Simula

3.6K 125 4
                                    

"Nasaan ang iyong ina?" paghahanap ni Haring Oscar kay Reynang Ysai. Pagkamulat niya wala na ito sa tabi niya na madalas ng mangyari.

"Nasa hardin,Ama.." tugon ni Prinsesa Khay.

Napabuga siya ng hangin. Inaagaw na ng pagtatanim nito ng mga halaman ang atensyon nito na dapat sa kanya lang.

"Mabuti na lang hindi ka napilit ng iyong ina na magtanim kung hindi mag-isa na lang ako kakain ulit sa hapag,"sabi niya.

Pinakatitigan niya ang prinsesa. Namana nito sa ina ang kagandahan nito. Angelic face but full of intimidacy. Seryoso at madalang lang ito mapangiti at dahil pa yun sa kakulitan ng Reyna. Nakikita talaga niya ang sarili sa prinsesa.

Hinihiling niya na sana ang lalaking itinakda rito ay kasingkulit ng Reyna para sa ganun makuha nito ang kiliti ng prinsesa gaya ng kung paanong napapangiti siya ng Reyna noon nasa mundo pa sila ng mga tao.

" Malapit na ang araw ng pagtawid mo sa mundo ng mga tao,mahal na prinsesa,"pukaw niya rito.

Humarap sa kanya ang prinsesa. Her eyes and the way she look. Siyang-siya.

Napangiti siya sa nakikita niyang ekspresyon mula sa prinsesa.

A beautiful girl version of him.

"Sa tingin niyo magugustuhan ko ang mundo na pinagmulan ni Ina?"

Agad na tumango siya. "Hindi man perpekto ang mundo ng mga tao tulad ng mundo natin sigurado naman ako magugustuhan mo roon. Lahat ng gusto mo gawin magagawa mo at higit sa lahat makakakilala ka ng mga tao sa iba't-ibang personalidad," aniya sabay ngiti ng maisip ang mahal niyang Reyna.

Tumango ang prinsesa.

"Palagi mong tatandaan..hindi rin lahat ng makikilala mo ay magugustuhan ka kaya gusto kong maging mapagkumbaba ka," habilin niya rito. Kilala niya ang prinsesa gaya ng kung paano kakilala niya ang sarili. Galit siya sa mga taong mapang-abuso at may maitim na budhi kaya nagiging malupit din siya noon at ayaw lamang niya mapahamak ang anak sa kamay ng mga tao kahit na ba kaya nitong ipagtanggol ang sarili.

"Huwag po kayong mag-alala sakin ni ina..mag-iingat po ako roon,ama.."pukaw nito sa kanya.

Puno ng tiwala na tumango siya sa prinsesa.

" Kinagagalak ko kayo makilala,mahal na prinsesa,"pagyukod sa kanya ng isang lalaki na may kulay brown na mata. Ang dating panginoon. Ikinuwento sa kanya ng Hari at Reyna ang malaking papel nito sa buhay ng magulang niya.

Ngumisi ito. "Babaeng bersyon ni Haring Oscar..ah,pasensya na,mahal na prinsesa,natutuwa lamang ako," agad na hingi nito ng dispensa ng makitang napakunot-nuo siya sa sinabi nitong babaeng bersyon siya ng hari.

Hindi naman iyun lingid sa kaalaman niya. Namana ang ugali ng Hari.

"Heto,mahal na prinsesa..nasa loob niyan ang lahat ng inyong kailangan habang naririto kayo sa mundo ng mga tao," pagbigay nito sa kanya ng parihabang kahon na kulay brown.

"Salamat," tipid niyang saad.

"Walang anuman,mahal na prinsesa.." muli pagyukod sa kanya ng dating panginoon.

TPOBWD Series 8: KHAY C. ALBERTO byCallmeAngge(COMPLETED)Where stories live. Discover now