Chapter 32.

10.6K 293 8
                                    

Final Re-Published: July 20, 2019

AIKO

Nasa loob ako ng isang kwarto at gumagawa ng assignments. Nasa office si Mike at may kinakausap na kung sino.

Hindi ko alam pero alam kong may ginagawa siya na ayaw niyang malaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero 'yun ang nararamdaman ko.

Napatingin ako sa pintuan nang may narinig kong kumatok doon at nakita ko si Rien.

"Ma'am, pinapasabi po ni boss kakain na daw." Sabi niya at tumango ako. Niligpit ko na muna ang mga gamit ko at tumayo na.

Lumabas na ko ng kwarto at nakita ko sila Rien na hinihintay ako. Bumaba na kami sa hagdan at pumunta sa hapag kainan.

Nakita ko si Mike na nakaupo na sa pwesto niya at hinihintay ako. Tumabi ako sa kaniya at nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"I know that it's already late love and I'm sorry about that." Sabi niya sa 'kin.

"Hindi, okay lang. Busy din naman ako kanina eh." Sagot ko naman sa kaniya.

Nilagyan ko rin ng pagkain ang plato niya at nagsimula na kaming kumain.

THIRD PERSON

Nandito sa loob ng opisna ang lahat ng mga De Asis at inis na inis dahil sa nalamangan na naman sila ng mga Arcana.

"Bakit kaya nila tinaggihan ang deal natin sa kanila?" Galit na saad ni Filland De Asis. Siya ang ama ng mga magkakapatid na De Asis.

"Baka may ginawa na naman ang mga Arcana kaya sila tumanggi." Sabi naman ni Felicia De Asis. Siya ang asawa ni Filland De Asis.

"Ano na po ang plano niyo, dad?" Tanong naman ni Fernand sa tatay niya.

"Bakit hindi na lang natin hayaan si Aiko? Mukha naman siyang masaya sa piling ng isang Arcana." Sabi naman ni Fernand.

"Kalaban natin ang mga Arcana. Hindi dapat sila magkatuluyang dalawa." Pagtutol naman ni Filland.

"Pagkatapos niyang grumaduate ay ilalayo na natin siya mula sa Arcana na 'yun at dadalhin sa ibang bansa." Sabi naman ni Felicia.

"Sa tingin niyo po ba ay magiging masaya siya doon? Bakit hindi natin ibigay sa kaniya ang kasiyahan niya?" Tanong naman ni Francis.

"Kaya mas lalong lumalayo ang loob niya sa atin eh. Ayaw niyo kasing ibigay sa kaniya ang gusto niya." Sabi naman ni France.

"Sana naman po maalala niyo na nagkulang tayo sa kaniya. Hindi natin nabigay sa kaniya ang atensyon at pagmamahal na kailangan niya." Sabi naman ni Frenz.

"Kaya nagre-rebelde po siya sa inyo-sa atin dahil tayo rin po ang may kasalanan, dad, mom. Ibigay na lang po natin ang gusto niya." Sabi ni Francis.

"At hayaan na manalo ang pamilyang 'yun mula sa atin? Hindi kami makakapayag!" Galit na sigaw ni Filland.

"Hindi ko hahayaang manalo ang mga Arcana. Hindi ko hahayaang makuha nila ang gusto nila o ang gusto ng anak nila." - Filland.

"Kahit na 'yun din ang gusto ng sarili mong anak, dad? Anong klaseng ama ka kung hahayaan mong hindi maging masaya ang sarili mong anak?" Galit na tanong ni Fernand.

"'Wag na 'wag mo kong sisigawan Fernand! Ako ang ama niyong lahat kaya ako ang masusunod dito! Ako ang batas dito sa pamilyang 'to! Kung ano ang gusto ko, 'yun ang gagawin niyo!" Sigaw ni Filland at wala na silang nagawa pa.

Wala ding nagawa si Felicia dahil sa sunod-sunuran lamang siya sa sarili niyang asawa. Wala siyang sariling desisyon at hindi niya rin kayang protektahan ang mga anak niya mula sa sariling asawa.

•*•*•*

Sa kabilang pamilya naman ay nag-uusap ang mga Arcana pero wala sila Mike at Zero doon.

"Ang hirap naman ng pinapagawa ni Pain." Reklamo ni Rider pero ginagawa niya pa rin ang gustong paggawa sa kaniya ni Mike.

"Sigurado ba kayong tama 'to? Alam naman natin na para 'to sa kanilang dalawa pero magugustuhan kaya ni Silendence kung malalaman niya na papatumbahin natin ang pamilya niya?" Nag-aalalang tanong ni Asunta.

Si Asunta Arcana ay ang nanay ng magkakapatid na Arcana. At siya din ang kalaban ni Felicia.

"Kung ito ang gusto ni Mike gawin na lang natin para sa kaniya at sa tingin niya na ikasasaya nilang dalawa." Sagot naman ni Raphael.

Si Raphael Arcana ay ang ama ng mga magkakapatid na Arcana. Siya ang asawa ni Asunta at mahigpit na kalaban ni Filland.

"Need some help?" Napatingin sila sa pinanggalingan ng boses at nakita nila si Zero na may hawak na folder. Nilapag ni Zero ang folder na 'yun sa lamesa at agad namang binasa ni Raphael ang mga papel na nandoon.

"I-ito 'yung..." Hindi makapaniwalang saad ni Raphael at napatingin sa direksyon ng anak niya. Tinignan naman ni Rider kung ano ang mga nakasulat sa papel at nagulat din siya.

"Ito 'yung isa sa mga kilalang businessman dito sa bansa at naghahanap siya ng isang business partner para sa gagawin niyang resort." Sabi ni Rider.

Tinignan din ni Asunta ang mga nakasulat sa papel at napa-isip.

"'Wag mong sabihin na gusto mong kunin namin ang businessman na 'to para hindi siya makuha ng mga De Asis?" Takang tanong ni Asunta.

"Yes. Target din siya ng De Asis. Dahil sa naagaw niyo ng pa isa-isa ang mga business partners nila ay nangangailangan na nila maghanap ng panibago dahil malapit na silang malunod sa utang." Nakangising saad ni Zero sa kanila.

"Bakit kaya hindi na lang natin bilhin lahat ng kompanya nila at ibigay kay Pain at siya na ang magbibigay n'on kay Aiko?" Sabi naman ni Rider.

"May balak din palang ilayo ng mga De Asis si Silendence mula kay Pain. Gagamitin ko lang 'yung org para sa iba pang impormasyon na kailangan." Sabi ni Zero at aalis na sana siya nang biglang nagsalita si Asunta.

"Zero, anak, salamat sa tulong. At kung may gusto ka rin sabihin mo lang sa amin." Sabi ni Asunta at umaasa siya na kakausapin siya ni Zero.

"Investigate everything about her. I want to know everything. Don't worry tutulungan ko kayo sa mga ginagawa niyo para lang kay Pain." Sabi ni Zero at tuluyan na siyang umalis.

Kinuha na ni Raphael ang litrato na binigay ni Zero sa kanila at nagulat sila dahil sa nakilala agad nila ang babae na nasa litrato.

"Isa siya sa kanila, 'di ba?" Tanong ni Raphael at tumango si Asunta.

"Mukhang may balak tuhugin ni Chain lahat ng magkakapatid ah." Sabi naman ni Rider at napatahimik na silang lahat.

•••• END OF CHAPTER 32. ••••

His Own Possession (HOP Series #1)Where stories live. Discover now