00

3 1 0
                                    

Akala ko nagseselos ako kasi best friend mo ako.

Akala ko nagalit ako kasi nasanay akong ako iyong kasama mo.

Akala ko nagtatampo ako kasi nasanay lang akong ako iyong palaging inuuna mo.

Akala ko nasasaktan ako kasi kahit papaano may pinagsamahan tayo.

Ang dami ko palang inakala. Hindi ko napansin na sa bawat araw na magkasama tayo ay nahuhulog na pala ako sa iyo.

Hindi ko napansin na hindi pala ibang tao iyong gusto ko, ikaw pala iyong gusto ko.

Ano Nga Ba Tayo?Where stories live. Discover now