CHAPTER 9

129 9 0
                                    

Serving the Five Masters
Copyright © Diyanarah

Napamulat ako nang makapa ang kakaibang hugis sa may tainga ko, hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito sa damuhan, hindi ko rin naramdaman na inilagay ng kung sino man ang isang bluetooth headset sa tainga ko. I close my eyes several times.

"Are you okay?" napalingon ako sa may kanan ko at nakita ang maamong mukha ni Xavier habang nakatingin lang siya sa may ulap, agad akong bumangon. "Gusto sana kitang gisingin kaso mukhang maganda ang tulog mo kaya pinanood nalang kita" napatakip ako sa bibig ko, ghad! He just watch me sleep? Edi nakita na niya kung paano ako matulog, nakakahiya, "Don't feel shy about it" natawa siya, bumaba ang tingin niya sa may tuhod ko, nagasgas ito kaninang naglupasay ako sa sahig, bumangon narin siya at may kinuha sa kanyang bag, isang anti-biotic at bandaid.

"Hindi ba't sinabi ko sayong layuan niyo nalang ako" malumanay na saad ko, hindi niya ako pinakinggan, nilagyan niya ng antibiotic ang sugat ko, "Aw!"

"You so vulnerable, hindi mo deserve ang lahat ng nangyare sa iyo" nakangiting saad niya habang ginagamot ang sugat ko, hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanyang mukha, mas lalong nakita ang kanyang kagwapuhan ng dahil sa kanyang suot na bonnet, isa talaga siyang anghel."Kalimutan mo nalang ang lahat, isipin mong ito ang unang beses tayong nag kakilala" sumilay na naman ang napakaganda niyang ngiti at napatingin sa kalayuan.

Napakatahimik kasi dito kaya nanaisin kong dito tumambay, sariwang hangin rin ang malalanghap at isama mo narin ang malawak na lupaing punong puno ng damo, ang iba pa ay may mga bulaklak na nag papadagdag sa ganda. Humiga siya ulit sa damuhan at hinatak rin niya ako kaya tuloy sa braso niya nakapatong ang ulo ko ngayon, hindi ako makagalaw sa tuwing ginagawa niya ang mga ganitong bagay.

"Alam mo ba kung bakit gustong gusto kitang protektahan?" napatingin ako sa kanya kaso nanatili parin ang tingin niya sa ulap, "It's because I like you" saglitan akong natahimik nang lumingon ulit siya sa akin at agad na pumatong sa akin, marahan niyang hinawi ang kakaunting hibla na humaharang sa mukha ko,"I like your simple smile, your beauty, and everything about you, I just can't figure it if why I'm feeling this way"

"Xavier—" ipinatong niya ang kanyang hintuturo sa labi ko dahilan upang matahimik ako.

"Let me talk first" huminga siya ng malalim "Gusto kita Charlene, ikaw lang ang kauna-unahang babaeng nakakuha sa atensyon ko, sa ngayon hindi ko pa sigurado ang nararamdaman ko pero sana kapag dumating ang araw na sigurado na ako ay matutunan mo rin akong mahalin at tanggapin" is he confessing? What a dumb question, malamang sinasabi na niya ang katotohanan, parang napakaimposible naman, o baka nananaginip parin ako.

"Seryoso ka ba?" sa wakas nahanap ko na ang lakas kong tanungin siya.

"Hindi ka mahirap mahalin Charlene, just be yourself" dahan dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napapikit ako kaso nga lang biglang tumunog ang phone ko kaya naitulak ko siya at kinuha ang phone ko para sagutin kung sino man ang tumatawag.

"Hello Celine? Bakit ka napatawag?"

"Tulungan mo akong bitbitin yung mga props sa may room 104, please I need it right now"

"Okay sige, papunta na ako"

"Thank you so much bessy"

Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay Xavier, halos takbuhin ko na para lang marating ang room 104, pagkarating ko doon ay nadatnan ko si Alissa na abala rin sa pag-aayos ng mga props. Napakahaba ng nguso niay na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa.

Serving The Five MastersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang