Chapter 29 - Romantic Review 2

5K 120 8
                                    

Chapter 29 - Romantic Review 2

-SCHOOL FESTIVAL- 

(A Thousand Years >>)

"Galingan mo ah papanuorin ka namin noona! Aja!" Sabi ni Sehun habang may hawak na cap. Tumango ako sakanya kahit kinakabahan ako sa magiging resulta nung film namin. Alam nyo yun? Yung parang naiihing natatae lang. 

"Sabi nga pala ni Hyung baka bumili nalang sya ng pirated DVD ng film nyo haha--aray!" Reklamo ni Luhan ng batukan sya ni Sehun.

"Kinakabahan na nga inaaway mo pa, Suntukan nalang oh!" Hamon ni Sehun.

"Nako! Kayung dalawa talaga, pumasok nalang kayo sa loob hahaha! Baka nandyan na yun mamaya hintayin nalang naten." Sabi ko sakanya. Pumasok na sila pero naiwan muna ako saglit sa labas until the last minute. Wala parin sya. Marami sigurong tao ngayon sa restaurant. 

Nagsimula na ang Film Viewing. Huli yung samin, each film ay may 30 minutes na duration. Apat na sections ang nagparticipate pero bakit hanggang ngayon wala parin sya? Kainis tong haba babalu na to ah.

"Uhy wala pa sya?" Tanong ng kaklase kong nasa likuran ko. Lumilingon kase ako sa likuran e.

Umiling ako at ngumiti sakanya. "Baka busy eh, yaan mo na sya." 

Binalik ko ang tingin ko sa screen. Nagsimula na yung sa section namen. Ang daming nagbubulungan sa likuran namen kaya di ko alam kung maganda ba o talagang pangit to kaya sila nagbubulungan. Anyway, mga hawak kamay kami dito sa harap parang may alay-lakad hahahha!

"Mananalo tayo mananalo tayo.." Sabi ng katabi ko. Class president naming mukang nago-orasyon.Napangiti ulit ako habang nanunuod.

At the end of the film may narinig akong pumalakpak... AGAD! Napatingin tuloy ako.. sa likod ko. Eeeehhh naiihi ako! Nandon kase sya. Lokong to pinaalis kaklase ko. Nakatayo pa sya muntanga.

Paglabas namin hinila ko sya papunta dun sa malayo sa mga kaklase ko kase pagpepyestahan nila kame.

"Late ka (*^*) Tampo na ko." Sinapak ko sya ng mahina.

"Anong late? Buong film showing nyo nandon ako, Aba. Nakakaantok nga yung sa iba e napaka-typical. Walang kabuhay buhay buti sainyo nakakamulat ng mata. Nandon ka kase." Banat nya sabay kindat.

"Baliw. Nakakainis ka padin. Di mo manlang ako ininform edi sana di ako balisa habang nanunuod."

"Hinahanap mo ko?!"

"OBVIOUS BA?! Aish. Teka magbibihis ako, ang init." 

"Ohy saan?"

"Sa Cr malamang , alangan namang sa room. Sama ka?" Ngumisi ako.

"Bawal eh. Next time nalang." Tumango tango sya habang nakahawak sa baba nya. Kita mo to, feeling bagets nakngputs.

"Pfft~ Osya babalik ako, sandali lang ako! huehue. I know you want meh~" Pagkanta ko habang papalayo sakanya. Kinuha ko yung pamalit ko saka nagtatakbo sa cr. Natawa naman sya sa gawain ko. Ganda ko kase eh HAHAHAHA.

Pagbalik ko kasama nya na yung dalawa. Parehas na silang nanginginaen ng cotton candy. 

"Noona! Mas bagay sayo school uniform!" Sigaw ni Sehun

"Oo nga, dapat di ka na nagpalit." Sabi ni Luhan

"Eh? Ayaw. Pag naka-school uniform ako di ako makakasabit kay Kris~ Sasawayinb ako ng principal!"

"Pasaway ka talaga." Sabi ni Kris

"Eh kinikilig ka naman" Sabi ni Luhan saka nagtatakbo.

...

[MWMT] Married with my TeacherWhere stories live. Discover now