Hindi mo malalaman ang lasa
Kung ito ba'y matamis ang bunga
O maasim na pagkakakuha
Tulad ng buhay na iyong natatamasaMatamis parang masaya
Perpektong buhay ay nadarama
Nandyan ang ina at ama
Kasama ang mga kapatid na gagabayan kaMaasim kung ika'y malungkot
Ang iyong tadhanay pinagdadamot
May mga taong sila ang may dulot
Ng mga sakit at pootNgunit walang perpekto sa mundo
Bunga ng iyong gawa ang ang matatamo
Kaya habang maaga pa ay magsikap tayo
Para hindi natin maranasan itoKaya wag tayo magmalinis
At Huwag ilihis
Ang landas na kung ang Diyos ay may nais
Katulad ng Lansones na ang tingin mo ay hindi malinis
YOU ARE READING
Lansones
PoetryKung hindi mo susubukan hindi mo malalaman kung ano ang kahihinatnan