01

1 1 0
                                    

Nakasandal ako kay Seth habang pinaglalaruan ang daliri ng kaliwang kamay niyang nakaakbay sa akin. We're talking about random stuffs and annoy each other while waiting for our friends here inside their classroom. Their classroom serves as our meeting place  pag uwian na kasi. Dito kami nagkikita-kita para sabay-sabay kaming umalis ng school at gumala bago umuwi. Nauna kasi akong pumunta ngayon dito, napaaga kasi ang class dismissal namin sa araw na ito. We came from different classes kaya kung sino iyong nauuna, magtitiyaga talagang maghintay.

Iilan na lang rin ang natirang kaklase ni Seth dito sa loob ng classroom nila. Maaga din kasi ang kanilang dismissal and today is fly day! What to expect? Students favorite day among class days. Naging maingay nalang talaga ang kwartong ito kasi ang lalaki't lalakas naman kasi ng mga boses namin nitong kapreng ito.

"Bakit kaya ang pandak mo? Is it due to a genetical disorder or just what?" He asked in a way that is so concerned and analytical. Walanghiya talaga ito e! Pagdidiskatihan nga naman ang height kong kinulang. Ugh he's so mean. Hinila ko nga iyong mahahabang balahibo sa braso niya at inunat ng todo.

"What? I am just trying to think why, you see?" Di na naituloy nito ang sasabihin pa ng hinampas ko ito ng bag ko. "Ang sakit nun ah!" Hiyaw niya, hinahaplos ang ulong tinamaan. Kulang pa iyan ugok kaaaaaa.

Sinabunutan ko siya dahil sa inis. "Alam mo bang sobrang nanggigil na ako sa iyo? Huh, seth? Bwesit kang lalaki ka! I know na pandak ako, h'wag ng paulit-ulit ipamukha. Pintasan mo ako, huwag na huwag mo lang pakialaman itong tangkad ko." Hinila ko nang hinila iyong mga buhok niya kaya hiyaw naman siya ng hiyaw. Lalagasin ko talaga itong mga buhok mo at di ka titigilan pag hindi maging panot! "Ano naman kung pandak ako? Atleast cute! Hindi katulad mong walis tingting at napakapangit paaaaa. Ang sarap mong pagbabali-baliin at i-flash sa inidoro!" Sigaw ko. Nahawakan nito ang maliliit kong kamay at napigilan. Kaya lalo pa akong nainis nang minabuti nitong makawala mula sa mga kamay ko at nakatakbo palayo.

"Huwag ka ngang tumakbo. Mongol!" Tinawan lang niya ako. Ang sarap batuhin ng bangko ang pagmumukha. Nakakabwesit! Talent na talaga nitong asarin ako. At ako naman itong si pikon hayy palagi nalang talaga akong talo. He really know how to get into my nerves!

"Easy bunso. Pikon mo masyado." Then he laughed his ass out. Naiiyak na ako rito sa asar sakaniya. Hinahabol ko upang masapak pero di ko nahuhuli, di rin naman nasasapol kapag binabato. Magaling!

Napagod na ako sa kakahabol kaya tumigil na ako at umupo. Nanahimik ako at di siya pinapansin. "Don't talk to me and don't come near me. Hindi tayo bati." I snorted seeing him coming towards me. I make face, roll my eyes and also crossed my arms to show to him that I am irritated and not interested to participate with his silliness.

Pero constant nga naman kasi ang katigasan ng utak niya, lumapit pa rin siya.

"Sorry na bunso." He's smiling widely. Here's that boyish smile again. Pero di pa rin ako nagpatinag at nanitiling iritado ang ekspresiyon ng mukha. "Whoiiii" He's poking my arm and trying to look cute. Duh immune na ako, kahit pa gaano ka ka-cute tukmol. "Kilala ba kita?" I said as I peel his hands off in my head then stare at him from his head to toe.

Seth saddened his expression looking so pained. Ang overacting talaga! "Ang drama naman. Di bagay." Irap ko. Taking advantage, I hit him with my bag again and he didn't avoid it. Mabuti naman but damn he look so submissive. Ang gwapo sa paningin! Nang ma-satisfy na ako ay saka ko lang tinigilan kakahampas sakaniya. Namumula na rin kasi iyong kanang pisngi, tenga at braso niyang natatamaan.

"Bati na tayo?" He groaned.

"Ofcourse!" I smile widely looking so satisfied. Napailing nalang ito at ginulo ang buhok ko ng makalapit sa akin. Messing my hair is really his habit. Ang hirap pa namang suklayin itong buhok ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ano Nga Ba Tayo?Where stories live. Discover now