-9-

127 1 0
                                    

"Lola!" Masigla kong bati sa kanya. Namiss ko siya ng sobra, grabe. Tumakbo agad ako sa kanya at hinagkan siya. Likod palang niya kilalang-kilala ko na.

Humarap siya sa akin at sinalubong ang yakap ko. "Namiss ko kayo." Sabi ko pero hinampas niya lang ako nang mahina. Pumunta daw ako ng office kasi pinapatawag daw ako ni sir - ehem - Chase, 'yun pala bumisita si Mammi.

"Sabi ko sa 'yo 'di ba? Mammi itawag mo sa'kin. Pangmatanda masyado ang Lola. Kalerkey!" Oh, 'di ba? Bagets na bagets si Mammi!

"Edi para ka nang bulalo. Maming bulalo!" Pang-aasar ko pero hinampas niya ulit ako. Nagpout ako, pero hinampas niya rin ang nguso ko at tinawanan ako. Medyo brutal si Mammi, sarreh! Pero kahit ganyan 'yan kung magmahal naman sagad.

Kinuha niya agad ang necklace ko. "Nagcrack na." Sambit niya tsaka nagpout. Ang kyut ni Mammi kahit may edad na. May kinuha siya sa bag niya at isang necklace pa rin. Pero iba na ang itsura. May moonstone pa rin siya pero may nakapalibot na silver circle. Ang ganda talaga ng moonstone. Sinuot niya ito sa akin.

"Ang ganda Mammi! Thank you." Sabi ko sa kanya.

Sandali lang kaming nagkasama ni Mammi kasi may training ako ngayon tapos uuwi na rin pala siya. Pagkarating ko roon, as usual, una na naman sa akin si Freya. Pero this time, pagkapasok ko palang, isang ice shuriken na ang bumati sa akin. Buti nalang talaga at nakailag agad ako.

Lagi nalang ganito kapag training namin, pagkarating na pagkarating ko isang atake ang bubungad sa akin. Tsk. Hindi pa ako nasanay. Umiling ako; pero isa na namang shuriken ang muntik na tumama sa akin.

"Keep your head in the game, Fria." 'Yan na naman po siya..

Bumato ulit siya sa akin ng shuriken pero this time sinalubong ko yun ng arrow na gawa sa apoy.

Ako naman ang gumawa ng opensa at pinaulanan siya ng fire arrows. Pero nagawa niyang iblock ito gamit ang pagharang ng yelo. Bigla siyang lumipad mula sa likod ng yelo at nagpakawala ng arrow na nagyeyelo. Tumakbo ako pakaliwa para iwasan 'yun at nagpakawala ng fire balls.

Tumakbo siya papunta sa akin habang iniiwasan ang mga tira ko. Para talaga siyang ninja. Kaya nga mas nahahasa ako sa combat, sparring at weaponry dahil sa kanya. Gumawa siya ng kunai kaya tinigil ko ang 'pag babato ng fire balls. Gumawa ako ng katana at sinugod din siya. Nang magkaharap kami, agad na nagtama ang katana ko at kunai niya. Dalawang kunai ang hawak niya samantalang ako, nag-iisang katana lang.

Nabitawan niya ang isang kunai kaya agad kong ninakaw ang kamay niya at pinindot ang isang pressure point. Nagulat pa siya pero patuloy ang pagtatama ng mga sandata namin gamit lang niya ang isang kamay niya. Pero shortly after, nagamit niya rin ang kamay niya. Umatras siya ng isang metro at nagpakawala ng isang sphere. Agad ko naman iyong hinati gamit ang katana ko. Pero may kasunod pala na blade ang sphere niya kaya nabitawan ko ang espada ko.

Itinapak niya paa niya sa lupa at gumapang ang yelo papunta sa akin. Agad akong nagpakawala ng isang linya ng apoy sa dinadaanan ng yelo kaya nahati ito at natunaw. Umilag siya pero it cost her a burn in the arm. Hindi naman siya malala pero mahapdi. Nag-alala ako at medyo nawala ang concentration ko kaya ginamit niya ang pagkakataong iyon para magpalipad ng isang blade at nagapi nito ang pisngi ko. Tumulo ang dugo pero ininda ko.

"I told you, keep your head in the game. Don't ever let your enemy see weakness." Sabi niya sabay ng pagbato ng isang kunai sa uluhan ko. Ganito siya kung magturo; brutal kung brutal. 'Yung kung magturo siya, "learn from your mistakes" daw.

Napa-squat ako para maiwasan ang kunai tsaka nagrelease ng isang boomerang sa paanan niya pero tumalon lang siya at nagbato ng enerhiya. Gumawa ako ng shield pero tumalsik pa rin ako.

Fria: UntoldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora