Chapter 8: Of Job-hunting and Public Transportation

1.7K 82 25
                                    

A/N: Dedicated to Girlwiththemessyhair dahil miss ko na ang bebe Alex ko!! hahaha.. muahugs bebe.. namiss ko ang attack hug mo..hahaha

Nasa picture po ang itsura ng UP-Ayala Technohub sa bandang Philcoa :D

----------------------------------------------------------------

Nagising si Sai na amoy lemon ang labas ng kwarto nya. 10AM na nung bumangon sya dahil sa puyat. Bugbog kasi sa practice match kahapon. Buti nalang, day off ngayon. Meron din syang naaamoy na mabango at masarap. Pati ang tyan nya, nakiayon.

Pumupungas-pungas pa sya nang lumabas sa kwarto at na impress sa sobrang linis at ayos ng sala at ng kitchen. Lahat ng nakakalat na magazines at mga bala ng PS3, nakaayos sa shelf sa ilalim ng TV. Walang makikita ni hibla ng buhok sa sahig na kulang nalang ay kumintab sa sobrang linis.

Humikab pa si Sai at kinamot ang tyan nang lumapit sa 4-seater dining table kung saan may nakatakip na pagkain. Inangat nya ang takip at umakyat ang usok mula sa bagong-lutong pagkain. Langhap na langhap nya ang aroma ng chicken-pork adobo at naghurumentado na rin ang tyan nya. Matapos kasi nyang matikman at maubos ang niluto ni Lem kahapon na tinolang manok, parang na-excite syang isipin kung ano ang kakainin sa mga susunod na araw.

Sa buong UP life nya kasi, hindi sya halos nakatikim ng lutong-bahay. Lahat galing sa resto. Kung minsan, padadalhan syang mommy nya ng pagkain pero malamig na pagdating sa kanya at kailangan nang i-microwave. Gusto kasi ni Cyann mainit-init pa ang food na kakainin nya at wala masyadong MSG. Kaya rin nauumay na sya kakapa-deliver ng food mula sa kung anu-anong establishments.

Takam na takam syang umupo kung saan may nakataob na plato at naka-ready na spoon and fork. Hindi nya napansing bumukas ang pinto ng common bathroom dahil nagsimula na syang sumandok ng ulam pakatapos lagyan ang plato ng mainit-init pang kanin mula sa rice cooker na nandoon din sa lamesa.

Napatili ng kaunti si Lem na bagong-ligo at sa gulat ni Sai, natapon ang sinasandok nyang sabaw sa mesa.

"Anuba?!" bulyaw ng bagong-gising at tinignan ng masama ang isa na napakapit sa bathrobe. "It's so early in the morning and you're squealing like a pig."

 

"Sorry ha?" pabalang namang sagot ng bagong-ligo. "Pasensya naman na hindi ako sanay makakita ng lalaki pagkatapos maligo," bulong pa nya bago pumasok sa kwarto.

Umiling si Sai at nagsimula nang kumain. Napapangiti sya bawat subo kasi ang sarap-sarap nung adobo na salty & sweet at the same time. Mas masarap ito dun sa niluluto ng house maid nila sa ancestral home nila kasi maalat lang yun. Ninanamnam nya talaga bawat kutsarang naglalaman ng kanin at kaunting ulam, yung tipong mawawalan muna ng lasa sa bibig nya yung nginunguya nya bago nya lunukin.

Nakakailang subo pa lamang sya nang lumabas si Lem na nakaayos na: naka-dress na hanggang lagpas tuhod ang haba, flats, kaunting blush-on at basa pa ang mahabang buhok.

Napatingin si Sai sa orasan, wala pang fifteen minutes yun ah. Lahat ng girls na kilala nya before take more or less one hour to dress up. "Where to?" tanong nya at nagsubo ulit.

SaiLem One {Head-On Collision}Where stories live. Discover now