Chapter 9

33 0 0
                                    

CHAPTER 9

Kinabukasan.

''Sa Miyerkules na tol.'' sagot ko kay Gab.

''Okay so yun lang gagawin namin? Kaya yan nanjan naman ang vowels eh'' tinutukoy niya sina A,E,I,O at U.

Sinabi ko na sakanila yung plan ko para sa monthsary namin ni Michy. Syempre pinaghahandaan ko na. Gusto kong ipakita at iparamdam kay Michy kung gaano ko siya kamahal. Kahit araw araw ko pa siyang isurprise!

Pumayag na sila at inayos na ang lahat. Natutuwa ako sa tropa ko dahil kasama ko sila lagi sa lahat ng surpresa ko para kay Michy. Tunay na maaasahan tong mga to.

''Salamat mga tol!'' sabi ko sakanila. Tumango nalang sila at nginitian ako.

Inayos ko na lahat lahat para sa Wednesday wala nakong masyadong poproblemahin. Naeexcite nako.

Lunch Break na at nandito ako ngayon sa canteen at hinihintay si Michy. Papunta na daw siya. Naisipan kong kunin yung notes ko, may quiz kasi kami sa isa naming subject ngayon.

Napansin kong may nakalabas na papel sa notebook ko. Nagtaka ako at kinuha ko iyon. Isang panibagong note nanaman?

''Kanino kaya galing to?'' tanong ko sa sarili ko, tinignan ko yung papel at binasa kung anong nakasulat.

''MAMIMISS KITA'' hah? Nagtaka ako sa nakasulat. Ano nanaman to? Sino kaya naglagay neto? Ang gulo ng mga nakasulat. Nagulat ako ng biglang may nagtakip ng mata ko.

''Hulaan mo kung sino ako'' patawang pagkakasabi niya. Kahit naman di ko hulaan alam kong siya yun. Yung amoy palang nya alam ko na. Pabango nya ako bumibili. Pati yung kamay nya na lagi kong hawak alam ko.

''Mahal naman. Kilalang-kilala na kita.'' tapos tinanggal nya yung mga kamay nyang tumakip sa mata ko. Umupo siya sa tabi ko at nginitian ako.

Ang ganda talaga ng Girlfriend ko.

Tinago ko na ung note na nakuha ko sa bag. Baka kasi makita ni Michy.

Kumain na kami ng lunch ni Michy, Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Paminsan-minsan sinusubuan ko siya. Tapos siya naman nagpipicture picture kaya kailangan nakangiti ako lagi kaso magaling siya magpicture. Ang dami kong stolen shots.

''Mahal malapit na yung tour natin.'' sabi niya sakin habang nakasandal siya sa braso ko at tinitignan mga pictures namin sa phone niya.

''November pa yun mahal. Matagal pa.'' sabi ko sakanya habang nilalaro ko yung kamay niya.

Humarap sya sakin ''Kahit na. Mabilis lang yung 4 months mahal eh.'' sinabi niya iyon ng nakasimangot.

''Oo na mahal.'' tapos nag ngitian lang kami.

Di ko alam kung bakit nag iiba yung mood nya pag pinag uusapan namin yung about sa tour. First time niya siguro.

''Babye. See you!'' pagpapaalam nya sakin. Ayaw nya magpahatid sa room nya dahil baka daw malate ako at 4th Floor pa next room ko. Napaka understanding niya talaga.

Nung pauwi na tinext niya sakin na mauuna na siya dahil may tatapusin pa siyang project, umoo nalang ako dahil di naman din ako makaalis dahil may pasok pa ako. Tamang tama at madadaanan ko yung flower shop mamaya.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa Grace Flower shop para magpareserve ng isang bouquet ng pink roses para bukas. Tinext ko din sina Carlo at Gab para kamustahin yung pinagawa ko sakanila then umuwi na ako.Kumain at nagbihis nako pagkauwi ko tsaka humiga na rin. Medyo nakakapagod ang araw na to. Ang dami kong inasikaso. Kaagad din akong nakatulog. Nagising nalang ako bandang hating gabi ng maramdaman kong nagvivibrate yung phone ko. Tinignan ko at may nakita akong sobre sa taas ng screen. May nagtext? Ganitong oras? Inopen ko yung message..

HFMFAE (Completed)Where stories live. Discover now