Chapter 29

2.9K 126 6
                                    

Prinsesa,he need to stay here for his Aunt..

"I know.." usal ni Prinsesa Rosede habang pinagmamasdan sa loob ng ICU room ang kasintahan na tahimik na nakatayo sa gilid ng kinahihigaan ng wala pa rin malay na Tita Lynda nito.

Nang malaman niya ang nangyari sa ginang agad na bumuo siya ng desisyon.

She decide to stay with him..them,here. Sa mundong kung saan nagmula ang lalaking itinakda sa kanya.

"Susuportahan namin ng iyong ina kung anuman ang pipiliin mo para sa ikasisiya ng aming pinakamamahal na prinsesa,"anang ng Hari.

Agad na hinarap ng prinsesa ang ama at yumakap rito.

" Alam kong nangako ako na babalik ako sa mundong-Colai kasama ang itinakda sakin,Ama..I'm sorry kung...kung hindi ko matutupad iyun,"madamdamin niyang anas sa dibdib ng ama. Mahigpit at puno ng pagmamahal na niyakap siya ng Hari.

Hinalikan nito ang ituktok ng ulo niya. Mamimiss niya ang gesture na iyun ng kanyang ama sa oras na manatili na siya sa mundong ito.

Nag-init ang magkabilang sulok ng kanyang mga mata pero agad naman niya napigilan ang mapaluha.

"Sorry,Ama..ganun din kay ina," usal niya.

Sinapo ng Hari ang magkabila niyang pisngi at pinagtama ang kanilang mga mata.

Gray to gray eyes..ang mga mata na minana niya rito.

Puno ng pagmamahal na nginitian siya ng Hari. "Magiging masaya kami ng iyong ina,mahal kong prinsesa. Marapat lang na piliin mo kung saan ka sasaya at alam kong siya lang ang makakapagbigay ng kaligayahan mo at kukumpleto sa buhay mo,huwag mo na kami alalahanin ng iyong ina. Magiging masaya ang iyong ina sa anuman itong pinili mong buhay,"puno ng pagmamahal at suyo saad ng Hari.

" Salamat,Ama..mahal na mahal ko po kayo ni ina,"madamdamin niyang saad.

Muli siya niyakap ng ama at hinalikan sa ulo.

"We love you too,our princess.." usal nito sa ibabaw ng ulo niya.

Hinaplos ni Prinsesa Rosede ang buhok ng kasintahan na nakatulog na habang nakasandig sa balikat niya. Nasa isang silid sila kung saan doon inilipat ang Tita Lynda nito ng ilabas na ito sa ICU room.

Wala naman na sila dapat pang ikabahala dahiL ayon sa doktor na tumingin sa ginang ay stable naman na ang lagay nito. May naging minor complication lang nangyari pero ng itest muli ang ginang hindi naman ganun kalala. Kasabay kasi ng minor heart attack nito ay ang pagtaas naman ng sugar nito.

Napailing siya. Sinabihan na niya ang ginang na maging maingat sa kinakain nito. Kapag maayos na ito ng tuluyan saka niya ito kokomprontahin.

Agad na may gumuhit na malungkot na ngiti sa mga labi niya. Labis niyang pangungulilaan ang Gray Wolves District lalo na ang kanyang mga magulang ngayon habam-buhay na siyang mananatili sa mundong ito na kasama ang lalaking itinakda sa kanya.

Gumalaw ang binata at siniksik ang mukha nito sa pagitan ng leeg at balikat niya.

Tuluyan na siya napangiti na puno ng kasiyahan. She's with her mate now after so many years at kung kinakailangan na may isakripisyo pa siya para rito ay gagawin niya huwag lamang sila magkalayo ni Vincent.

"I love you.."

Pinigilan niya matawa dahil tulog naman ang binata base sa pantay ng paghinga nito.

Oh he's dreaming of you!

"Mahal na mahal din kita,Vincent.." usal niya at masuyong hinalikan ang nuo nito.

Nakangiti na bumaling ang mga mata niya kay Tita Lynda.

Si Vincent at si Tita Lynda ang bago niyang pamilya sa mundong ito.

TPOGWD Series 7: ROSEDE H. GRACIANO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now