Zeus [4]

11.7K 230 9
                                    

4.

Dahan dahan kong in-enter ang passcode ni Zeus, gabi na kasi ng makauwi ako. After kasi namin kumain, nagpunta pa kami ng Mall para bumili ng gown para kay Ely. Aba, may parang Mini-get together daw sila ng dati niyang mga ka-banda. Singer kasi itong si Ely nong 2nd year kami, ibang school pa siya non eh.

"Hala, bakit mali?" Nagtatakang tanong ko sa sarili ko, Ang passcode kasi ni Zeus ay '1234'. Binago niya kasi minsan ko naring nakalimutan ko ito, ang hirap kaya magkabisa ng numero na halo-halo.

I tried what I think it is. Pero wala, nagblack ang screen at nakalagay roon ay 'Incorrect'. If I am not mistaken sa ibang mga cellphone, P.U.K ang tawag rito. Tama ba?

"Bak---Ayy!" Nagulat ako sa pagbukas ng pinto, gising pa si Zeus? May hawak itong beer, at halatang hindi pa ito natutulog. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko sa kalye ako matutulog eh. Buti nalang at pinagbuksan ako ni Zeus.

Napatingin ako sakanya, ngunit napaiwas agad ako ng tingin ng makita ko ang talim ng kanyang pagtingin saakin. Nakakatakot, dahil hindi ko maintindihan kung galit ba siya o sadyang puyat siya. Iisa lang ang nasisigurado ko, at yun ay siya ay lasing.

Napakagat ako sa labi ko ng hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya I slowly entered the condo. Isisiksik ko na sana ang katawan ko sa gilid dahil nakaharang siya ng bigla niya akong hatakin at iharap sakanya.

Nanlaki ang mata ko ng mariin niyang pinaglapit ang mga labi namin. He is kissing me! I blinked twice, akala ko nagiimahinasyon lang ako ngunit hindi. Totoo nga na ako'y hinahalikan niya, at hindi ko alam bakit mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso.

"Why are you late?" Parang walang nangyaring paghahalikan saamin niyang tanong, I looked at him. He looks wasted, bakit siya maglalasing?

"I went to my bestfriend's house." Kaswal kong sagot, dahilan narin sa gulat dahil sa paghalik niya saakin. Magsasalita pa sana siya ng naglakad na ako papasok sa aking kwarto, at agad itong nilock.

Napaupo ako sa lapag matapos kong ilock ang pinto, napahawak naman ako sa aking dibdib ng makarinig ako ng malakas na kabog ng pinto. Naniniwala akong si Zeus iyon, kumakatok siya sa aking kwarto. Ngunit bakit?

Tinakpan ko ang aking mga tenga, upang hindi marinig ang mga sigaw niya. Alam kong galit na galit siya, alam kong naiinis siya. Ayaw na ayaw niyang tinatalikuran at sinasaraduhan siya ng pinto.

Minsan ko narin itong nagawa sakanya, at tila hindi nga niya nagustuhan iyon.

Nang-tumigil ang kabog ng pinto, unti unti kong tinanggal ang pagkatakip ko sa aking mga tenga. Then I heard him talk, but this time. Kalmado siya.

"Please, open the door. Juliana, please. Talk to me." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko siyang sabihin ang aking pangalan, hindi man ito ang una ngunit kakaiba ang aking nadarama ng banggitin niya ito ngayon.

Patuloy siyang nagsasalita, at patuloy ko rin siyang pinapakinggan. Ayokong magsalita, dahil hindi ako sigurado saaking nararamdaman. Hindi ko alam bakit ko ito nararamdaman, hindi ito ang unang beses sapagkat naramdaman ko na ito sa mga past boyfriends ko.

Hindi ko lang labis maisip, Bakit kakaiba ang pagtibok ng puso ko? Kakaiba ang lahat ng nadarama ko, Bakit iba....pagdating kay Zeus, kakaiba.

Patayo na sana ako upang idaan nalang sa tulog ang aking mga iniisip ng magsalita muli siya na nagpatigil saakin, pati narin sa puso ko. "I Love You." Totoo nga ba ang narinig ko?

Mahal niya ako? He loves me? Klaro at malinaw iyon, mahal niya raw ako. Totoo nga ba? Sana oo, kasi feel ko. Nahuhulog muli ako, nahuhulog muli sa isang tao na hindi ko alam kung handa nga ba akong saluhin.

"I Love You.....Katniss." Hindi ko alam ngunit, bigla lamang nabasa ang aking pisnge. Doon ko nalang nalaman na, umiiyak ako. I am crying for a man, who I thought meant the words he said for me.

I am crying not just because, I thought of that but because after he said that. Everything just changed, so does my feelings. From nothing to something.

I am crying because....I fall inlove again, but sadly to someone who can't love me.

"Nahulog nanaman muli ako sa maling tao." Bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula saaking mga mata.

Imbis na humiga sa kama ay, dumiretso ako sa terrace ng kwarto ko. Tinignan ko ang mga nagiilaw na mga buildings kahit pa'y gabi na. Patuloy lamang sa pagtulo ang mga luha ko, nakakatawa naman. Wala pang isang taon ang pagsasama naming dalawa ngunit ito ako, nahulog na agad.

Napatawa ako, marupok nga talaga ako. Madaling mahulog sa mga tao, Mahirap bang mahalin ako pabalik?

Shit. I cursed mentally, bakit sa isang taong hindi pa makamove on sa first heartbreak niya? Katniss Swift, pangalan palang ay kakaiba na. I grab my phone and researched something about her.

Napakagat ako sa labi ko. Compared to me? I am nothing. Iba ang mukha nito saakin, sobrang ganda niya. At balibalitang isa ito sa pinakamayamang mga model, She has the curves. No wonder kung bakit nanghihinayang si Zeus ng mawala ito sakanya.

Maputi, Sexy, Matangos ang ilong, Maganda, Lahat na halos ay nasaka-kanya. Eh ako? Hindi kaputian, hindi rin naman maitim. Mataba, malaki ang legs at may bilbil tuwing uupo. Hindi gaanong pangit, hindi naman pango ang ilong ko. Ngunit hindi rin ito gaanong matanong kumpara kay Katniss.

Ni-close tab ko lahat ng niresearch ko sakanya, pictures palang nahiya na ang buong pagkatao ko. Babasahin ko pa ba ang tungkol sa buhay niya?

I let out a sigh, and decided to sleep. Ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng marinig ko ang pagvibrate ng aking cellphone. Binuksan ko ang message at tila nasabugan ako ng Goodbye Philippines sa gulat.

From: Terrence

'I miss you, J.'

Terrence, is my Ex. We broke up for like, 5 months already. But this guy, Is the first guy who made me feel special in his and in other's eyes.

--

At dahil hindi ako pumasok ngayong araw, dahil pwede naman. Sportsfest lang kasi ng Highschool department, which is us. Ngayong araw, nakakatamad maglaro sa araw. Chos, kakatapos lang kasi ng United Nations namin tas may pasok pa. Sembreak narin eh, mwehehe.

Ohemgee, Sino si Terrence?

Here's an update. Leave a comment?

Try to read my story, 'One Sided Love' Complete na po yan at kakapublish ko palang ng Book 2 which is 'Shattered Heart of Mistakes'.

Loving An Esqueza (AMTMB FAN FIC)Where stories live. Discover now