Chapter 4

1.2K 21 0
                                    

Isang motorsiklo ang naghihintay sa kanila sa di kalayuan. Inabot nito ang helmet sa kanya. "D-Diyan tayo sasakay?" tanong niya at itinuon ang tingin sa single motorcycle."Akala ko ba sasakyan?"

"Sasakyan naman 'to. Astig pa! Ito ang baby ko."

Sinapo niya ang noo. "Nakikita mo ba ang itsura ko? Pasasakayin mo ako diyan. Tirik na tirik ang araw at puro alikabok ang daan. Nananadya ka ba? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana nagrenta na lang ako ng sasakyan. Wala akong tiwala sa 'yo."

"Malapit lang naman 'yan. Maingat akong magmaneho," sabi nito. Isinuot na nito ang helmet sa ulo niya nang mapansin nito ang pag-aatubili niya. Nakikiliti siya ng pabango nito. She was aware of his presence. Paano pa kaya kapag sumakay siya sa motor nito at halos magkadikit na ang mga katawan nila? "I am driving. Sa palagay mo ba may gagawin akong masama sa iyo?" tanong nito sa husky na boses.

Marahan siyang umiling. "W-Wala."

"Sabi mo hindi ka interesado sa akin. So okay lang sa iyo na umangkas at yumakap sa akin. Tutal wala namang epekto," anito at kinindatan siya. "Maliban na lang kung ayaw mong dumikit sa akin dahil natatakot kang malaman ko na attracted ka nga sa akin."

"Hindi ako attracted sa iyo. Let's go."

"Sabi mo," nakangiti nitong wika at saka isinuot ang helmet. Pikit-mata siyang humawak sa baywang nito dahil ang totoo ay may takot talaga siya sa pagsakay sa motor. "Huwag kang mahihiyang kumapit ng mabuti sa akin at pagsamantalahan ang kahinaan ko," tukso pa nito at saka pinaandar ang motor.

Naggiyagis ang ngipin niya nang paharurutin nito ang takbo ng motor. Titiisin niya ang panunukso at pang-aasar nito ngayon. Titiisin niya ang pagyakap sa matipuno nitong katawan at pagsinghot sa mabango nitong amoy. Napilitan din siyang ihilig ang pisngi niya sa malapad nitong likod at hayaang ang katawan nito ang sumalo ng hampas ng hangin.

She let out a sigh. Unti-unting nawala ang kaba niya dahil pakiramdam niya ay safe na safe siya sa piling nito. Di na nga niya maramdaman na takot siya sa pagsakay ng motor.

Natauhan siya nang marinig niya ang pagtikhim nito. "Nandito na tayo sa beach. Mamaya mo na ipagpatuloy ang pananantsing mo sa akin."

Napamaang siya nang makita ang nanunuksong ngiti sa labi nito at mapang-akit na tingin ng mata nito. Hindi niya napansin na tumigil na pala ng motor at nakahimpil sila sa harap ng pier. Masyado siyang nawili sa paghilig dito. "Excuse me! Hindi kita tsina-tsansingan. Ninenerbiyos lang akong sumakay sa motor," asik niya at bumaba ng motor saka tinanggal ang helmet niya.

Kinuha nito ang helmet mula sa kanya. "Oo na. Sabi mo e."

"Aba'y ito na pala ang anak ni Mang Fredo. Maganda pala at maputi, hano? Mukha ring malayo na ang narating."

"Si Mang Tonyo, isa sa kapitan ng pump boat na ito. Limang taon na ang nakakaraan nang lumipat sila ng pamilya niya sa La Carmella."

"Nakatira ako di kalayuan sa inyo. Magkapitbahay tayo. Puro bilin sa akin si Fredo na alagaan kitang mabuti sa biyahe."

"Nandito naman po ako para tiyakin na maaalagaang mabuti si Ratchelle," anito at inakbayan siya.

"Alam ko naman ganyan ang mga tipo mo. Mga galing Maynila at mukhang sopistikada. Hindi ba ganyan ang mga naging girlfriend mo na bumibisita sa iyo sa isla?" tanong ni Mang Tonyo.

Pinalis niya ang kamay ni Orion at tinaasan ito ng kilay. "At hindi ko naman po type ang mga lalaking presko, babaero at mukhang hindi naliligo."

"Mabango ako, uy! Singhot ka ngang singhot sa bango ko habang nakayakap ka sa akin," wika ni Orion.

Inirapan niya si Orion at nakangiting tumingin kay Mang Tonyo. "May hinihintay pa po ba tayo? Baka kung anong oras na po tayo makarating ng isla." Apat na oras pa ang biyahe patungong isla kung walang aberya. Mag-a-alas dos na ng hapon. Ayaw niyang gabihin. Gusto na niyang makita ang magulang niya at si Vic-Vic.

"Sandali. Hindi ka pa kumakain."

Sumampa na siya sa rampa patungo sa bangka. "Wala na tayong oras. Saka hindi naman ako gutom."

"Maghanda na po tayong umalis," wika ni Orion.

Umupo agad siya malayo dito at saka yumukyok para magkunwang matutulog. Dini-discourage niya itong makipag-usap sa kanya. Kailangan niya ng enerhiya pagdating sa La Carmella. Ayaw na niyang sayangin pa iyon kay Orion.


*** 
Sa pupunta sa Manila International Book Fair simula September 11, pakikawayan naman po pag nakita ninyo ang book na ito sa booth. If makakakuha po kayo ng copy, mas masaya. Pero mas masaya if ka-join kayo sa pa-freebies and raffle.

I Live My Life For You (Available during Manila International Book Fair 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon