CHAPTER ONE

655 7 0
                                    


"ATE FIA nasaan kana ba? Kanina ka pa dapat nandito, kasama mo ba si Marty?" si Mylene iyon ang nakababata at bunso niyang kapatid.

She cleared her throat, para kasing walang salitang lalabas kapag hindi niya ginawa iyon. Nasa kabilang linya ang kapatid niya at nag aalala na marahil ito. Kanina pa siya dapat nakadating sa kanila, pero umaayon yata ang mga pangyayari.

Well kung siya ang masusunod ay ayaw niyang umuwi. Nadelay ang flight niya at ang rented car na gamit niya from airport ay tumirik pa. Pinatow pa ito and had to go to the nearest car shop. Ilang oras bago ito nagawa.

Ngayon ay maghahating gabi na at banayad lang ang pagpapatakbo niya sa takot na baka tumirik ulit ang sasakyan. Umuulan kaya mabagal lang ang takbo niya kahit kabisado niya ang daan ng San Martin. Anyway hindi siya nagmamadali.

"Yes hello Mylene, nasiraan kasi ako sa daan. No, mag isa lang ako."

"Ayaw mo kasing magpasundo."

"Okay lang, in a few minutes ay nariyan na ako."

"Ate sorry, hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Sayo lang daw makikipag usap si Drew. Ayaw niyang tanggapin ang tsekeng ipinadala mo" bakas sa tinig ng kapatid ang pag aalala.

She let out a sigh.

"Don't worry My, pangako aayusin ko ito" she ended the call and continue driving.

She almost turned the car around nang matanaw niya ang arko ng Hacienda Alonzo. Drew

Ipinilig niya ang ulo upang itaboy ang anumang gustong gumitaw doon. Nang makalampas doon ay saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag.

Ilang sandali pa ay papasok na siya sa Esperanza Farm. Ang maliit nilang farm na ipinangalan ng kanilang ama sa kanilang ina. Nag init ang sulok ng kanyang mga mata. Kung sanay buo pa ang pamilya nila.

Ang ama nilang si Norman ay may iba ng pamilya sa Saudi. At si Esperanza ngayon ay nasa wheelchair, hindi tiyak kung makakalakad pang muli dahil sa tinamong pinsala ng maaksidente ito nang matuklasan ang pagtataksil ni Norman.

Bukas ang ilaw sa farmhouse. Bumaba siya ng kotse at sinalubong ang mabining hanging panggabi. She filled her lungs with clean air and headed towards the door.

May bitbit siyang isang maliit na maleta. Wala siyang balak magtagal. Mahaba na siguro ang isang linggo para ayusin ang dapat ayusin.

Mahina na lang ang ulan, pero ilang hakbang pa papuntang main door kaya nabasa pa rin siya. It's January kaya malamig ang panahon. Sanay naman siya sa malamig na klima, four years in New York made it so.

Pero ang lamig na nararamdaman niya ngayon ay hindi dahil sa klima. Kung anuman ang sanhi niyon ay ayaw niyang bigyan ng pansin.

Ngayon siya nagsisisi dahil hindi siya nagdala ng jacket. Her short sleeved knitted white blouse and designer labels black jeans couldn't hide her from the cold. Nagpapasalamat na lamang siya at nagsuot siya ng rubber shoes.

Akma siyang kakatok ng biglang bumukas ang pinto. Ang ngiti niya ay parang bulang hinipan ng hangin. She met cold brown eyes. Kasing lamig ng panahon ang mga matang iyon. It was seconds before she managed to speak.

"Drew..."

"Welcome back Fia" napangiwi siya. Not only those brown eyes even his voice is as cold as ice. Welcome nga ba siya dito?

"Thanks!" tipid niyang sagot. Nilinga niya ang buong bahay. Wala pa ring nabago. Parang kahapon lamang. Sinaway niya ang sarili. Walang saysay na balikan niya ang kahapon, ang mahalaga ay ang ngayon.

I'll Never Let You GoWhere stories live. Discover now