Dalawang taon man ay sariwa pa rin ang sakit at umaasa na ito sana'y malunasan.
Nakatayo ako ngayon para sa taong humubog saaking katauhan,
Tuloy sa paghakbang upang lahat ng pangarap ay maisakatuparan.

Kung nasaan man ako ngayon ay buong puso kong ipinagpapasalamat,
Pagka't dahil sa kaniya'y ang pagiging isang mandirigma ay hindi na lamang isang alamat.
Ang laban na ito'y inaalay ko sa'yo aking pinakamamahal na lola,
Pakatandaang mahal kita't imahe mo sa puso ko'y kailanma'y di mabubura.

Isang Libong LetraWhere stories live. Discover now