Chapter 3

14 1 0
                                    

[Phoebee]

By the way nakalimutan kong sabihin sa inyo na matagal na akong may Crush kay Dale. Since our freshmen days gusto ko na siya.

*Flashback*

Nandito kami ngayon sa basketball court kasama ang dalawabkongbaibigang si Jill at si Laine, para magpahangin sandali. Tutal vacant time naman namin kaya we're free to go wherever we want.

"Frenny, ang laki ng DCU noh." Sabi ni Laine

"Yeah, Saka mukhang magand naman ang educational system nila dito."

"Saka tingin ko maraming pogi dito" Saad ni Jill parang kinikilig pa.

"Hay nako ikaw talaga puro lalaki iniisip mo" We all laughed

"Tara na, balik na tayo sa classroom, para makapag review pa tayo para sa susunod a subject."

I fixed my things na at tumayo na ako.

Bago pa man ako makalakad ay may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

Bahagya akong nahilo dahil dito. Nakita ko ang bola ng basketball na nakatama saakin.

"Frenny okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng mga kaibigan ko

Tumango ako at pinulot ko ito at humarap sa basketball court.

"Anak ng tokwa naman mga kuya! Dapat nagiingat din kayo diba!!"Inis na sigaw ko sa kanila

"Sorry Miss, hindi namin sinasadya," sabi nung isang lalaki

" Ede san nagingat kayo?!"

"What's happening here,"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ng lalaking nagsalita. His voice was cold. Nang tingnan ko siya my jaw dropped. Ang guwapo nyaaaa!!!

His eyes were black. His nose were perfectly formed. His face was perfectly shaped that suits his jetblack hair.

"Kasi Dale natamaan namin sya ng bola kanina."

Hindi ako nakapagsalita, I'm out of words. Ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ang matipunong lalaking nasa harap ko.

"Miss, ako na ng humihingi ng tawad para sa nagawa nila. Sa susunod magiingat ka, tingnan mo kung nang pupuwestuhan mo ang alanganin ba o hindi. Kung may masakit sayo bukas ang clinic. Second Floor ng Pagcor building." Walang emosyong sabi nya.

Tumalikod siya saamin.

"Gusto mo b dalhin ka namin sa clinic?" Tanong ni Jill

Umiling ako at na una ng maglakad sa kanila.

*End of Flashback*

Tumayo si Dale sa gitna ng cafeteria.

"May I have your attention please?"

Tumigil ang lahat sa pagkain at tumingin kay Dale.

"This is Ralph Bryan Montero, my cousin. Transferee sya dito sa DCU. I want you to treat him like how you treat me."

Wait, magpinsan sila? So it means that... lagi kaming magkikita ng Nerdy Boy na ito. Humanda ka Nerdy boy, pagaayaran mo ang ginawa mo sakin. I'll make your life a living hell. Bwahahaha

"Nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango silang lahat sa sinabi ni Dale.
Nakita kong naglakad palapit sa table namin sila Dale kasama ang Nerd a lalaking yun.

"Hi Dale," I greeted him

"Hi Leona," bati nya pabalik saakin

I don't know why pero iba ang kilig na dulot sakin ng pagtawag nya saakin gamit ang second name ko.

"Hi my sweetie pie honey bunch," Bati ni Nathan kay Jill. Kitang kita ang pamumula ng mukha ni Jill dahil sa sinabi ni Nathan.

By the way kaya sila ganyan eh kasi may relasyon silang dalawa.

"Ano ba naman yan Nathan, ang baho naman ng tawagan nyo!" Pang-aasar ni Andrei kay Nathan.

"Buti pa kami ni Laine my loves..." Lumapit siya lay Laine at inakbayan ito.

"Mangilabot ka nga sa sinasabi mo!" Tinangal ni Laine ang pagkaka-akbay ni Andrei sa kanya

Nagtawanan kaming lahat.

"By the way this is Ralph, my cousin." Pagpakilala ni Dale sa lalaki nerd na nasa tabi nya

"Ralph this is my friends, Phoebee Leona, Lyka Maine and Jeanne Camille." Pinakilla nya kami.

"Hi Ralph, you can call me Jill." Inilahad ni Jill ang kamay nya para sa isang shake hands.

"Lyka Maine, you can call me Laine." Nakipagshakehands din si Laine dito.

"Phoebee." Simpleng pagpapakilala ko sa sarili ko at ngumiti ng pilit.

Umupo na sila sa upuan nd we started to eat.

Madaming bagay ang tinatanong ng mga kaibigan ko sa nerd na toh. Tinatanong nila kung kailan siya ipinanganak, saan nakatira at iba pa. Daig pa ang Talkshow sa TV sa pagiinterview.

While there are all busy sa Nerd na ito ay ako naman ay tahimik lang. Nagiisip ng paraan kung paano ko magagantihan ang impaktong nerd na ito.

There's a naughty thing comes into my mind. Let's see kung hindi pa siya magtanda nito.

Tumayo ako at nagpunta sa counter at umorder ng juice para saamin. Nilagyan ko ng sandamakmak na asin ang juice ng impaktong nerd na iyon.

Bumalik ako sa table namin at binigyan sila ng juice. Syempre binigay ko sa nerd na yun ng juice na may asin.

"Welcome drink for Ralph." I said at itinaas ang baso ko.

Nakita kong uminom siya. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Hinintay ko na ibuga nya ang juice dahil sa sobrang alat. Pero nadismaya ako nang hindi ko makita ang reaksyong inaasahan ko.

"This is.... delicious," Ngumingiti  siya at uminom ulit.

What the hell?!!!

Bakit siya nasarapan? Dapat ibinuga nya na yan! Nakakainis! Sigurado  akong tinitiis nya lang ang lasa. Maya maya pag di na nya  matiis ibubuga nya rin yan HAHAHAHAH!!

Uminom ako sa juice ko. Naibuga ko ang iniinom ko.

ANG ALATTTT!!

"Phoebee, okay ka lang?May problema ba?" Tanong saakin ni Jill.

Pilit kong nilunok ang maalat na juice. Punyemas naman!!

"H-hmm? Oo okay lang ako." Pilit akong ngumiti.

Napatingin ako sa nerd na lalaking nasa harap ko. Nakita kong nakangisi siya. WTH?! Anong nginingiti ng nerd na ito?!

Binigyan ko siya ng What-is-your-problem look. Bwisit na toh!

Paano napunta saakin ng juice na dapat ay sakanya. Pinilit kong alalahanin kung paano kmi nagkapalit. Nasapo ko ang noo ko nung naalala ko na.

Nabaliktad ko ang pagbuhat ng tray nung dinala ko na papunta sa table namin.

Tumingin ako sa nerd na nasa harap ko. Tumingin siya pabalik sa akin at ngumisi.

Arggghh!iniinis talaga ako ng nerd na toh!!!!

MY BOYFRIEND is a NERDWhere stories live. Discover now