"NANLALABO"

20 1 0
                                    

Nanlalabo na ang pag-iibigang binuo.
Pagmamatamisa'y unti-unting naglalaho.
Trato niya sa iyo'y nagbabago.
Kasing lamig nang simoy ng hangin kung siya'y manlamig.
Ayaw niya nang sumandal sa 'yong bisig.
Di niya na, nais pakinggan ang 'yong tinig.
Nanlalabo na ang kayo.
Paano pa ba magiging malinaw?
Kung ang iniibig niya'y hindi na ikaw...

@KRISTA

DAKRISPOETRIES Where stories live. Discover now