Chapter 5

8 1 0
                                    

"WHAT song was that?" Nagulat siya sa lalaking bigla bigla na lang sumusulpot sa harap niya. At hayon na naman ang puso niya at agad na nakilala ang lalaking bagong dating at hindi na naman maawat ang pagdalogdog nito para sa lalaking ito.

Sa tanang buhay niya ay hindi niya inaakalang mangyayari ito sa kanya dahil napakaimpossibleng mapansin siya nito pero heto ito ngayon at kinakausap siya na parang natural na dito ang gawaing iyon. Hindi talaga siya makapaniwala na parang isa lang itong parte ng napakagandang panaginip.

"Febe?" tawag ni Jamie sa kanya.

"Hmm?" Pero wala lutang pa din ang utak niya lalo na't paulit-ulit nitong tinatawag ang palayaw niya na may konting lambing pa sa boses nito.
Heaven mah men!

"I was asking kung anong title nung kantang kinanta mo kanina?"

"Ah, 'yon? Ano...ahm...bagong compose ko 'yon. Pangit noh?" Nahihiyang sagot niya dito. Kakacompose lang kasi niya sa kantang iyon at aminado siyang hindi pa talaga iyon ganun kalinis na piyesa.

"No, it was actually good. Thinking na bagong compose mo lang iyon ibig sabihin..."

Hindi na niya maintindihan pa ang mga pinagsasabi nito at tanging napatulala na lang siya at napapatitig sa kagwapohan ng lalaking nasa harap niya ngayon. Lalong-lalo na sa kung paano ito magsalita. At kung paano gumalaw ang perpektong guhit ng mapupulang labi nito na kahit na sa tingin lang ay halatang ang lambot nito lalo na siguro pagnakadaupa na ng mapagpala niyang labi ang mga labi nito. Shocks! I'm so kilig!

At dahil sa pagpapantasya niya dito ay hindi na niya napansin ang ginagawa ng kanyang katawan. Palapit na pala ng palapit ang mukha niya sa mukha nito. Palapit ng palapit ng palapit ng pala—

"Malabo na din ba ang mga mata mo, Febe?" Iwinagayway pa ang kamay nito sa harap niya dahilan para mataohan siya at matapos na ang pagde-daydream niya dito. Pero...Huh? Ano daw!? Siya? Malabo ang mata?

At parang nabasa naman nito ang nagugulohan niyang isip kaya nagsalita itong muli.

"I just thought na malabo na din siguro mga mata mo kasi inilapit mo na nang husto ang mukha mo sa mukha ko. Ganyan din kasi ako minsan. Anong grade na ba ang mga mata mo?" Nagugulohan pa din siya sa mga pinagsasabi nito. Ano daw? Grade? Jusme! Andami ko ng problema sa grades pati ba naman grade sa mata proproblemahin ko na din?!

"Huh?"

"Sabi ko gaano na ba ka labo ang mga mata mo? Kasi ako 250 na both eyes. What about yours?" Aaaah, yun! Napapalatak na lang siya sa isip ng maintindihan ang ibig nitong sabihin. Jusko po nabobo bigla ang brain cells ko! Tama nga ang sabi nila dito na minsan ay may pagka slow daw talaga ang isang 'to!

But don't you worry, oh aking irog! Dahil hindi mo kailangan ng sense of humor. Madami ako nun, I have enough sense of humor for the both us!
Ako na ang bahalang magpatawa at tumawa para sa 'ting dalawa. Ganyan ako pinagpala sa pagiging talented! Multi-tasking!

Doon lang din niya napagtanto kung gaanong nakakahiya ang binabalak niyang gawin dito kanina. At hindi niya akalain na dahil sa kanyang kamanyakan ay binalak niyang dungisan ang napaka dalisay na budhi na isang anghel na ito!

Oh! Blessed me, Father! For I have sinned!

"Ah, oo. 250 din—'ata! Nakalimutan ko kasi 'yong contact lenses ko, pasensya na." Kunwari totoo. "Pero okay lang ako." Palusot pa niya sa katangahang ginawa.

"Okay lang. Sabi ko na eh pareho tayo. Ang galing ko namang kumilatis ng tao!" Napangiwi na lang siya sa sinabi nito. Dahil proud na proud pang wika nito na animo'y isang bata na nakakuha ng 100 na marka sa exam at ipinagmayabang iyon sa harap ng nanay nito. How can a guy be this innocent? Hindi ito mareach ng pagiging balahura niya. Hay!

THE FAIRY BAND SERIES #1: FEBE - I hate you then again, I love you!Where stories live. Discover now